KitchenEra

KitchenEra Farming at pagsusulat ang aking hilig
Welcome kaFarmilya
🤗Express when depress
✍️Write what's right
🖊️pen not pain
🫂tell what you feel
🗒️tugma at tula

20/06/2025

Fried Chicken Neck😋
Napakasarap na luto ng Chicken Neck.
Ilabas ang kanin
Sobrang Sarap nito

Sako at sirang balde pwedeng pwede pag taniman ng Sili. ❤️
01/04/2025

Sako at sirang balde pwedeng pwede pag taniman ng Sili. ❤️

Walang makakatalo sa ganitong mga ulam 😋!Sobrang sarap na lutong Pinoy.      ゚viralシfypシ゚viralシalシ
07/03/2025

Walang makakatalo sa ganitong mga ulam 😋!
Sobrang sarap na lutong Pinoy.
゚viralシfypシ゚viralシalシ

04/02/2025

Sumugal sa pagkatalo

Nasanay akong mag isa simula pa noong una
Ngunit dumating ka ng walang pasabi ako'y kinumusta
Ang isang araw na pag uusap ay naging dalawa,tatlo,apat, lima
Hanggang nasanay sa mga mensahe mo tuwing umaga

Hindi ko namamalayan ang nararamdama'y nag iba
Ang sayang naidudulot mo, tila hindi pangkaibigan pa
Ngunit iyon ay aking ibinaliwala
At baka ako'y nagkamali nararamdaman nati'y di tugma

Ang lahat ng aking haka-haka't iniisip ay naliwanagan bigla
Nang sabihin mo ang mga katagang gusto kita
Alam ko sa sarili, magkatulad ang ating nadarama
Ngunit naisambit ko ang mga salitang takot akong pumusta

Takot akong masaktan,takot akong maiwan
Ngunit mga pangako mo'y kay rami na naniwala ako ng tuloyan
Hinayaan ko na ang aking puso na mahulog sa iyo
Naging masaya ang kwento na tayo ang nagbuo

Ngunit biglang nagbago ang lahat
Nang sambitin mo ang mga salitang ngayon ay hindi pa pala dapat
Sinabi mong hindi ka pa pala handa
At may takot sa iyong pusong aking kinabigla

Hindi rin ako naging handa sa iyong sinabing mga salita
Masaya pa tayo kanina, bakit biglang nag iba
Alam mo ang takot kong sumugal simula umpisa
Takot akong masaktan, ngayon ay nangyari na.

Heto ako't naiwang lugmok at sugatan
Tinatanong ang sarili kung dapat ko bang maranasan
Ako'y nagmahal ng buo at totoo
Sumugal kahit takot na gumuho ang mundo

Ang aking unang pag ibig ay kakaiba
Pagkat nagmahal ako't naiwang lumuluha
Unang pag ibig na pilit kong pinroteksyonan
Ito pa ang unang pagka bigo, at naiwang sugatan

Walang space na tataniman? pwedeng pwede ang mga nilumaang container sa bahay  Gardening.
20/10/2024

Walang space na tataniman? pwedeng pwede ang mga nilumaang container sa bahay
Gardening.

30/06/2024

Ere

Heto ako at nakatanaw sa alapaap
Mag isang tinutupad ang binuong pangarap
Kukulayan ang mga planong sana'y ikaw ang katabi
Pagkat ikaw ay umalis na wala man lang pasabi

Ngunit bakit naging ganito
Hindi ako naging handa sa paglisan mo
Gumising ako sa mahimbing na pagtulog
At ako pala ay mag isang nahulog

Iniwan mo ako sa Ere
Umalis ka ng walang pasabi
Para kang isang naglahong bula
Tahimik na mga hakbang ang iyong ginawa

18/01/2024

Matatapos ng hindi nasisimulan

Kailangan bang lumayo sa takot na baka masaktan?
Kailangan bang umiwas ng hindi na lumalim pa ang nararamdaman?

Tama bang idaan sa limot ang mga bagay na hindi masabi?
Tama ba ang pag layo upang proteksyonan ang sarili?

