25/06/2025
๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐๐๐ด๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐น๐ผ๐ป
๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐จ๐ธ๐ข๐ฏ.
๐๐ถ๐ฎ๐ช๐ด๐ช๐จ๐ข๐ธ.
๐๐ข ๐จ๐ช๐ต๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ด ๐ข๐ต ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ.
๐๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฃ๐ข๐บ.
๐๐ช ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ณ๐ข๐ด.
๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ฐ๐ญ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด.
๐๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ข๐จ.
๐๐ถ๐ฎ๐ช๐ฑ๐ข๐ฅ.
๐๐ข ๐จ๐ช๐ต๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข๐ฌ.
๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ช๐ต.
๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ.
๐๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต ๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ.
๐๐ต ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏโ
๐๐ข๐ณ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข.
๐๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ช๐ด๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข.
๐๐ข๐จ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐บ๐ข๐จ,
๐๐ข ๐ฃ๐ถ๐จ๐ฉ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฏ, ๐ด๐ช๐ญ๐ขโ๐บ ๐ฏ๐ข๐จ๐ธ๐ข๐จ๐ชโ๐ต ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฑ๐ข๐ฅ!
Sa isang araw na hitik sa damdamin at pag-asa, pinalad ang College of Fisheries and Aquatic Sciences ng Mindanao State University โ General Santos na masilayan ang ikapitong Pre-Commencement Exercisesโisang paglalayag ng mga bagong mandirigma ng karagatan, mga iskolar ng bayan na matagumpay na tumawid sa unos ng edukasyon at ngayoโy handa nang suungin ang malalaking alon ng tunay na buhay.
Itoโy hindi basta seremonya lamang; itoโy isang pagsasadula ng kanilang paglalakbayโisang pagsakay sa bangka ng kaalaman, pagharap sa hampas ng dagat ng hamon, at sa wakas, pagdating sa isang paraisong tinatawag na tagumpay.
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pangarap: makapag-aral, makapagtapos, at makapaglingkod. Ngunit sa likod ng pangarap na ito, hindi madali ang kanilang paglalakbay. Kabi-kabilang pagsubok, proyekto, field works, research engagements, at kawalan ng tulog ang kanilang binuno. Ngunit tulad ng matibay na bangkang gawa sa yaring pusong pursigido, hindi sila bumitaw sa sagwan ng pag-asa.
Pinangunahan ng kanilang kapitan sa paglalayag, si Prof. Christen P. Peรฑafiel, DFishTechโang dekano ng kolehiyoโang pagpapaalala na ang kanilang pag-angat ay hindi pagtatapos kundi simula pa lamang ng mas malawak na responsibilidad.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya na ang Fisheries ay hindi lamang industriya kundi isang puwersang panlipunanโisang sandata para sa seguridad sa pagkain, kabuhayan ng komunidad, at pangangalaga ng kalikasan. Ang bawat graduate ay tinawag niyang "forward-thinker" na magdadala ng agham, puso, at prinsipyo tungo sa mas matibay na sektor.
Sa likod ng matagumpay na paglalayag ng mga iskolar ng bayan mula sa College of Fisheries and Aquatic Sciences ng Mindanao State University โ General Santos, nakasandal ang bangka ng kaalaman sa matatag na pamumuno ng mga opisyal ng unibersidad.
Pinamunuan ni Atty. Shidik T. Abantas, MDM, LLM bilang Chancellor, kasama sina Mishell D. Lawas, D. Eng. bilang Vice Chancellor for Academic Affairs; Engr. Randy R. Asturias, Ph.D. para sa Planning and Development; Dr. Christine Dawn G. Obemio para sa Research, Extension, and Innovations; Sheila J. Loable, MSc. para sa Administration and Finance; Norman Ralph B. Isla, DComm para sa Student Affairs and Services; Monlouie M. Sorzano, MA bilang Campus Secretary; at Eljean C. Cobarde, MAEd bilang University Registrar. Sa kanilang sama-samang paggabay, nabigyang-direksyon ang bawat layag ng estudyante, sinig**o ang kalmadong daloy ng edukasyon, at naitawid ang mga mag-aaral patungo sa pampang ng tagumpay at bagong simula.
Sa bawat hampas ng alon ay may pangalan ng mga iskolar ng bayan na nagsilbing timon ng pag-asaโt tagumpay sa 7th Pre-Commencement Exercises ng MSU-General Santos College of Fisheries and Aquatic Sciences. Kinilala sina Queenie Mae Merca, Marvelyn Quisto, Michelle Ann Palconit, Alliana Dollente, Kane Ann Racho, Vincent John Perez, Margeri Nicole Corporal, Daphne Faye Canoy, GV Bancaya, Tisha Mae Casar, Mea Jane Bioncio, at Danica Balingit bilang mga Cum Laude ng BS in Fisheries at Marine Biology.
