14/10/2026
STAFF SERGEANT, SINIBAK SA PULISYA DAHIL SA FATAL SHOOTING SA TACLOBAN
TACLOBAN CITY โ Iniutos ng National Police Commission (Napolcom) ang pagkakatanggal sa serbisyo ng isang Police Staff Sergeant na nakatalaga sa Regional Finance Service Unit 8 kaugnay ng nakamamatay na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22.
Sa desisyon ng Napolcom en banc, napatunayang guilty si PSSg. Arla Ray Paciencia sa kasong Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer matapos gamitin ng kaniyang 14-anyos na pamangkin ang kaniyang service-issued na 9mm pistol sa insidente.
Tatlong estudyante ang nasawi habang ilang iba pa ang nasugatan sa naturang pamamaril.
Ayon sa , naka-duty si Paciencia nang mangyari ang insidente ngunit iniwan niya sa kanilang bahay ang kaniyang service fi***rm. Nakalagay umano ang baril sa isang plastic gun box na nasa loob ng plastic cabinet, sa halip na itago sa safety vault na itinatakda ng mga regulasyon ng Philippine National Police (PNP).
Binigyang-diin ng komisyon na ang kapabayaan ni Paciencia sa wastong pag-iingat ng government-issued fi***rm ay nakatulong sa pagkakabuo ng chain of events na nauwi sa trahedya.
Hindi rin naging dahilan ang kaniyang mga natanggap na parangal at commendation upang mapawalang-sala siya sa pananagutan.
Ayon sa Napolcom, sa halip na maging dahilan para siya ay mapaboran, ang kaniyang record of service ay nangangahulugan na mas mataas ang inaasahang antas ng pagiging responsable at maingat sa paghawak at pag-iingat ng isang service fi***rm.
Ang desisyon ay bahagi ng pananagutan sa insidenteng nagdulot ng pagkamatay ng tatlong estudyante sa San Jose National High School.
Ang bahaging ito ay hatid sa atin ng Manny Pay. , ang bagong . I-install na ngayon sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code.