PH Headlines

PH Headlines News Publishing

Masaya at Makulay na Pagtatapos ng Kagatbu Festival, Ipinagdiwang sa Barangay LabangalLABANGAL GENERAL SANTOS CITY- Mata...
15/09/2026

Masaya at Makulay na Pagtatapos ng Kagatbu Festival, Ipinagdiwang sa Barangay Labangal

LABANGAL GENERAL SANTOS CITY- Matagumpay na nagtapos ang ika-14th Kagatbu Festival 2026 na naging centro ang inaabanganh Lechon Festival sa Barangay Labangal kasabay ng ginanap na Closing Ceremony and Employees Night, kung saan ipinagdiwang ang kultura, pagkakaisa, at dedikasyon ng mga kawani ng barangay.

Dumalo sa naturang pagtitipon si City Mayor Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao LGPcares upang magpaabot ng kanyang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa buong Barangay Council sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Hon. Alberto "Bobby" PacquiaoBinigyang -diin ng alkalde ang mahalagang papel ng mga organizer at opisyal sa paghahandog ng isang makulay, masaya, at maayos na selebrasyon para sa buong komunidad ng Labangal.

Bukod sa pagdiriwang ng tagumpay ng kapistahan, naging pagkakataon din ang gabi upang kilalanin ang pagsisikap ng mga empleyado ng barangay. Sa naging talumpati ni Mayor Pacquiao, pinalakas niya ang loob ng mga kawani at hinikayat ang mga ito na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tapat at buong-pusong serbisyo publiko para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Cres Doning
PH Headline
Pahayagan World Inquirer News Publishing







Other 📸 Serbisyong Totoo: Tatak Pacquiao & Alberto “Bobby” Pacquiao FB Page

Unang BARMM Parliamentary Election sa Paglat, Maguindanao del Sur, Naging Mapayapa at MaayosPAGLAT, MAGUINDANAO DEL SUR ...
14/09/2026

Unang BARMM Parliamentary Election sa Paglat, Maguindanao del Sur, Naging Mapayapa at Maayos

PAGLAT, MAGUINDANAO DEL SUR — Naging pangkalahatang mapayapa, maayos, at walang naitalang anumang untoward incident sa bayan ng Paglat, Maguindanao del Sur sa ginanap na makasaysayang unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election ngayong Araw ng Lunes, Setyembre 14, 2026.

Maagang dagsa ang mga botante sa mga polling center sa buong bayan upang maghalal ng mga kinatawan para sa opisyal na Lehislatura ng Bangsamoro. Sa kabila ng mataas na antas ng partisipasyon, naitala ng mga awtoridad ang tuloy-tuloy at maayos na daloy ng botohan sa tulong ng disiplina ng mga mamamayan.

Naging susi sa matagumpay na halalan ang mahigpit ngunit maayos na seguridad na ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Naka-alerto ang mga pambansang kawani ng seguridad sa bawat pasukan ng mga paaralan at voting precincts upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Sumunod nang buong husay ang mga botante sa mga standard operating protocol at alituntunin ng Commission on Elections (COMELEC), tulad ng tamang pagpila, inspeksyon sa seguridad, at pagpapanatili ng kaayusan bago at pagkatapos mag-sumite ng kanilang mga balota.

Ayon sa mga lokal na opisyal at security force sa lalawigan, ang pagiging maayus at mapayapa ng botohan sa Paglat ay patunay ng maturity ng prosesong demokratiko sa rehiyon at suporta ng mamamayan para sa patuloy na kapayapaan sa buong Bangsamoro.

Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad hanggang sa matapos ang opisyal na canvassing at bilangang ng mga boto sa lalawigan.

Cres Doning
Pahayagan World Inquirer News Publishing
PH Headline





LOOK 👀 IN PHOTOS 📸 KULTURA AT KASAYSAYAN NAGLIWANAG: BARANGAY LABANGAL, IPINAGDIWANG ANG 67TH FOUNDING ANNIVERSARY AT 14...
11/09/2026

LOOK 👀 IN PHOTOS 📸 KULTURA AT KASAYSAYAN NAGLIWANAG: BARANGAY LABANGAL, IPINAGDIWANG ANG 67TH FOUNDING ANNIVERSARY AT 14TH KAGATBU FESTIVAL 2026

BARANGAY LABANGAL, GENERAL SANTOS CITY — Punong-puno ng sigla, kulay, at indak ang mga kalsada ng Barangay Labangal matapos matagumpay na ipagdiwang ang kanilang GRAND OPENING CEREMONY NG IKA-67th Founding Anniversary kasabay ng 14th Kagatbu Festival.

