NSJ News Agency Services

NSJ News Agency Services YOUR PERSPECTIVE, OUR OPINION TRUTH BE TOLD.

๐—ฉ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ต๐—ผ๐˜ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†A gunman shot dead a villager, Moner Dipatuan Badar, in Purok Solaimain in Rosary Hei...
29/11/2025

๐—ฉ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ต๐—ผ๐˜ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†

A gunman shot dead a villager, Moner Dipatuan Badar, in Purok Solaimain in Rosary Heights 3, Cotabato City late Friday, November 28.

Badar died instantly from bullet wounds in the head, according to barangay officials and investigators from the Cotabato City Police Precinct 1 who responded to the incident.

Badarโ€™s wife told investigators someone called him, then inside their house and, as he went out, was approached and repeatedly shot by a man with pistol.

Badarโ€™s assailant immediately escaped, now subject of a police manhunt. (November 29, 2025, handout photo)

๐——๐—ฃ๐—ช๐—› ๐—ฒ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ฒ, ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜€๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† Dalawang tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang natabunan...
29/11/2025

๐——๐—ฃ๐—ช๐—› ๐—ฒ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ฒ, ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜€๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†

Dalawang tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang natabunan ng lupa nang biglang magkaroon ng landslide sa bundok sa Sta. Praxedes, Cagayan, nitong Huwebes.

Sinasabing pasado alas-7 ng umaga nitong Biyernes habang nagsasagawa ng clearing operation ang tatlong tauhan ng DPWH sa national highway na sakop ng Barangay San Juan, sa nasabing bayan nang biglang gumuho ang lupa mula sa bundok.

Ayon kay Marlene Miralles, Disaster Officer sa lugar, araw-araw na nagsusuri ng landslide sa lugar ang tatlong tauhan ng DPWH nang habang nagpapala ang dalawa sa kanila ay biglang gumuho ang lupa sa bahagi ng bundok at bagamaโ€™t tumakbo pa sila pero mabilis na inabutan ng gumuhong lupa ang dalawa.

Sa ulat ng Sta. Praxedes Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, mabilis na nagtulung-tulong na ang mga rescuer na hanapin ang dalawa at nasagip sila at agad na dinala sa Rural Health Unit.

Gayunman, ang isa sa dalawang biktima ng landslide ay nasawi kalaunan habang ang isa ay nasa maayos nang kondisyon.

Ligtas naman ang isa pa nilang kasamahan na driver ng heavy equipment. Sinasabing hindi na ito pumasok sa site nang makitang bibigay ang lupa.

Sa kabila ng insidente, patuloy ang clearing operation ng DPWH sa kalsada roon na nag-uugnay sa Ilocos Region. (Mula sa PSN, November 29, 2025)

๐Ÿฑ-๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ผ๐˜€, ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฒ๐—ฒ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† Patay na nang matagpuan ang 5-taong gulang na lalaki matapos umanong gilitan...
29/11/2025

๐Ÿฑ-๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ผ๐˜€, ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฒ๐—ฒ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†

Patay na nang matagpuan ang 5-taong gulang na lalaki matapos umanong gilitan ng cutter ang leeg ng kanyang batang pinsan sa may sapa ng Barangay Capio-an, Argao, Cebu Miyerkules ng gabi.

Batay sa insiyal na imbestigasyon ni Police Capt. Rex Baguio sa insidente, ang batang biktima ay nakitang huling kasama ng kanyang pinsan na 8-anyos na
manghuhuli umano sila ng maliliit na alimango sa sapa malapit sa kanilang bahay.

Tinanong pa umano ng ina ng biktima ang batang pinsan nito kung nasaan ang anak at hindi ito makasagot ng diretso kayaโ€™t hiniling na ng ina sa barangay na magsagawa ng paghahanap sa lugar.

Dito na nakita ang duguang biktima na nakahandusay sa sapa na may gilit ang leeg nito.

Ayon kay Capt. Baguio, mistulang matalim na bagay na parang cutter ang ginamit na ipinanghiwa sa leeg ng biktima.

Doon na naalala ng ina ng biktima na palagiang bitbit ng 8-anyos na batang kaanak ang isang cutter dahilan para paghinalaan na siya ang nasa likod ng krimen.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na nagkaroon ng pag-aaway ang magpinsang paslit habang nangunguha ng alimango.