Tataposin ang hindi pa nasisimulan
Ito'y magtatapos sa tahimik na paglisan

Kung sanaHanggang sana na lang ba?Ang mga pangarap na binitawan na lang ng  kusaHanggang sana na lang ba?Ang mga desisyo...
18/01/2024

Kung sana

Hanggang sana na lang ba?
Ang mga pangarap na binitawan na lang ng kusa
Hanggang sana na lang ba?
Ang mga desisyong hinayaan at ibinalewala

Kung sana, naging matapang ako simula umpisa
At inilaban ang pangarap na ako ang naglikha
Kung sana hindi ako naging pabaya
Hindi panghihinayang ang bubuo ng aking salita

Kung sana, hindi ko pinigilan ang damdamin
At hinayaang magiging totoo sa nais sabihin
Kung sana sa pagmamahal hindi ako natakot na pumusta
Hindi sana matatapos sa pagiging mag isa

Kung sana, hindi ako naging isang duwag
Dahil sa bawat salitang susubok, kaakibat ang huwag
Kung sana mas naniwala ako sa aking kakayahan
Baka sa panaho'y hindi ako napagiiwanan

Kung sana, sana nagpakatatag ako
At hindi tinapos sa simpleng pagsuko
Kung sana, sa isang paglagapak ay muling sumubok na tumayo
Baka ngayo'y nasa dulo na't malayo na ang natatamo

Ngunit kahit andaming sana na nasayang
Napakadaming bagay ang sa aki'y nagpapahinayang
At ang mga sana na hindi na maibabalik pa
Kaakibat ng bawat sana, ang salitang ako'y natuto na

Hindi na maibabalik ang mga natapos na
Ngunit maaari kang sumubok mula sa umpisa
Ang dating sana ay mapapalitan mo pa
Ng mga katagang sa ikalawang pagkakataon kaya ko pala.

16/01/2024

Dahil sa gutom ng buhay ako'y mas lumapit sa Kanya

MapagpanggapKahit sabihin ko pang kaya paMay mga panahong ako'y napapagod naMadaling ipakitang ako'y masaya Kahit ang to...
14/01/2024

Mapagpanggap

Kahit sabihin ko pang kaya pa
May mga panahong ako'y napapagod na
Madaling ipakitang ako'y masaya
Kahit ang totoo ako'y durog na durog na

Kaya kong tumawa ng sobrang lakas
At nagagawang humagulgol na walang maibigkas
Ngingiti na walang bahid ng hapdi
Ngunit sa dilim ako'y nagsisimulang humikbi

Nakakatayo ng matuwid na tila walang takot
Ngunit ang totoo katawa'y gusto ng bumaloktot
Sarili'y pinipilit mag mukhang malakas
Kahit ilang beses na gusto ko ng umatras

Ang ingay ko na dulot sa inyo ay saya
Samantalang naririnig ang ingay ng mundo tuwing mag-isa
Habang todo bigay ng suporta sa iba
Ano mang oras heto ako at bibigay na

Hindi ko ninais na maging mapagpanggap
Sa tuwing mag isa, ramdam ko ang hirap
Hirap pagkat ang galing kong kumubli
Ng mga sakit at nararamdamang pighati

At habang sinusulat ang bawat salita
Nitong tulang na isip na lang bigla
Masasabi kong kaya ko pa lang maging matapang
Na lumaban, tumayo , at minsan nang gumapang

-ps.
Sa iyo na nagiging mapagpanggap
Saludo ako sa lakas ng loob mong tumanggap
Na sa tuwing mag isa'y ramdam ang kahinaan
May pangarap ka, kaya't patuloy na lumaban.

10/01/2024

Alam kong imposible
Ngunit heto ako't nagbabakasakali
Itong lihim na pagtingin
Sana'y mabigyan mo ng pansin

Rise and shineEverything will be fineEverytime I see sunrise, I see hope and faithThe different colors that gives life t...
24/11/2023

Rise and shine
Everything will be fine

Everytime I see sunrise, I see hope and faith
The different colors that gives life to it
The peace I see when it changes to yellow from grey
Indeed, it's a beautiful scenery.

Life is uncertain, it changes day by day
But just like the sunrise,
Let's see the beauty in every day.
Do not worry , be happy

Good morning.😇

Address

General Santos City
9500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KitchenEra posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share