
18/05/2024
GROOM NALAMANG LALAKI SI BRIDE 12- DAYS MATAPOS NILANG IKASAL. 💔😢
Nagulat ang 26-year-old na lalaki mula sa Indonesia nang matuklasan niyang katulad niya palang isang “lalaki” na nagpanggap bilang babae ang napakasalan niya. Nabunyag ng groom ang totoong identity ni bride 12-days matapos silang ikasal.
Ayon sa salaysay ni AK (groom) nakilala niya si Adinda (bride) sa internet. Nagkausap hanggang sa nagkamabutihan at humantong sa pagkikita ng personal. Aminado si AK na nabighani agad siya kay Adinda sa una pa lang nilang pagkikita.
Ilang beses naulit ang pagkikita ng dalawa hanggang sa niyaya na ni AK si Andinda na magpakasal.
Aminado si AK na may napansin siyang ilang mga kakaibang kilos kay Adinda katulad ng laging may takip na belo ang mukha. Ngunit ni minsan ay hindi siya naghinala na isa pala itong lalaki. Idagdag pa nga diyan ang pagkakaroon nito ng isang boses babae.
Pumayag raw sa kasal si Adinda pero ayaw nitong iparehistro ang kanilang pagpapakasal. Ang dahilan ay dahil kamamat*y pa lamang umano ng kaniyang ina. Hanggang sa pareho nilang napagkasunduang ilihim ang kanilang wedding.
Gayunpaman, matapos ang kasal ay ayaw pa ring magtanggal ni Adinda ng takip sa mukha kahit si AK na lang ang kaharap nito.
Ayaw rin nitong makihalubilo sa pamilya at mga kaibigan ng mister sa village. Mas lalo ngang naghinala si AK dahil mula nang ikasal sila ni Adinda ay hindi pa sila nagkakaroon ng honeymoon.
Naibahagi nga ni AK ang kaniyang sitwasyon sa pamilya at nagdesisyon silang imbestigahan ang background ni Adinda. Nahanap ng pamilya ni AK ang tatay ni Adinda. Sinabi ng ama nito na hindi naman ito nawawala gaya ng sinabi ng anak. Ito rin ang nagbunyag na isang lalaki si Adinda.
Nang imbestigahan ng mga otoridad, umamin si Adinda sa ginawang panloloko kay AK. Sinabi niyang pera ang dahilan kaya niya nagawang magpanggap bilang isang babae. Tuwing hihingi raw kasi siya ng pera kay AK ay binibigyan siya nito.