08/05/2025
LOLO NA PWD, BINAWIAN NG CASH AID MULA SA GOBYERNO
Labis na ikinalungkot ng isang matandang lalaki ang ginawa ng DSWD sa kanya matapos umanong bawiin ang ibinigay na P6,500.00 na ayuda mula sa social amelioration program ng gobyerno.
Narito ang bidyo Panuorin๐๐ผ
๐๐ผhttps://tinyurl.com/sxyvf5yd
Sa panayam kay Joel Alva Baclao, apo ng nasabing lolo, ibinahagi ng bata na abut-abot raw ang tuwa at pasasalamat ng matanda matapos nyang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Subalit ng bawiin ito ng DSWD ay labis-labis raw ang pagkalungkot ng lolo, pagdedetalye ng kanyang apo sa isang Facebook post.
Hangad pa raw sana ng matanda na magkaroon ng mga bagong gamit na maisusuot ngunit dahil binawi ito ay hindi na nabili ang mga iyon.
"hiling lang nya sa binigay ay ibili sya ng brief at damit at 6 pocket na short", saad ni Joel sa kanyang post sa social media.
Kwento pa ng lalaki, hindi na nila naibalik ang buong halaga ng ayuda ng bawiin ito ng DSWD dahil nagastos na nila ang isanglibo para sa vitamins at personal hygiene ng matanda.
Panuorin:https://tinyurl.com/sxyvf5yd
Credits to the rightful owner