Pinangunahan ni Barangay Captain Hon. Alberto “Bobby “ Pacquiao Alberto "Bobby" Pacquiao kasama Ang kaniyang kabiyak na si City Mayor Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao LGPcares Ang opisyal na pagbubukas ng pagdiriwang at Ang Mga opisyal ng Barangay, mga residents, kabataan at Mga stakeholder.

Tampok din sa kaganapan Ang Thematic Dance Competition na Naging pangunahing atraksyon ng pagdiriwang kung saan nagpaligsahan ang iba't ibang grupo mula sa mga purok. Ipinamalas ng mga mananayaw ang kanilang husay sa pamamagitan ng mabilis na galaw, malikhaing koreograpiya, at makukulay na kasuotan.

Cres Doning
Pahayagan World Inquirer News Publishing
PH Headline





TINGNAN 👀 IN PHOTOS 📸TUNA FESTIVAL 2026, OPISYAL NANG BINUKSAN SA GENSAN; PINA-SIMPLE NGUNIT PUNO NG PAG-ASA SA PINANGUN...
03/09/2026

TINGNAN 👀 IN PHOTOS 📸TUNA FESTIVAL 2026, OPISYAL NANG BINUKSAN SA GENSAN; PINA-SIMPLE NGUNIT PUNO NG PAG-ASA SA PINANGUNAHAN NI MAYOR LORELIE PACQUIAO

GENERAL SANTOS CITY — Opisyal nang binuksan ngayong Martes, Setyembre 1, 2026, ang masigla at makabuluhang pagdiriwang ng Tuna Festival 2026 sa Lungsod ng General Santos.

Pinangunahan ni City Mayor Hon. Lorelie Geronimo Pacquiao LGPcares Lgp Cares ang grand opening ceremony kasama ang mga opisyal ng lungsod, mga kinatawan ng industriya ng pangingisda, at mga taga-Heneral na nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang kultura at pangunahing produkto ng lungsod.

Sa ilalim ng temang “Giting at Pagkakaisa, sa Pagbangon Sama-sama,” mas binigyang-diin sa taong ito ang katatagan ng mamamayan ng GenSan sa kabila ng mga kamakailang pagsubok.

Cres Doning
Pahayagan World Inquirer News Publishing
PH Headline



Dalawang Malalakas na Lindol, Nayanig ang Venezuela; Ilang Gusali, GumuhoCARACAS, Venezuela — Binalot ng takot at matind...
25/06/2026

Dalawang Malalakas na Lindol, Nayanig ang Venezuela; Ilang Gusali, Gumuho

CARACAS, Venezuela — Binalot ng takot at matinding pangamba ang bansa matapos yanigin ng dalawang sunod-sunod at malalakas na lindol na may lakas na magnitude 7.2 at 7.5 nitong Huwebes June 24,2026 (oras sa Pilipinas).

Ayon sa ulat ng United States Geological Survey (USGS) at mga mamamahayag ng Agence France-Presse (AFP), tumama ang dalawang malalaking pagyanig sa iisang rehiyon sa Venezuela na nagdulot ng malawakang pinsala at paggumuho ng mga estruktura.

Sow ng takot at taranta ang idinulot ng kalamidad sa kabisera nitong Caracas, kung saan mabilis na nagsitakbuhan ang mga tao palabas ng kanilang mga bahay at opisina patungo sa mga kalsada para magtago sa mas ligtas na lugar.

"Nahiwalay ang mga hagdan, at nagka- lamat ang buong pader. May mga bagay na naghulugan mula sa kisame. Napakahorible ng karanasan," kuwento ng 54-anyos na bank employee na si Odalis Escalona na nakasaksi sa bagsik ng lindol sa Caracas.

22-Palapag na Gusali, Gumuho, Maliban sa mga bitak sa dingding, iniulat din ng isang mamamahayag ng AFP na isang 22-palapag na gusali ang tuluyang nawasak at gumuho sa kilalang neighborhood ng Altamira sa lungsod ng Caracas.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga lokal na awtoridad ang kabuuang bilang ng mga posibleng nasugatan o nasawi, pati na rin ang lawak ng pinsalang iniwan ng kambal na lindol sa imprastraktura ng bansa.

