Nsj News Agency Services

Nsj News Agency Services YOUR PERSPECTIVE, OUR OPINION TRUTH BE TOLD.

๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ต ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟIsang babaeng sakay ng tricycle ang agad na namatay sa mga tama ng bala sanh...
10/10/2025

๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ต ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ

Isang babaeng sakay ng tricycle ang agad na namatay sa mga tama ng bala sanhi ng ambush nitong hapon ng Biyernes, October 10, sa Barangay Zapakan sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur.

Mabilis na nakatakas ang mga responsable sa naturang pananambang, ayon sa mga local officials.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Radjah Buayan Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office hinggil sa insidente. (October 10, 2025)

Soldiers arrested and turned over to the police on Friday, October 10, one of the six men who beheaded a Teduray tribal ...
10/10/2025

Soldiers arrested and turned over to the police on Friday, October 10, one of the six men who beheaded a Teduray tribal chieftain in Datu Hoffer, Maguindanao del Sur week.

Brig. Gen. Edgar Catu, commander of the Armyโ€™s 601st Infantry Brigade, and personnel of the Division Public Affairs Office of the 6th Infantry Division had relayed to reporters via Viber that the suspect was cornered by soldiers in Sitio Sitio Pangayawan in Barangay Tukanalugong in Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur before dawn Friday.

The now detained suspect and five others, who are at still large, were tagged in the brutal killing and beheading on October 30 of Ramon Lupos, a Teduray timuay, or chieftain, in a secluded area in their state-recognized ancestral domain in Barangay Limpongo in Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.

Neighbors and relatives of Lupos had told reporters his killers first beat him with planks of wood and shot him repeatedly before they cut his neck with a machete like an animal.

Catu said combined personnel of the 601st Infantry Brigade and its component-unit, the 90th Infantry Battalion, under Lt. Col Luqui Marco, immediately searched for the suspect in Sitio Sitio Pangayawan in Barangay Tukanalugong in Datu Abdullah Sangki after villagers reported his presence in the area.

The suspect, initially identified only as Tagal, is a member of the Dawlah Islamiya terror group, according to local executives who assisted the Army operation that led to his arrest.

Local officials said the Tagal, a Maguindanaon, yielded peacefully and turned in his .45 caliber pistols to soldiers who barged into his hideout and frisked him.

Major Gen. Donald Gumiran, commander of 6th ID, said they are thankful to the vigilant residents of Datu Abdullah Sangki for informing promptly the officials of the 90th IB about Tagal's presence iin Barangay Tukanalugong.

Officials of the 90th IB immediately turned over Tagal to the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region for proper detention.

Photo shows the suspect in the beheading of the tribal leader Lupos, now in the custody of the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region. (October 10, 2025, Maguindanao del Sur, Bangsamoro Region)

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜†๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—นMaraming mga bahay sa mga barangay sa Manay, Davao Oriental, ang epicenter ng 7.6 magni...
10/10/2025

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜†๐—ฒ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น

Maraming mga bahay sa mga barangay sa Manay, Davao Oriental, ang epicenter ng 7.6 magnitude na lindol na yumanig sa ilang nga lungsod at probinsya sa Mindanao ngayon umaga ng Biyernes, October 10, ang nasira.

May mga ulat din ng pag-guho ng mga gilid ng bundok na malapit sa mga highway sa Manay at mga kalapit na bayan sa Davao Oriental.

Abangan ang mga update tungkol sa lindol na naramdaman sa mga bayan at lungsod sa Regions 10, 11, 12 at 13 sa Mindanao. (October 10, 2025, handout photo, Attorney Israelito Torreon)

๐——๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น, ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ธ-๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ธNagkabitak-bitak ang lupa sa lang lugar sa probinsya ng Davao Oriental sa Region 1...
10/10/2025

๐——๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น, ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ธ-๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ธ

Nagkabitak-bitak ang lupa sa lang lugar sa probinsya ng Davao Oriental sa Region 11 sanhi ng lindol nitong umaga ng Biyernes, October 10, 2025.

Ayon sa mga kinauukulan, ang epicenter ng 7.6 magnitude na lindol na yumanig sa mga probinsya at lungsod sa Regions 10, 11, 12 at 13 ay nasa bayan ng Manay sa Davao Oriental. (October 10, 2025, handout photo)

10/10/2025

PANOORIN: Kuha sa CCTV footage ng isang tindahan sa Brgy. Rizal, Manay, Davao Oriental ang pagtatakbo ng mga residente sanhi ng malakas na lindol na yumanig nitong Oktubre 10, 2025. Sa kasalukuyan, 7.6 ang naitalang magnitude ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Davao Oriental.

Handout video, October 10, 2025

10/10/2025

NAKUNAN NG VIDEO ANG ACTUAL NA PAGGUHO NG ILANG BAHAGI NG ROBINSONS BUTUAN

Handout video, October 10, 2025

10/10/2025

TINGNAN: SITWASYON SA ROBINSONS BUTUAN MATAPOS ANG MALAKAS NA LINDOL NA YUMANIG NITONG OCTOBER 10, 2025.

