
15/06/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฌ๐๐ช, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐น๐๐บ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟโ๐ ๐ก๐ถ๐ด๐ต๐ ๐ป๐ด ๐๐ข๐
Pinarangalan ang mga piling mag-aaral mula sa departamento ng Agricultural and Biosystems Engineering (ABE)โ dahil sa kanilang natatanging ambag sa ibaโt ibang larangan ng talino, galing, at serbisyo. Isinagawa ang pagkilalang ito sa ginanap na Alumni Homecoming at Seniorโs Night ng College of Agriculture (COA) ng Mindanao State University โ General Santos (MSU-Gensan) noong ika-13 ng Hunyo sa himnasyo ng unibersidad.
Sa parehong araw, matagumpay ring idinaos ang Turnover at Oath-Taking Ceremony ng College of Agriculture Studentsโ Society (CASS) at ng mga organisasyong pang-departamento sa ilalim ng COA, bilang paghahanda sa panibagong taon responsableng liderato para sa Academic Year 2025โ2026. Sa temang โSibol at Ani,โ layunin ng programa na kilalanin ang naging kontribusyon ng mga nagwakas na opisyal at salubungin ang mga bagong halal na lider.
Sa kanyang acceptance speech, inilahad ni Alken Daquio, bagong halal na presidente ng CASS, ang kanyang paninindigan sa panibagong tungkulin;
โToday marks not the end of a campaign, but a beginning of a progressive journey. A journey rooted on one shared passion on agriculture, our pride as reapers, and our duty to uphold good governance for our college. As the newly elected president of CASS, I accept the challenge to lead with authority and accountability,โ aniya.
Nagtapos ang programa sa mensahe ni Prop. Aileen Simpao, tagapayo ng Crop Science Studentsโ Society (CSSS), na nagsabing, โAng tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa posisyon kundi sa kakayahang magdulot ng positibong pagbabago sa bawat isaโ, isang paalala na lalong nagpatingkad sa layunin ng seremonya.
๐๐ณ๐ต๐ช๐ฌ๐ถ๐ญ๐ฐ | ๐๐ฆ๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ญ ๐๐ฐ๐ฏ๐ค๐ข๐ณ๐ฅ๐ข๐ด
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ | ๐๐บ๐ญ๐ข ๐๐ฆ๐ญ๐ข๐ณ๐ฅ๐ฆ