31/08/2025
๐๐๐ญ๐ก๐๐ฅ๐๐ข๐ง || ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Ang huling lagok ng tagay ng Wika at Panitikang Filipino sa Buwan ng Wika tuwing Agosto
Nakapapanabik ang laban ng bawat pangkat sa Buwan ng Wika 2025 matapos ipakita ng bawat isa ang tibay at tiyaga ng kanilang sagwan sa entablado ng kultura. Sa pagtatapos ng selebrasyon, ๐ค๐๐ง๐ฒ๐-๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐, ๐๐๐ฒ๐๐ซ๐ข, ๐๐ฉ๐จ๐ฅ๐๐ค๐ข, ๐๐ญ ๐๐๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง โ tila mga basong pinupuno ng lakas at diskarte, na sabay na itinatagay para sa inaasam na libreng pulutan ng kampeonato.
Hindi mapagkakaila na ang Buwan ng Wika ay hindi lamang isang simpleng selebrasyon ng salita, kundi mistulang malaking handaan kung saan ang bawat tula ay pulutan, ang bawat sayaw ay tagay, at ang bawat awit ay kantahan sa gitna ng inuman. Sa bawat lagok ng talento, nahihigop natin ang yaman ng panitikan, sining, at kulturang Pilipinoโmga haliging bumubuo sa ating pagkatao. Dahil dito, isinilang ang Sagwan 2025, na may temang โ๐๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฒ๐๐ฉ๐๐๐ง, ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐โ๐ญ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ง.โ Isang tema na umaagos, umiikot, at sumusubok sa tibay, galing, at likhang-sining ng mga kabataang Pilipino.
Gayunpaman, kahit na itinataguyod ang pagkakaisa at kapayapaan, ramdam pa rin ang apoy ng paligsahan. Ika nga nila, ang bawat pangkat ay parang si Toni Fowlerโtahimik lamang sa umpisa kahit hindi sila pilitin. Kaya naman ang tanong: sino nga ba ang makakakuha ng lemon, at sino ang magwawagi ng tequila?
Si Tala ba na bukas makalawaโy may cheering squad na sumisigaw ng โshot puno!โ tuwing siyaโy lalabas? O baka si Mayari, na tipong tahimik lang ngunit kapag nagpakitang-gilas, mapapatingin ka na lang at masasabi mong, โlagot na, may tama na ako.โ Posible rin si Apolaki, na parang Gin- diretso at walang paligoy-ligoy, kayaโt kahit sino ay mapapapikit at mapapasuko. O si Mapulon, na akala moโy chill lang pero biglang bubulaga ng energy na parang nag-three rounds ng Red Horse at sisigaw ng โLaban o bawi?โ
Iba-iba man ang diskarte ng bawat pangkat, iisa lang ang malinaw: ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐, ๐๐๐ฒ๐๐ซ๐ข, ๐๐ฉ๐จ๐ฅ๐๐ค๐ข, ๐๐ญ ๐๐๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง. May pa-kislap na parang cocktail si Tala, may pa-hinog na alak si Mayari, may Gin na walang takas si Apolaki, at may alak na biglang tatama si Mapulon. Ngunit lagi nating tatandaan na ang pagdiriwang na ito ay hindi tungkol sa kung sino ang pinakaunang malalasing o mananalo ng kampeonato, bagkus kung paano tayo sabay-sabay nagtagpo sa iisang mesa ng kultura at wika.
โ๏ธ Chloe Villafuerte
๐จ Emmanuel Valenzuela