13/09/2025
๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐| ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ
araw-araw sa pasilyo ng gemma,
suot-suot ang converse kong halos mabutas
na ang talampakan sa kakalakad,
dala-dala ko ang bag
na may isang notebook sa loob,
isinulat ko pa noong
nakaraang buwan.
sa unang pahina, pangarap
para kila mamaโt papa.
sa ikalawa, pangarap
para sa mga kapatid.
at sa pinakalikod, sa medyo gusot
at maduming parte, nandoon ang akin:
una, matupad ang kanila,
ikalawa at panghuli, makakain ng spaghetti sa jollibee
nang hindi na nasasayangan sa ipinangbayad.
araw-araw, sa bawat hakbang,
ramdam ko ang bigat ng mga salitang nasa loob ng bag.
sumasakit na ang likod ko kakapasan,
minsan gumagaan kapag nakakatawa
kasama ang mga kaibigan.
at pagdating ng gabi,
sa apat na sulok ng boarding house,
mainit, minsan tahimik,
pero palaging maingay sa loob ng utak.
nagsisigawan ang mga boses,
ang iba nagtutulakan, nagsasakitan,
walang tumitigil.
ako mismo, pagod.
at minsan naiisip ko,
โano kaya ang pakiramdamโฆ sumuko?โ
napaupo ako sa sahig, katabi
ang mga tumutulo kong luha.
nakita ko ang aking bag sa isang sulok,
nakabukas ang zipper,
para bang umiiyak din siya.
nilapitan ko at sinubukang isara,
pero sa loob nakita kong nagkakalatan ang mga papel.
sa isang sticky note:
to-do list
โข assignment 1 (deadline later 11:59 pm)
โข assignment 2 (deadline tomorrow 5:00 pm)
โข groupwork (deadline tomorrow 11:59 pm)
sa isang punit na yellow pad:
1. grocery list
2. bigas 3 kls
3. itlog half tray
4. toyo 1 pouch
5. kape 3 packs
โฆhanggang kape lang pala ang kaya ng budget.
at sa pinakailalim, nakita
ko ang notebook. binuksan ko.
nandoon ang mga pangarap nila
sa bawat paghinga koโy sinusubukan kong tuparin.
hinanap ko โyong para sa sarili ko.
nasa pinakalikod pa rin.
natawa ako sa spaghetti.
kaya dinagdagan ko:
unlimited fries, burger,
ibaโt ibang kulay ng converse,
maginhawang buhay,
at โatty.โ sa harap ng pangalan ko.
kahit ordinaryo ang mga kamay,
napagtanto kong may kapangyarihan palaโ
ang magsulat ng mga pangarap.
at dahan-dahang abutin ang mga ito.
minsan gusto ko nalang ihinto ang orasan. kasabay ang pagod ng utak,
at hagulgol ng puso.
pero sa kabila ng lahat,
kahit mapudpod ang sapatos kakalakad sa campus,
kahit makuba ang likod kakapasan ng bag,
kahit itlog at pastil araw-araw,
kahit mapuno ang listahan ng gawain sa eskwela,
kahit katabi kong matulog ang lungkot sa boarding house,
kahit mahilo sa bus tuwing uuwi ng probinsya,
marinig lang ang boses ng pamilyaโ
magpapatuloy ako.
magpapatuloy akong hawakan ang ballpen,
magsulat ng mga pangarap,
at alagaan ang buhay na hawak ko.
dahil sa bawat hakbang ng mga paa,
at bawat letra sa pahinaโ
hindi lang buhay ko ang nabubuhayan,
hindi lang pangarap ko ang natutupad.
at kung minsan sumagi man sa isip ang pagsuko,
paalala ko sa sariling hindi ako nag-iisa.
dahil kasama ko ang mga pangarap ko, para sa sarili,
para sa mga mahal sa buhay.
at mga taong naghihintay
sa tagumpay kong tinatanaw.
lahat ng itoโy dahilan para
piliin kong magpatuloy.
dahil ang pagpapatuloy,
ay ang mismong paraan ko ng
pagpiling mabuhay.
sa ngayon,
sapat na muna ang mangarap
ng jollibee spaghetti nang hindi iniisip ang bayad.
saka na ang bagong converse,
pati ang ibang ko pang pangarap.
โ๏ธ: Paloma Vaflor
๐: Nicole Tamboboy