Hawak na ng social welfare office ng naturang bayan ang 8-taong gulang na suspek habang inaalam ng pulisya ang ugat ng krimen. (Mula sa PSN, November 29, 2025)

๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฒ๐—ฒ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜๐—ผ๐—น, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†Agarang nasawi ang isang 28-anyos na magsasaka matapos tagain sa leeg ng kanyang nakab...
29/11/2025

๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฒ๐—ฒ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜๐—ผ๐—น, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†

Agarang nasawi ang isang 28-anyos na magsasaka matapos tagain sa leeg ng kanyang nakababatang kapatid sa bahay mismo ng kanilang nanay sa Barangay Nadawisan, Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Tinangka pang isugod ng mga kaanak sa Cataingan District Hospital ang duguang biktima na kinilalang si Nilo, may-asawa, residente ng naturang lugar pero hindi na umabot nang buhay.

Sumuko naman sa mga opisyal ng barangay ang suspek na si Atong, 22-anyos, may-asawa at itinurn-over sa mga rumespondeng pulis.

Ayon sa ulat, alas-9 ng gabi, nagpunta sa bahay ng kanilang nanay ang suspek na si Atong at dumating din doon na armado ng dalawang itak ang kuya nitong si Nilo at sa hindi malamang dahilan ay sinugod nito ng taga ang nakababatang kapatid na agad nakaiwas.

Dito nakakuha si Atong ng kaputol na kahoy at hinampas ang kamay ng kanyang kuya kaya nabitiwan into ang hawak na itak na agad niyang pinulot at tinaga sa leeg ang nakatatandang kapatid na agaran nitong ikinasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa naging sanhi at motibo sa madugong away-magkapatid. (Mula sa PSN, November 28, 2025)

COTABATO CITY, Philippines (November 28, 2025, Philippine Star) โ€” The military has collected 271 more assorted combat we...
28/11/2025

COTABATO CITY, Philippines (November 28, 2025, Philippine Star) โ€” The military has collected 271 more assorted combat weapons surrendered by residents of different towns in Maguindanao del Sur through the intercession of local executives and Army officials in the province.

Brig. Gen. Edgar Catu, commander of the Armyโ€™s 601st Infantry Brigade, presented the cache to his superior, Major Gen. Jose Vladimir Cagara of the Armyโ€™s 6th Infantry Division and a representative of the Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, Ferdinand Buscato, during a symbolic rite on Thursday, November 27, in Buluan, capital town of the province.

Cagara said Gov. Ali Midtimbang and Maguindanao del Sur Rep. Esmael Mangudadatu, both present in the event, helped Catu and officials of Army units under him and the Armyโ€™s 1st Mechanized Brigade convince villagers to turn the 271 weapon, comprised of M16, M14, M1 Garand and Carbine rifles, long-range bolt-action sniper rifles, .50 caliber machineguns, 40 millimeter gr***de and B40 rocket launchers and a 90RR recoilless launcher in support of the Small Arms and Light Weapons Program.

The 6th ID and the OPAPRU started implementing in July 2024 the SALW Program in Central Mindanao in support of the disarmament agenda of Malacaรฑangโ€™s peace overture with southern Moro communities.

โ€œTo all of those supporting the program, among them mayors and traditional leaders in their municipalities, we are very grateful,โ€ Cagara said.

Since July 2024, Army units under 6th ID have collected 2,021 combat weapons via the SALW Program, which covers six provinces, Maguindanao del Sur and Maguindanao del Norte, both in Bangsamoro region, Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato and Sarangani in Region 12.

The SALW Program is also being implemented in four cities under 6th ID's jurisdiction, Cotabato, which is the capital of the Bangsamoro region, Tacurong, Koronadal and General Santos, all in Region 12.

Thursday's event at Buluan was capped off with the distribution to owners of the surrendered combat weapons by the office of Midtimbang, chairman of the multi-sector Maguindanao del Sur Provincial Peace and Order Council, of rice and other essential relief provisions as consolation for their having heeded appeals for them to comply with the SALW Program. (John Unson, November 28, 2025, Philippine Star)

๐Ÿญ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†, ๐Ÿญ ๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—น๐˜‚ ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ตIsang motorista ang agad na namatay habang sugatan naman ang kanyang kasama ng tambanga...
28/11/2025

๐Ÿญ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†, ๐Ÿญ ๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—น๐˜‚ ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ต

Isang motorista ang agad na namatay habang sugatan naman ang kanyang kasama ng tambangan ng mga armado sa Barangay Tandu Bagua sa Patikul, Sulu nitong gabi ng Huwebes, November 27, 2025.

Sa ulat ng mga kinauukulan, agad na namatay sa mga tama ng bala ang biktima ng naturang pananambang na si Mohammad Dassir Amak, 24-anyos.

Ang kanyang 28-anyos na kasamang si Alkhadir Lagaandang Jailani na nagtamo ng mga tama ng bala ay agad na isinugod sa hospital ng mga residente ng Barangay Tandu Bagua upang malapatan ng lunas.

