News&Entertainment

News&Entertainment Vloger

Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos malunod sa dagat sa Barangay Manguihay, Mati City. Kinilala ang biktima...
02/02/2026

Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos malunod sa dagat sa Barangay Manguihay, Mati City. Kinilala ang biktima na si Alanrio Magbasa, residente ng Barangay Don Enrique.

Ayon sa ina ng bata, pinayagan niyang maligo sa dagat ang kanyang anak kasama ang pinsan nito matapos magpaalam at mangakong hindi pupunta sa malalim na bahagi.

Gayunman, malalaki umano ang alon noon at posibleng inanod ang bata patungo sa malalim na bahagi ng dagat.

Sa kasalukuyan, nakaburol na ang labi ng bata sa kanilang tahanan.

31/01/2026

Senator Risa Hontiveros, handa tumakbo bilang Pangulo sa 2028

Via: DZXL RMN Manila

30/01/2026

Umani ng ibat-ibang reaksyon ang live sa Facebook ng isang ginang matapos masunog ang kanilang pamamahay

CCTO

29/01/2026

Banakon o king kobra hinabol nga mga residente

📹Greg R. Monteiro

28/01/2026

WATCH: Iniwan sa gilid ng kalsada ang isang 1-taong-gulang na bata matapos mag-away ang kanyang mga magulang.

Napag-alaman na nagalit ang ina ng bata dahil ayaw niyang pumasok sa duty ang kanyang kinakasama, kaya iniwan niya sa gilid ng kalsada ang kanilang anak upang hindi makapasok sa trabaho ang kanyang kapareha.

Patay ang isang dating empleyado ng lokal na pamahalaan ng Tagum City at tumakbo bilang konsehal noong nakaraang halalan...
28/01/2026

Patay ang isang dating empleyado ng lokal na pamahalaan ng Tagum City at tumakbo bilang konsehal noong nakaraang halalan matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Briz District, Barangay Magugpo East, Tagum City.

Sa pahayag ni PLtCol. Frederick Deles, hepe ng Tagum City Police Station, kinilala ang biktimang nasawi na si Lester Payot Guzman, residente ng nasabing lungsod.

Ayon kay Deles, lahat ng anggulo ay kasalukuyang tinitingnan ng pulisya upang mabigyang-linaw ang krimen.

Ibinunyag din ng opisyal na kabilang sa kanilang iniimbestigahan ang mga naging komento ng biktima sa kanyang Facebook account, ang kanyang negosyo, at iba pang posibleng motibo sa krimen.

Napag-alamang nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Makikita sa CCTV footage na sakay ng motorsiklo ang mga suspek, nilapitan ang sasakyan ng biktima at doon ito pinagbabaril bago mabilis na tumakas patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.

Dinala pa sa pagamutan si Guzman ngunit idineklara na siyang patay ng doktor.

Samantala, nananawagan ng hustisya ang mga kaanak, kaibigan, at mga tagasuporta ng biktima.

28/01/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Ericson Matias, Eduardo Almuete, Saidona Songgod, Mike Meñares

Patay ang isang asawa matapos pagsasaksakin ng kaniyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 4B, Barangay 23-C, Q...
27/01/2026

Patay ang isang asawa matapos pagsasaksakin ng kaniyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 4B, Barangay 23-C, Quezon Boulevard, Davao City.

Batay sa ulat, kinilala ang biktima na si Reajie, 27 taong gulang, habang ang suspek ay kinilalang si Yusop, 38 taong gulang, isang tricycle driver na pareho silang residente ng nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na habang natutulog ang biktima ay bigla na lamang itong pinagsasaksak ng kaniyang asawa nang maraming beses, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon pa sa impormasyon, nagalit umano ang suspek matapos niyang matuklasan na may relasyon sa social media ang kanyang asawa.

Nabatid na naitakbo pa ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na kasalukuyang nakapiit at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.

Samantala, nasugatan din ang ina ng suspek na kinilalang alyas Manie, 70 taong gulang, matapos nitong tangkaing pigilan ang kaniyang anak.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ng krimen ang isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa insidente.

Patay ang isang Grade 12 student matapos umanong sinaksak gamit ang patalim sa kanyang nakaalitan sa Villa Oro Resort, B...
26/01/2026

Patay ang isang Grade 12 student matapos umanong sinaksak gamit ang patalim sa kanyang nakaalitan sa Villa Oro Resort, Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato.

Ayon sa ulat, kinilala ang biktima na si John Paul Iredonia, 18 taong gulang, at kasalukuyang mag-aaral ng Matalam High School.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na hindi pa pinapangalanan at kasalukuyang nasa kustodiya ng Matalam Police Station.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen.

Nanawagan si Shariff Aguak Mayor Akmad Mitra Ampatuan sa mga magulang ng tatlong kabataang suspek na nasawi matapos uman...
26/01/2026

Nanawagan si Shariff Aguak Mayor Akmad Mitra Ampatuan sa mga magulang ng tatlong kabataang suspek na nasawi matapos umanong mang-ambush sa kanya, na lumapit sa kanyang tanggapan upang sila ay mabigyan ng tulong.

Sa pahayag ni Mayor Ampatuan sa isinagawang press briefing, sinabi niyang naniniwala siya na biktima lamang ang tatlong suspek na umatake sa kanya gamit ang rocket-propelled gr***de (RPG).

Binigyang-diin ng alkalde na handa siyang tumulong sa mga naiwang pamilya ng mga nasabing suspek.

Patay ang isang 25-anyos na babae matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok Lily, Barangay Poblacion, Mat...
26/01/2026

Patay ang isang 25-anyos na babae matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok Lily, Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato.

Batay sa ulat ng Matalam Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Hannah Buat, residente ng nasabing munisipyo.

Ayon pa sa ulat, kasama ng biktima ang kanyang anak nang barilin siya ng hindi pa nakikilalang suspek malapit sa isang tindahan.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong patay ng doktor.

Samantala, wala pang ulat hinggil sa kalagayan ng kanyang anak na sinasabing nadamay sa pamamaril.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad na sakay ng isang motorsiklo ang dalawang suspek at paulit-ulit na pinaputukan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng pamamaril at makilala ang mga suspek.

Address

Malita

Telephone

+639069068815

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News&Entertainment posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to News&Entertainment:

Shortcuts

Share