
08/10/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ญ๐ข๐ค-๐๐๐ซ๐ ๐๐๐จ! ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐ ๐ฌ ๐๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐ซ๐-๐ ๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐ข๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐๐๐ฅ๐ฌ, 30-13
Mindanao State University General Santos โ Arangkada ang College of Engineering (COE) Asteegs matapos magtagumpay na mapataob ang Institute of Islamic, Arabic, and International Studies (IIAIS) Tribals sa tila-tagibang tagisan, 30-13, upang ikamada ang panalo sa 2nd game ng pre-games ng MSU GSC Intramurals 2025 Men's Beach Volleyball na ginanap sa University Beach Volleyball Court ngayong arawโOktubre 8.
Maagang 13-1 kalamangan ang pinosas ng Asteegs dala ng mga malulupit na tirada-kargada at pulidong positioning. Sinubukang bumawi ng naghihikaos na Tribals ngunit di umubra sa mala-halimaw na ball management ng Asteegs dahilan upang mabilisang tapusin ang sagupaan at selyuhan ang tagumpay.
๐๏ธ Prince Zyrus S. Laudato
๐ปRozelle Catanio
๐ท Kent Joshua Maguan l John Roland Dimput | Jirah Joy Umangay