Si Amak ay residente ng Barangay Bus-Bus sa Jolo, ang kabisera ng Sulu. Si Jailani ay nakatira sa Barangay Chinese Pier sa Jolo.

Inaalam pa ng mga imbestigador mula sa Patikul Municipal Police Station at mga barangay officials sa Tandu Bagua kung sino ang responsable sa naturang pananambang upang masampahan ng kaukulang mga kaso. (November 28, 2025)

๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒKaragdagang 200 pa na mga mahirap, ngayon nag-aaral magmaneho ng tricycl...
28/11/2025

๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ

Karagdagang 200 pa na mga mahirap, ngayon nag-aaral magmaneho ng tricycle, pampasaherong motorsiklo, jeepney at truck, ang magkakaroon ng libreng mga driving licenses bilang benepisyaryo ng outreach programs ng dalawang kasapi ng regional parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang naturang mga baguhang mga drivers, ilan sa kanila dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front, ay hiwalay na tutulungan sa kanilang application for driving licenses ng mga tanggapan ng dalawang regional parliament members, ang physician-ophthalmologist na si Kadil Sinolinding, Jr. at ang abogadong si Naguib Sinarimbo.

Marami sa mga beneficiaries ng mga hiwalay na proyekto ng dalawang regional lawmakers ay mga residente ng Cotabato City, Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, at ng walong bagong tatag na BARMM municipalities sa Special Geographic Areas sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.

Sa ulat nitong Biyernes ng mga himpilan ng radyo sa Cotabato City, ang kabisera BARMM, 100 na mga aplikante ang tutulungan ng outreach team ni Sinarimbo na makakuha ng driving licenses mula sa Bangsamoro Land Transportation Office at 100 din ang tutulungan naman ng tanggapan ni Sinolinding na magkaroon ng libreng lisensya sa pagmamaneho.

Suportado ni BARMM Chief Minister Macacua ang mga naturang mga proyekto ng mga tanggapan ni Sinarimbo at Sinolinding, na siya ring kasalukuyang health minister ng Bangsamoro government.

Tutulong sa pagsusuri ng kanilang physical condition ang mga manggagamot sa Ministry of Health-BARMM sa mga aplikante ng driving licenses upang matiyak kung sila ay physically-fit na maging mga drivers ng mga sasakyang pampubliko. (November 28, 2025)

๐Š๐–๐…, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ๐ฒ ๐‚๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅBuong-giliw na tinanggap ni Dr. Baby Boy B...
28/11/2025

๐Š๐–๐…, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ค๐š๐›๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ๐ฒ ๐‚๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ

Buong-giliw na tinanggap ni Dr. Baby Boy Benjamin D. Nebres III (SUC President IV) ng Bicol University (BU) ang Kalupunan ng Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noรณng 21 ng Nobyembre 2025.

Eksaktong 2:00 nh nang pangunahan ng Tagapangulo ng KWF na si Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama ang mga fultaym komisyoner na sina Dr. Carmelita C. Abdurahman; Dr. Benjamin M. Mendillo Jr.; at ang Nanunungkulang Direktor Heneral na si Jomar I. Caรฑega. Nakasama rin sa naturang courtesy visit sina Komisyoner Evelyn C. Oliquino, Komisyoner Reggie O. Cruz, Komisyoner Melchor E. Orpilla, at iba pang kawani ng KWF.

Upang matiyak na walang magiging suliraning teknikal sa nakatakdang pรบlong ng Kalupunan ng Komisyoner ng KWF, bukรกs-palad na ipinagamit ni Pangulong Nebres IV ang conference room sa executive building ng BU.

Ang Bicol sa University ay malaon nang kabalikat ng KWF sa mga programa nitรณ para sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Filipino habang pinangangalagaan ang mga katutubong wika sa buong kapuluan. Sa katunayan isa ang BU sa mga unibersidad sa Pilipinas na unang nagkaroon ng gusali para sa Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino (PSWF) na ngayon ay Sentro sa Wika at Kultura (SWK).

๐—–๐—”๐—™๐—š๐—จ ๐—บ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—น๐˜‚, ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚Isang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang agad na nadetin...
28/11/2025

๐—–๐—”๐—™๐—š๐—จ ๐—บ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—น๐˜‚, ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚

Isang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang agad na nadetine matapos mabilhan ng shabu ng hindi unipormadong mga pulis sa gilid ng Upper San Raymundo Road sa Barangay San Raymundo sa Jolo, Sulu nitong gabi ng Huwebes, November 27.

