Uno Mindanao

Uno Mindanao Uno Mindanao News

PATAY NA NATAGPUAN ANG 2-ANYOS NA BATANG PITONG ARAW NA NAWAWALA; FOUL PLAY, HINIHINALABUTUAN CITY — Patay na nang matag...
29/07/2026

PATAY NA NATAGPUAN ANG 2-ANYOS NA BATANG PITONG ARAW NA NAWAWALA; FOUL PLAY, HINIHINALA

BUTUAN CITY — Patay na nang matagpuan ang 2-anyos na batang lalaki na pitong araw na iniulat na nawawala sa isang liblib na bahagi ng Barangay Camayahan, Butuan City.

Kinilala ang biktima na si Ian Miñoza, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na ulat, nagsisimula na umanong mabulok ang bangkay ng bata nang ito ay matagpuan ng mga awtoridad.

Sa ngayon, isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga imbestigador ay ang posibilidad ng foul play sa pagkamatay ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng bata at kung may pananagutan ang sinuman sa insidente.

SPX Rider Hindi Na Nakauwing BuhayBumuhos ang pakikiramay mula sa kapwa delivery riders at netizens sa pagpanaw ni Chest...
29/07/2026

SPX Rider Hindi Na Nakauwing Buhay

Bumuhos ang pakikiramay mula sa kapwa delivery riders at netizens sa pagpanaw ni Chester Alagon, isang SPX rider mula sa Capiz Roxas Hub.

Ayon sa mga nakakakilala sa kanya, araw-araw na hinarap ni Chester ang init at ulan upang maihatid ang mga parcel sa mga customer. Sa kabila ng mabibigat at kung minsan ay overload na kargamento, hindi umano siya nagreklamo dahil ang tanging hangarin niya ay makatulong sa kanyang pamilya.

Inilarawan din siya bilang isang masayahin, mabait, at mapagkumbabang tao. Naging malapit siya hindi lamang sa kanyang mga kapwa rider kundi maging sa kanilang mga opisyal dahil sa kanyang maayos na pakikitungo sa lahat.

Sa isang mensahe ng pagpupugay, nanawagan ang kanyang mga kasamahan na makamit ni Chester ang hustisyang nararapat sa kanya at ipinanalangin ang lakas at kapanatagan para sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Patuloy namang nakikiramay ang marami at inaalala ang kanyang dedikasyon sa trabaho at pagmamahal sa kanyang pamilya.

42 ANYOS NA GINANG AT 20-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAHULING PUMASOK ANG DALAWA sa LODGING HOUSEPOLOMOLOK, South ...
27/07/2026

42 ANYOS NA GINANG AT 20-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAHULING PUMASOK ANG DALAWA sa LODGING HOUSE

POLOMOLOK, South Cotabato — Inaresto ng mga pulis ang isang 42-anyos na babaeng may asawa at isang 20-anyos na lalaki matapos silang maabutan sa loob ng isang lodging house sa Barangay Poblacion, Polomolok, noong gabi ng insidente.

Batay sa ulat ng Polomolok Municipal Police Station (MPS), bandang alas-7:30 ng gabi nang humingi ng tulong sa pulisya ang 46-anyos na mister matapos umano niyang makita ang kanyang asawa na pumasok sa isang lodging house kasama ang isa pang lalaki.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at pinasok ang Room No. 5 ng lodging house, kung saan nadatnan ang dalawang indibidwal sa loob ng silid.

Dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at paghahanda ng naaangkop na mga reklamo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.

Source: Polomolok Municipal Police Station (MPS)

23/07/2026

Malakas daw ang kaso 😅

23/07/2026

MISTULANG TALON ANG RUMARAGASANG BAHA SA TAMPAT, MAASIM, SARANGANI

Mistulang isang talon ang rumaragasang tubig-baha sa bahagi ng Tampat, Maasim, Sarangani Province, matapos ang walang tigil na pag-ulan na naranasan sa lugar noong Hulyo 23, 2026.

Makikita sa video ang mabilis at malakas na agos ng tubig na bumababa sa naturang lugar, na nagpapakita ng tindi ng pagbaha dulot ng walang tigil na ulan.

Video Courtesy: Facebook – Roxanne Diabordo-Abapo

23/07/2026

Ganito ang kalagayan ng ilang residente sa Purok Quilantang at Purok Rovalgon, Barangay Calumpang, General Santos City, matapos makaranas ng walang tigil na pag-ulan ang lungsod noong Hulyo 23, 2026.

Apektado ang ilang kabahayan at komunidad dahil sa patuloy na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa lugar. Patuloy namang pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad.

18/07/2026

M7.3 na lindol, yumanig sa timog ng Mexico

MEXICO — Isang malakas na magnitude 7.3 na lindol ang tumama sa karagatang malapit sa Chiapas, southern Mexico noong Hulyo 17, 2026, na nagdulot ng malakas na pagyanig sa timog ng Mexico, gayundin sa mga karatig-bansang Guatemala at El Salvador.

