
23/02/2025
Tangkang Pambobomba sa Shariff Aguak, Maguindanao, Napigilan ng Militar
🚨 Isang tangkang pambobomba sa Barangay Malingao, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ay napigilan ng militar makaraang marekober ang isang improvised explosive device (IED) noong Linggo, Pebrero 23.
💣 Ayon sa ulat ng 33rd Infantry Battalion, ang IED ay isang command-detonated device na gawa mula sa bala ng 81mm mortar. Mayroon itong mga concrete nail bilang shrapnel at ginamit ang Baofeng radio bilang triggering device.
🛡️ Pasado alas-dose ng tanghali nang matagumpay na ma-disrupt ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng militar ang bomba upang hindi na makapagdulot ng pinsala.
🤔 Patuloy pa ring iniimbestigahan ng militar kung sino ang may kagagawan ng tangkang pambobomba at ano ang motibo nito.
🙏 Nagpapasalamat ang militar sa mga residente ng lugar na agad nagbigay-alam sa mga otoridad.
⚠️ Nanawagan ang militar at PNP sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang mga kahina-hinalang bagay na hindi alam kung kanino upang maiwasan ang mga ganitong uri ng pagtatangkang pambobomba.
Hatid sainyo Ng:
❤️🔥 Terramax Capsule
☕ MEGA PURE COFFEE
🍊 MEGA CEE