Handout video, October 10, 2025

10/10/2025

TINGNAN: BABAE, NADAGANAN NG PADER MATAPOS TUMAMA ANG LINDOL SA MATI, DAVAO ORIENTAL

Handout video, October 10, 2025

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—นIlang mga estudyante ng Kidapawan City National High School ang nahilo sanhi ng lin...
10/10/2025

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น

Ilang mga estudyante ng Kidapawan City National High School ang nahilo sanhi ng lindol na yumanig sa Kidapawan City, ang kabisera ng Cotabato province, nitong umaga ng Biyernes, October 10, 2025.

Ang epicenter ng lindol ay sa bayan ng Manay sa Davao Oriental, may lakas na 7.6 magnitude, ayon sa mga kinauukulan.

Nadama ang lindol sa Kidapawan City at sa ilan pang mga lungsod at probinsya sa Regions 13, 12, 11 at 10, sa mga probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte at sa Cotabato City na sakop ng Bangsamoro region. (October 10, 2025)

๐—˜๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—นNagtamo ng sira ang gusali ng Robinsons Mall sa Butuan City sa Region 13 sanhi ng 7.6 magnitude na lindo...
10/10/2025

๐—˜๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—น

Nagtamo ng sira ang gusali ng Robinsons Mall sa Butuan City sa Region 13 sanhi ng 7.6 magnitude na lindol na yumanig sa ilang mga lungsod at mga bayan sa Mindanao na ang epicenter ay sa Manay, Davao Oriental sa Region 11.

Abangan ang mga updates tungkol dito. (October 10, 2025)

JUST IN | Magnitude 6.9 earthquake felt in Davao City Metropolitan area, around 9:43 AM.Stay safe, everyone!
10/10/2025

JUST IN | Magnitude 6.9 earthquake felt in Davao City Metropolitan area, around 9:43 AM.

Stay safe, everyone!

๐Ÿฐ ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ ๐˜€๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ธ๐—ผ Karagdagang apat pa na mga kasapi ng mahina ng Dawlah Islamiya ang sumuko sa ...
10/10/2025

๐Ÿฐ ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ ๐˜€๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ธ๐—ผ

Karagdagang apat pa na mga kasapi ng mahina ng Dawlah Islamiya ang sumuko sa 33rd Infantry Battalion sa isang seremonyang ginanap sa Radjah Buayan sa Maguindanao del Sur nitong Huwebes, October 9, 2025.

Unang ipinakustodiya ng apat na mga miyembro ng Dawlah Islamiya ang kanilang mga improvised explosive devices at mga combat rifles sa mga officials ng 33rd Infantry Battalion bago sila nanumpa ng katapatan sa pamahalaan sa harap ng mga Army officials at mga local executives na nagtulungan sa paghikayat sa kanilang magbagong buhay na.

Ang dalawa sa apat na mga sumukong violent religious extremists, sina Kadir Mursid at Ali Sainudin ay bihasa sa paggawa ng mga IED gamit ang ammonium nitrate, o potassium chlorate bilang blasting charges, at maaaring pasabugin sa malayo gamit mga mobile phones.

Iniulat nitong Biyernes ni Major Gen. Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division, na pumayag na sumuko ang apat na mga local terrorists sa magkatuwang na pakiusap ng mga local executives, ni Lt. Col. Germen Legada na siyang commanding officer ng 33rd IB at ni Brig. Gen. Edgar Catu, commander ng 601st Infantry Brigade.

Tumanggap ng inisyal na ayudang mga bigas at cash ang apat na sumukong mga Dawlah Islamiya members mula sa mga local officials ng Radjah Buayan, Mamasapano at Shariff Aguak na kanilang babaunin sa pag-uwi sa kani-kanilang mga lugar.

Silang apat na tumiwalag na sa Dawlah Islamiya ay umamin sa kanilang ginawang sapilitang pangingikil ng pera sa mga negosyante sa Maguindanao del Sur at mga may-ari ng mga sasakyang pampasahero sa iba't-ibang bayan sa probinsya ayon sa kautusan ng kanilang mga commanders na mga wanted sa iba't-ibang mga high-profile criminal cases na nakabinbin sa iba't ibang mga korte sa Central Mindanao.

Abot na ng 1,209 na na mga kasapi ng parehong mahina ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sumuko sa ibat-ibang units ng 6th ID sa Central Mindanao mula 2019.

Ang naturang mga dating terorista ay namumuhay na ng tahimik kapiling ang kanilang mga pamilya matapos maibalik sa local communities sa pagtutulungan ng mga local government units, ng mga government agencies sa Region 12 at ng regional government ng Bangsamoro region.

Makikita sa larawan ang commander ng 601st Infantry Brigade na si Catu, at ang isa sa apat na mga sumukong violent religious extremists. (October 10, 2025, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur, Bangsamoro Region)

Address

General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639190956043

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nsj News Agency Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Nsj News Agency Services:

Share