Via// Cres Doning
PH Headline
Pahayagan World Inquirer News Publishing

📸source: AFP

*Cayetano todo ang suporta sa pagbangon ng GenSan mula sa lindol*Tiniyak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano n...
24/06/2026

*Cayetano todo ang suporta sa pagbangon ng GenSan mula sa lindol*

Tiniyak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes na magpapatuloy ang kanyang suporta para sa tulong, reporma, at pagbangon ng mga residente ng General Santos City matapos ang magnitude 7.8 na lindol noong June 8 na nagpalikas sa libu-libong tao mula sa kanilang mga tahanan.

“Maasahan niyo kami sa relief, maasahan niyo kami sa reform. Hopefully makakatulong kami sa inyong recovery (at rehabilitation),” wika ni Cayetano sa pagbisita niya sa Mateo Village sa Barangay Lagao nitong June 23 kasama si Senador Robinhood Padilla.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga residente at lokal na opisyal, sinabi niya na siya at si Padilla ay kumakatawan sa mas malawak na suporta ng Minority bloc sa Senado.

“Kami ni Robin ay representative ng mga kasamahan natin sa Senado. Salamat po na sinalubong niyo kami lahat,” aniya, kasabay ng pagbati kina GenSan Mayor Lorelei Pacquiao, Lone District Representative Shirley Bañas Nograles, Councilor Cesar Bañas, at mga opisyal ng Barangay Lagao.

Ang pagbisita ni Cayetano ay kasunod ng relief operations na isinagawa ng kanyang opisina at ng opisina ni Senador Pia Cayetano mula June 9 hanggang 13, 2026. Nagbigay sila ng agarang tulong tulad ng mainit na pagkain at tubig sa halos 3,000 residente ng Sarangani at General Santos City.

Ilang miyembro rin ng Minority bloc, kabilang sina Senador Loren Legarda, Camille Villar, at Robinhood Padilla, pati si Undersecretary Janella Estrada ay bumisita sa General Santos City noong June 14 upang mamahagi ng relief assistance.

“Nandito po kami para tulungan si Mayor [Pacquiao] at Congresswoman [Nograles] kasi kayo talaga ang naapektuhan. Kung ano ang itinanim natin sa mga Pilipino kapag may disaster, tulong-tulong tayo,” sabi ni Cayetano.

Ayon sa Minority Leader, sampung miyembro ng Minority bloc ang nangakong tutulong sa mga apektadong komunidad at iginiit na ang kanilang pagtulong ay lampas sa usaping pulitika.

“Wala nang pulitika… Bagaman alam niyong may problema sa legal, si Senator Bato [Ronald dela Rosa] ay tumutulong pa rin. Si Senator Jinggoy [Estrada], nasa kulungan na, namiminsipyo, pero sabi sa amin, ‘sasama anak ko’ nung unang punta. Nung sabi ko pupunta uli, sabi niya tutulong na naman siya,” aniya.

Binigyang diin ni Cayetano ang lawak ng pinsala. Ayon sa impormasyong sinabi ni Mayor Pacquiao, nasa 34,000 bahay at 69 major infrastructure projects sa lungsod ang napinsala dahil sa lindol.

“Kung magpapagawa ang gobyerno, hindi naman matatapos agad lahat. Pero kung sama-sama ang gobyerno, NHA (National Housing Authority), at iba’t-ibang sektor, tulong tulong tayo para makabangon. Gamitin niyo rin kami bilang tiga remind — pahinumdum — sa gobyerno na kailangan i-rebuild natin,” himok ng senador.

Humanga din siya sa Estrevilla family na nagbahagi ng kanilang pananampalataya at katatagan sa kabila ng hirap na kanilang naranasan noong lindol.

“I’m so honored by your speech kasi kami ang magsabi na may magandang mangyayari sa inyo. Pwede niyo namang sabihin na hindi niyo na-experience ang linog eh. Pero y’ung kayo na na-injure and grabe y’ung nangyari sa inyo, pero nakakapag-testify kayo na nandyan ang Diyos at babangon tayo,” wika ng senador.

Dahil sa kwento ng katapangan ng mga nakaligtas, hinikayat ni Cayetano ang mga residente ng GenSan na manatiling may pag-asa habang sila ay bumabangon mula sa kalamidad.

“Pakisabi sa katabi niyo, babangon tayo. Pakisabi sa katabi niyo, mahal ka ng Diyos,” aniya.



23/06/2026

June 23,2026- Look 👀 SENATOR Robin Padilla bumisita sa Malapatan Sarangani Province kasama si Senator Alan Cayetano para mamigay ng tulong sa Mga naapektuhan ng 7.8 na lindol na Yumanig sa Mindanao noong June 8,2026.




Address

General Santos City
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PH Headlines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share