06/01/2025
๐๐จ๐ฏ. ๐๐๐๐ช๐ฎ๐ข๐๐จ, ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ฒ๐๐ค ๐๐ง๐ "๐ญ๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐๐ฒ" ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ง๐๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐ซ๐๐๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข; ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ข๐ฆ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Handa si Sarangani Governor Ruel Pacquiao na harapin ang anumang imbestigasyon kaugnay ng panawagan para sa audit ng financial records ng lalawigan. Ito'y matapos ang mga alegasyon ng umano'y iregularidad at maanomalyang transaksyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sa flag-raising ceremony ng provincial capitol noong Lunes, mariing itinanggi ni Pacquiao ang mga paratang laban sa kanya. Pinasinungalingan din niya ang mga alegasyon na ibinato ng nare-assign na provincial accountant na si Armando Cunanan noong Disyembre 18 ng nakaraang taon.
Si Cunanan ay inilipat sa ibang posisyon at inakusahan si Pacquiao ng โconstructive dismissalโ dahilan at nanawagan ito sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng imbestigasyon sa financial records ng probinsya.
โWe welcome calls for audit and reviews, as these foster collaboration among government agencies and improve governance for the benefit of Sarangans," ani Pacquiao.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng gobernador ang istriktong pagsunod ng Sarangani sa Republic Act No. 9184, o ang "Government Procurement Reform Act." Aniya, ito ang naging dahilan ng pagkakaloob sa lalawigan ng dalawang Seal of Good Local Governance (SGLG), na patunay sa malinis at maayos na pamamahala ng kanyang administrasyon.
โThe Provincial Government of Sarangani strictly adheres to Republic Act No. 9184 and its Implementing Rules and Regulations. Transparency, accountability, and financial integrity are at the core of our governance, as demonstrated by our Seal of Good Local Governance and other national recognitions,โ dagdag pa ng gobernador.
Mariing iginiit ni Pacquiao na walang basehan ang mga paratang laban sa kanya at tinawag itong bahid ng pulitika, lalo naโt nalalapit na ang eleksyon. Nagbabala rin ito sa mga Sarangan na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat sa social media.
โUg ako kamong gina-awhag mga pinalanggang Sarangan, nga mahimong vigilant ug dili basta-basta mutuo sa mga malicious posts sa social media kay adunay mga politically motivated actions nga ginasakyan ug gina-sensationalize sa kalaban nato sa pulitika kay tungod duol na ang elections,โ ani Pacquiao.
Sa kabila ng kontrobersya, nananatiling nakatuon si Pacquiao sa pagbibigay-serbisyo sa mga Sarangan. Nangako siyang ipagpapatuloy ang mga programa para sa kaunlaran at kaligtasan ng bawat mamamayan.
โTogether, we will continue to bring public services closer to the people, create opportunities for all, and ensure that no Sarangan is left behind. As we move forward, let us draw inspiration from our shared vision of a resilient, dynamic, and progressive Sarangani,โ pagtatapos ng gobernador.