Kinumpirma nitong Biyernes, November 28, ng police chief ng Jolo, si Lt. Col. Annidul Sali, ang pagkaresto ng suspect sa isang entrapment operation na pinanguhanan ni Capt. Frederick Ledama, sa naturang lugar.

Nasa kustodiya na ng Jolo Municipal Police Station ang naturang CAFGU member, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (November 28, 2025)

๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ปฬƒ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ปNanawagan sa pamahalaan ang pamilya ng isang dalagang licensed agriculturist na w...
27/11/2025

๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ปฬƒ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป

Nanawagan sa pamahalaan ang pamilya ng isang dalagang licensed agriculturist na working student sa Japan, taga Libungan sa probinsya ng Cotabato, isa sa dalawang nasawi sa road accident sa naturang bansa, na tulungan silang maiuwi ang kanyang mga labi sa kanilang lugar.

Ang nasawi sa aksidenteng si Gladys Grace Testado, taga Barangay Batiocan sa Libungan, ay nagtapos, bilang cm laude, ng kursong agriculture sa University of Southern Mindanao sa Kabacan, Cotabato.

Sa pahayag ng kanyang pamilya nitong Biyernes, November 28, at ayon sa mga ulat din ng kapwa mga Filipino sa Japan, isa si Testado sa 11 na mga sakay ng using commuter van na nabangga ng isang humaharurot na kotse sa isang lugar sa Umejima sa Adachi Ward sa Tokyo, Japan nitong Lunes, November 24.

Nagtamo ng malubang mga sugat at pasa sa katawan ang 10 niyang kasama sa commuter van, ilan sa kanila nasa isang hospital pa sa Tokyo

Pumanaw sa pagamutan si Testado, na sabay na nagtatrabaho at nag-aaral ng higher course sa Japan bilang scholar, kaugnay ng kanyang pagiging agriculturist, ayon sa mga kababayan sa Libungan.

Ang isa pang pumanaw sa naturang pangyayari ay isang matandang lalaki, ayon sa mga kapwa Filipino na umalalay kay Testado habang nasa isang pagamutan na nag-ulat sa kanyang pamilya hinggil sa kanyang sinapit.

Hiniling sa Philippine government ng angkan ni Testado na tulungan silang maiuwi sa bansa ng kanyang mga labi upang maipalibing sa Libungan, isa sa mga 17 na mga bayan sa Cotabato province sa Region 12, hindi kalayuan sa Cotabato City, ang kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region. (November 28, 2025)

๐—Ÿ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธIsang 82-anyos na lolo na mahina na, si Rogelio Chavez, ang pinutulan n...
27/11/2025

๐—Ÿ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ

Isang 82-anyos na lolo na mahina na, si Rogelio Chavez, ang pinutulan ng dila ng isang kapitbahay, may problema sa pag-iisip at diumano lulong sa shabu, sa loob mismo ng barong-barong ng biktima sa Purok Talisay sa Barangay Militar sa Tukuran sa Zamboanga del Sur madaling araw kamakalawa.

Kinumpirma itong Huwebes, November 27, ng mga kinauukulan sa Tukuran ang insidente.

Ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador mula sa Tukuran Municipal Police Station, natutulog si Chavez sa kanyang maliit na tahanan ng pasukin ng isang nagngangalang Kimkim at inupuan sa didbid saka hinugot ang dila at pinutol gamit ang matalas na kutsilyo.

Naigupo si Kimkim at naagawan ng kutsilyo ng anak ni Chavez na si Virgil at ng kanilang mga kapitbahay kaya napigilang tumakas.

Agad namang nadetine ang suspect ng mga barangay officials na nag-responde sa insidente.

Mabilis na naisugod ng mga barangay emergency responders sa pagamutan ang naputulan ng dila na si Chavez, ngayon nilalapatan na ng lunas ng mga doctor. (November 27, 2025)

27/11/2025

๐—”๐—ธ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ๐—ป, ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ

Dalawang malalaking hauler trucks ang nagsalpukan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Nagpan sa Malungon, Sarangani nitong hapon ng Huwebes, November 27.

Sa inisyal na ulat ng mga kinauukulan, nawalan ng control ang driver ng isa sa dalawang trucks dahil sa dulas ng highway sanhi ng malakas na ulan kaya naganap ang aksidente.

Agad namang naisugod ng mga emergency responders ang drivers ng dalawang mga truck at kanilang mga helpers upang malapatan ng lunas ang kanilan mga sugat at pasa sa katawan na tinamo sa aksidente. (November 27, 2025, handout video)

Address

General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639190956043

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NSJ News Agency Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to NSJ News Agency Services:

Share