17/09/2025
Naabot na jud kay sir tulfo among swimming pool
ππππππ ππ πππππππππππ, πππππππππ ππ ππ πππππ ππππ-ππππ!
Sa kanyang Privilege Speech sa Senado kahapon, September 16, isiniwalat ni Senate Committee on Public Services Chairman Sen. Raffy Tulfo ang reklamong idinulog sa kanya ukol sa palpak na Mabuhay Underpass National Highway sa General Santos City na na-award sa Vicente T. Lao Construction.
Ang project cost ay β±657 million. Nangyari ang ground breaking noong June 2022 at ang target completion date sana nito ay noon pang September 2024 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang proyekto at nakatiwangwang pa rin!
Dahil dito, mas lalo lang daw lumala ang trapiko sa lungsod, lalo pa at ayon sa mga residente doon ay hindi naman daw kailangan ang nasabing underpass.
Napagalaman din ni Sen. Tulfo na marami na ring palpak na past projects ang nasabing construction base mismo sa contract performance nito mula kay DPWH Bureau of Construction Director Alan Borromeo.
Pero ang ipinagtataka ni Sen. Raffy ay kung bakit patuloy pa ring nabibigyan ng proyekto ng DPWH ang Vicente Lao Construction kahit na pang-apat lamang ito sa pinakamababang nag-bid para sa proyekto at kataka-takang isa-isang na-disqualify ang mga kakumpetensya nito.
ANG MAS MATINDI, may apat pang ongoing project ang Vicente Lao Construction sa gobyerno at lahat ng ito ay may mga negative slippage o delays at walang malinaw na paliwanag!
At gaya ng mga pagsisiyasat ngayon sa flood control projects, dapat nang masimulan ang imbestigasyon dito nang sa gayon ay matuldukan ang mga kalokohan sa iba pang mga proyekto ng gobyerno!
Kaya magsasagawa ng hearing ang Public Services Committee ukol dito bukas, Sept. 18.
ABANGAN.