Ayon sa Reuters, ilang malalakas na aftershock ang naitala kasunod ng pangunahing lindol.

Dahil sa lakas ng pagyanig, agad na nagpalabas ng emergency alerts ang mga awtoridad, dahilan upang libu-libong residente ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan, opisina, at iba pang pampublikong gusali bilang pag-iingat.

Nagbabala rin ang mga opisyal sa posibilidad ng maliliit na tsunami waves sa ilang bahagi ng baybayin ng Pacific Ocean, subalit patuloy nilang minonitor ang sitwasyon at kalaunan ay inalis ang banta.

Sa kabila ng malakas na lindol, wala pang naitatalang nasawi o malaking pinsala sa mga gusali, ayon sa mga awtoridad ng Mexico at Guatemala.

Patuloy namang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga emergency response team sa mga gusali, kalsada, tulay, at iba pang mahahalagang imprastraktura habang nananatiling posible ang mga kasunod na pagyanig.

Ang Mexico ay kabilang sa mga bansang madalas makaranas ng malalakas na lindol dahil matatagpuan ito sa Pacific Ring of Fire, isang sona kung saan nagtatagpo ang ilang malalaking tectonic plates na nagdudulot ng madalas na seismic activity.

Source: Reuters, The Economic Times

BAHAGI NG HIGHWAY SA LAKE SEBU, GUMUHO DAHIL SA TULOY-TULOY NA PAG-ULANLAKE SEBU, South Cotabato — Malubhang nasira ang ...
10/07/2026

BAHAGI NG HIGHWAY SA LAKE SEBU, GUMUHO DAHIL SA TULOY-TULOY NA PAG-ULAN

LAKE SEBU, South Cotabato — Malubhang nasira ang bahagi ng highway sa Sitio Pulo Subong, Barangay Ned, matapos itong gumuho bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa lugar.

Makikita sa larawan ang malaking bahagi ng kalsada na bumigay at nagkaroon ng malalim na bitak at pagguho sa gilid ng daan, dahilan upang maging delikado ang pagdaan ng mga sasakyan at mga residente. Naglagay na rin ng pansamantalang harang ang mga lokal na awtoridad bilang babala sa mga motorista.

Patuloy na mino-monitor ng mga kinauukulang ahensya ang sitwasyon habang isinasagawa ang assessment sa lawak ng pinsala at ang mga kinakailangang hakbang upang maibalik ang ligtas na pagdaan sa lugar.

📷 Photo courtesy of George Alam

10 PATAY MATAPOS MATABUNAN NG LANDSLIDE ANG DALAWANG PAMILYA SA SARANGANIMALAPATAN, Sarangani — Sampung katao ang nasawi...
10/07/2026

10 PATAY MATAPOS MATABUNAN NG LANDSLIDE ANG DALAWANG PAMILYA SA SARANGANI

MALAPATAN, Sarangani — Sampung katao ang nasawi matapos matabunan ng landslide ang dalawang pamilya sa Sitio Fandaw, Barangay Kinam, Malapatan, Sarangani, madaling araw ng Biyernes, Hulyo 10.

Ayon sa mga paunang ulat, naganap ang pagguho ng lupa bunsod ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan sa lugar.

Agad na rumesponde ang mga search and rescue team at mga lokal na awtoridad upang magsagawa ng retrieval at search operations sa pinangyarihan ng insidente.

Kinumpirma ng mga awtoridad na umabot sa 10 ang nasawi sa trahedya. Patuloy naman ang assessment sa lawak ng pinsala at pagmomonitor sa kalagayan ng iba pang residente sa apektadong komunidad.

Samantala, muling nagpaalala ang mga opisyal sa mga residenteng nakatira sa mga landslide-prone at bulubunduking lugar na manatiling alerto at sumunod sa mga evacuation at safety advisories ng lokal na pamahalaan, lalo na habang nagpapatuloy ang malalakas na pag-ulan.

MAGNITUDE 4.2 NA AFTERSHOCK, YUMANIG SA KARAGATAN MALAPIT SA SARANGANI ISLANDNiyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang kara...
10/07/2026

MAGNITUDE 4.2 NA AFTERSHOCK, YUMANIG SA KARAGATAN MALAPIT SA SARANGANI ISLAND

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang karagatan malapit sa Sarangani Island dakong alas-8:42 ng gabi ngayong Hulyo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 15 kilometro hilagang-kanluran ng Sarangani Island, sakop ng Municipality of Sarangani, Davao Occidental. May lalim itong 16 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Kiamba, Sarangani at T'boli, South Cotabato, habang Instrumental Intensity I naman sa Maasim, Sarangani.

Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 7.8 na lindol sa Offshore Sarangani at magnitude 6.5 na lindol sa Offshore Davao Occidental na naitala noong Hunyo 2026.

Wala namang inaasahang pinsala o tsunami dulot ng nasabing lindol.

Address

Dadiangas
9500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Uno Mindanao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share