ANG BULAK - NSNHS

ANG BULAK - NSNHS Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng New Society

๐—ง๐—œ๐—ก๐—œ๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก  | ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—•๐—ฃ๐—– TV  BROADCASTING ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ New Societians! Narito na ang opisyal ...
11/08/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—œ๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—•๐—ฃ๐—– TV BROADCASTING ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

New Societians! Narito na ang opisyal na talaan ng mga nagwagi sa School-Based Press Conference TV BROADCASTING sa Filipino SPJ Category. Binabati namin ang bawat kalahok na nagpakita ng husay, dedikasyon, at paninindigan sa kani-kanilang kategorya. Ang tagumpay na ito ay isang mahalagang hakbang sa inyong paglalakbay sa larangan ng pamamahayag.



๐—ง๐—œ๐—ก๐—œ๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก  | ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—•๐—ฃ๐—– ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ New Societians! Narito na ang opisyal na talaan ng mga ...
08/08/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—œ๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—ข๐—ง๐—ข๐—›๐—”๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—•๐—ฃ๐—– ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

New Societians! Narito na ang opisyal na talaan ng mga nagwagi sa School-Based Press Conference sa Filipino Category. Binabati namin ang bawat kalahok na nagpakita ng husay, dedikasyon, at paninindigan sa kani-kanilang kategorya. Ang tagumpay na ito ay isang mahalagang hakbang sa inyong paglalakbay sa larangan ng pamamahayag.

Gayunpaman, paalala na hindi pa ito ang pinal na talaan ng mga magiging kwalipikado para sa Division Schools Press Conference (DSPC). Ang mga napiling kalahok ay sasailalim pa sa isang buwang pagsasanay at obserbasyon upang higit na malinang ang kanilang kakayahan at matukoy ang mga kalahok na magpapatuloy sa susunod na yugto.



๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | Inilunsad ng Pambansang Mataas na Paaralan ng New Society (PMPNS) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ...
03/08/2026

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | Inilunsad ng Pambansang Mataas na Paaralan ng New Society (PMPNS) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ngayong Lunes, ika-3 ng Agosto, sa pamamagitan ng isang pambungad na programa na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€ Layunin ng programa na itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pananaliksik at makabagong teknolohiya, habang pinalalalim din ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga g**o sa pambansang wika sa pamamagitan ng isang masaya at makabuluhang trivia game.

โœ๏ธ: Rhea Caรฑega

PAUNAWAMagalang naming ipinababatid sa lahat ng ating mga mag-aaral, magulang, g**o, at iba pang mga stakeholder na wala...
02/08/2026

PAUNAWA

Magalang naming ipinababatid sa lahat ng ating mga mag-aaral, magulang, g**o, at iba pang mga stakeholder na wala pang opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Lokal ng General Santos City (LGU GenSan) kaugnay ng pagpapatuloy ng face-to-face classes.

Hinihiling namin ang inyong pakikipagtulungan na manatiling nakatutok lamang sa opisyal na page ng DepEd General Santos City, LGU GenSan: TATAK Heneral at Serbisyong Totoo: Tatak Pacquiao para sa mga susunod na abiso at mahahalagang anunsyo.

Samantala, patuloy nating unahin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa. Manatiling maingat, mapagmatyag, at sumunod sa mga ipalalabas na opisyal na anunsyo ng mga kinauukulang awtoridad.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta.

๐๐€๐Œ๐€๐๐€ | Ang Wikang Hindi Kailanman MawawalaSa bawat salitang ating binibigkas ay nakaukit ang kasaysayan ng ating lahi....
01/08/2026

๐๐€๐Œ๐€๐๐€ | Ang Wikang Hindi Kailanman Mawawala

Sa bawat salitang ating binibigkas ay nakaukit ang kasaysayan ng ating lahi. Ang wikang Filipino ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, kundi salamin ng ating pagkakakilanlan, tagapag-ingat ng ating kultura, at tulay na nagdurugtong sa mga puso ng bawat Pilipino. Sa bawat katagang ating pinahahalagahan, ating pinananatiling buhay ang pamana ng ating mga ninuno at ang diwang nagbubuklod sa ating bayan.

Ang isang bansang marunong magmahal sa sariling wika ay isang bansang hindi kailanman mawawalan ng pagkakakilanlan. Sa panahong ang iba't ibang wika ay malayang umiiral, higit nating naaalala na ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa dami ng banyagang salitang ating nalalaman, kundi sa pagmamalaki nating gamitin at pagyamanin ang wikang nagbigay ng tinig sa ating kasaysayan, panitikan, at kalayaan. Ang wikang Filipino ang nananatiling buhay na patunay ng ating pagiging Pilipino.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nawa'y maging paalala ito sa bawat isa na ang ating wika ay higit pa sa mga titik at salita. Ito ang kaluluwa ng ating bayan, ang tinig ng ating mga ninuno, at ang pamana nating dapat ipagmalaki at ipagpatuloy. Sapagkat habang may mga pusong patuloy na nagmamahal sa sariling wika, mananatiling buhay ang diwa ng pagka-Pilipinoโ€”ngayon at sa mga darating pang salinlahi.

๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐‡๐€๐๐„๐, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ƒ๐Ž ๐’๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ขMatagumpay na naipagkaloob ng New Society National Hi...
31/07/2026

๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐‡๐€๐๐„๐, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ƒ๐Ž ๐’๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ข

Matagumpay na naipagkaloob ng New Society National High School Red Cross Youth (NSNHS RCY) ang mga donasyong nakalap sa ilalim ng Project HANEP sa mga naapektuhan ng lindol at bagyo sa Schools Division Office (SDO) ng Sarangani kahapon, ika-30 ng Hulyo.

Sinimulan ng NSNHS RCY ang pagtanggap ng mga donasyon noong Hulyo 15 upang makalikom ng tulong para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng magkasunod na kalamidad.

Nagmula ang mga naipong donasyon sa mga g**o, iba pang stakeholders ng paaralan, at mga indibidwal na boluntaryong nagbahagi ng tulong mula sa labas ng New Society National High School.

Pinangunahan ng mga opisyal ng NSNHS RCY ang pangangalap, pagsasaayos, at turnover ng mga donasyon bilang bahagi ng kanilang layuning makapaghatid ng agarang tulong sa mga nangangailangan.

Isinagawa ang turnover ng mga donasyon sa SDO Sarangani bilang huling yugto ng Project HANEP matapos ang ilang linggong donation drive na pinangunahan ng organisasyon.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang NSNHS RCY sa pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Principal III Dr. Hanena Epino, sa mga g**o, at sa lahat ng mga donor na nagkaisa upang maisakatuparan ang proyekto at makapagbahagi ng pag-asa sa mga nasalanta.

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐œ๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐’๐๐“๐€ ๐จ๐š๐ญ๐ก-๐ญ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ข๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐’๐๐‡๐’ ๐Œ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐จ๐  ๐ง๐š ๐Š๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง - Ibinida...
31/07/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐œ๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐’๐๐“๐€ ๐จ๐š๐ญ๐ก-๐ญ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ข๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐’๐๐‡๐’

๐Œ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐จ๐  ๐ง๐š ๐Š๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง - Ibinida ang pagsusulong ng kalusugan, matatag na ugnayan ng paaralan at mga magulang, at kapakanan ng mga g**o sa matagumpay na pagdaraos ng Pambansang Mataas na Paaralan ng New Society ng kulminasyon ng Nutrition Month ngayong araw, kasabay ng panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) at pagsasagawa ng team building at zumba para sa mga g**o.

Sa bawat paaralang may mga kabataang nangangahas humawak ng pluma, may pag-asang hindi kailanman tuluyang mamamatay ang ...
25/07/2026

Sa bawat paaralang may mga kabataang nangangahas humawak ng pluma, may pag-asang hindi kailanman tuluyang mamamatay ang katotohanan. Ang malayang pamamahayag sa kampus ay hindi lamang karapatang isinusulat sa batasโ€”ito ang tibok ng isang pamayanang may lakas ng loob na magsalita, magtanong, at maglahad ng katotohanan kahit pa ito'y salungat sa agos. Sa bawat balitang inilalathala at sa bawat tinig na binibigyang-daan, unti-unting nahuhubog ang isang henerasyong marunong tumindig para sa tama.

Ang mga mamamahayag ng kampus ay hindi lamang tagapag-ulat ng mga pangyayari. Sila ang mga mata na nakakikita sa likod ng katahimikan, ang mga taingang nakaririnig sa mga tinig na hindi napakikinggan, at ang mga pusong handang magsulat hindi para sa papuri, kundi para sa kapakanan ng nakararami. Ang kanilang panulat ay maaaring payak sa paningin ng iba, datapwat taglay nito ang kapangyarihang gumising ng kamalayan, magbukas ng isipan, at magsindi ng pag-asa sa gitna ng pag-aalinlangan.

Sa pagdiriwang ng ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ผ๐—บ ๐——๐—ฎ๐˜†, ating dakilain ang lahat ng mag-aaral na piniling maging tinig ng katotohanan sa loob ng kanilang paaralan. Nawa'y manatiling matatag ang kanilang paninindigan, maging malaya ang kanilang panulat, at kailanma'y huwag hayaang manaig ang takot kaysa sa katotohanan. Sapagkat hangga't may kabataang handang magsulat nang may dangal at katapatan, mananatiling buhay ang diwa ng malayang pamamahayag. โœ’๏ธ



๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Sa mga aplikante ng Pagsulat ng Lathalain, Pagkuha ng Larawang Pamahayagan, at Pagbabalita sa Radyo:Magkakaroo...
25/07/2026

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | Sa mga aplikante ng Pagsulat ng Lathalain, Pagkuha ng Larawang Pamahayagan, at Pagbabalita sa Radyo:

Magkakaroon ng pagpupulong sa Google Meet mamayang 7:00PM sa pangunguna ni Gng. Charlyn Sarto.

๐Ÿ”— Narito ang link: meet.google.com/ymi-gpre-pvm

Sa ating RadioBros, maaari rin kayong sumali sa ating Community Group para sa mga bagong anunsyo.

๐Ÿ”—: https://m.me/cm/AbZZ--N1a3oc1-AH/?send_source=cm%3Acopy_invite_link

Inaasahan namin ang inyong pagdalo, Journos! โœ๐Ÿป



Address

General Santos City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANG BULAK - NSNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share