Hindi rin nagpahuli sina Kaye R. Diaz, Princess Mae G. Pondavilla, at Barbie Xu P. Rosoylo na nagtamo ng With Honors. Pinarangalan din ang mga nagpakita ng kahusayan sa Diploma in Fisheries Technology sina Kris Aime D. Asutilla, Josaphat R. Claver, Ednine Joice P. Agustin, Shaira Z. Bigtasin, Donessa Cofreros, Dwight Ebenezer Calzado, Mechelien Mae L. Santiago, Jevie T. Campos, Franz M. Mortega, Ana Mae T. Pinoggan, at Kyle Salmasan. Samantala, tinanghal si Jamel M. Caipang bilang Student Leadership Awardee at sina Daphne Faye D. Canoy, Jhostrael D. Polea, at Marvelyn Quisto bilang Service Awardees.
Ipinagdiwang din ang College Achiever Awardees na sina Jhostrael D. Polea, Jenevieve Y. Abram, Mike Fred D. Gamutin, Jamaica Mae P. Gulane, Adrianne Q. Sonsona, Manilyn J. Kapitan, Jamel M. Caipang, Rizza Joy Tolete, at Lance Batiancilaโlahat ay patunay na kayang tumawid ng sinumang may tapang, talino, at pangarap.
Ngunit, sa pusod ng bughaw na karagatan ng tagumpay, lumutang ang pangalan ni Queenie Mae Merca, ang itinanghal na Valedictorian ng ika-7 Pre-Commencement Exercises ng Mindanao State University โ General Santos College of Fisheries and Aquatic Sciences.
Bilang isang Cum Laude ng Bachelor of Science in Fisheries, hindi lamang siya namayagpag sa akademya kundi naging ilaw at inspirasyon sa kanyang mga kapwa iskolar ng bayan. Sa kanyang paglalayag bilang pinuno ng kanilang henerasyon, dala niya ang tiwala ng kolehiyo at ang pangakong hindi lamang sumabay sa agos kundi maging alon ng pagbabago sa industriya nng pangisdaan.
Ang kanyang kwento ay patunay na sa likod ng bawat tagumpay ay isang pusong puno ng sipag, tapang, at dedikasyonโisang huwarang lider na handang isulong ang adhikain para sa mas matatag at makataong hinaharap sa larangan ng agham-pangisdaan.
โIt takes a whole village to raise an Iskolar ng Bayan, at sa araw na ito, sabay-sabay nating ipinagdiriwang ang pag-ani ng mga itinanim nating pangarap.โ Ito ang inihayag ng panauhing pandangal, si Jerrhad Nadonzaโisang propesyonal sa larangan ng Fisheries at tagapagtatag ng Mindanaw SaFood. Sa kanyang mensahe, kanyang hinimok ang mga nagtapos na gamitin ang kanilang talino at puso para sa agham, bayan, at sangkatauhan.
Binanggit niya rin ang kasalukuyang mga hamonโang pagbabago ng klima, pagkawala ng biodiversity, at ang tuloy-tuloy na paghihirap ng mga mangingisda. Ngunit aniya, ang mga iskolar ngayon ay may hawak nang timon ng pagbabagoโhanda na silang maglayag tungo sa sustainable future.
At sa pagtatapos ng seremonya, tila isang bangkang dumating na sa isang bughaw na paraiso ang mga magsisipagtapos. Hindi man ito literal na isla, itoโy sagisag ng tagumpayโna hindi bunga ng swerte kundi ng sakripisyo, determinasyon, at pananalig.
Ang Pre-Commencement Exercises ay hindi lamang pagtatapos, kundi panibagong simula. Tulad ng sinabi ng kanilang dekano: "The blue frontier awaitsโgo forth and make waves." Ito ang panawagan para sa Class of 2025โna ipagpatuloy ang paglalayag, hindi para lamang sa sarili, kundi para sa bayan, para sa kalikasan, at para sa susunod na henerasyon.
Sa bawat hampas ng alon, sa bawat sigaw ng dagat, naroroon ang tinig ng mga bagong iskolarโhanda nang ipaglaban, pangalagaan, at paunlarin ang bughaw na yaman ng bansa.
Mabuhay ang mga mandirigma ng karagatan. Mabuhay ang College of Fisheries and Aquatic Sciences Class of 2025!
Sulat ni Earl Owen Ares
Litrato nina Stephen Louise Escanilla, Princess Allyssa Corpuz at Kurt Ny Love Arnaldo