
06/09/2025
Pasupport po❤️❤️❤️
HINDI AKO NANINIWALA SA DIYOS... HANGGANG...
Hi MS. Just call me Arnold. 45 years old na sa ngayon. From QC.
Gusto ko lang po sanang ishare sa inyo ang kakilakilabot na pangyayari sa buhay ko may dalawampung taon na rin ang nakakaraan.
Taong 2006, isa lamang akong ordinaryong empleyado.
Wala akong inaasahan sa buhay maliban sa trabaho sa opisina, kape tuwing umaga, at pag-uwi sa maliit kong inuupahan sa Cubao.
Walang kakaiba sa buhay ko noon maliban sa kawalan ng direksiyon.
Lagi kong hinahanap ang “mas malalim” na sagot sa lahat ng bagay: bakit tayo nabubuhay, bakit may sakit, bakit may k**atayan.
Hindi ako pumapa*ok sa simbahan, hindi dahil busy ako. HIndi kasi ako naniniwala sa Kanya.
Para sa akin noon, ang Diyos ay ginawa lamang ng isipan ng mga tao para meron silang makapitan sa tuwing nawawalan sila ng pag-asa sa buhay.
Kaya’t nang imbitahan ako ng dati kong kaklase na si Francis sa isang pagtitipon, hindi ako nagdalawang-isip.
Matagal ko nang kakilala si Francis, kaklase ko noong kolehiyo.
Pagkatapos ng ilang taon, bigla siyang nag-message:
“Pare, may pagtitipon kami. Kung sawa ka na sa kasinungalingan ng simbahan at lipunan, sumama ka.”
Sa tono niya, parang may natuklasan siyang dakilang sikreto.
Gusto ko sanang tawanan, pero may bahaging naiintriga ako. Kaya pumayag akong sumama.
“Hindi ito simbahan,” sabi niya. “Hindi rin relihiyon. Ito ang katotohanan.”
Hindi ko alam, bangungot pala ang daranasin ko.
Gabi ng Biyernes, bumiyahe kami patungong Quezon Province gamit ang kotse niya. Inabot kami ng halos tatlong oras bago makarating sa isang liblib na baryo doon na hindi ko na papangalanan. Basta ang naaalala ko, malapit ito sa bundok.
Pasado alas onse na ng gabi nang makarating kami.
Nagtanong pa nga ako kung bakit kailangang dis-oras ng gabi ang pagtitipon.
Ang sabi lang siya, mas malapit daw sa kapangyarihan ng diyos nila kapag ganoong oras.
Tahimik ang paligid, pero kakaibang lamig ang bumalot sa balat ko.
Tinahak namin ang kalsada, may mga bahay naman kaming nadadaan hanggang makarating kami sa isang lumang bodega. Malawak ang lupang kinatitirikan nito at may mga bakod bagaman at luma na.
Sa kalawangin nitong pinto, may nakaukit na krus na nakabaligtad, at sa paligid ay mga marka ng apoy. Pinilit kong ngumiti, pero nanindig ang balahibo ko.
“Relax, Arnold,” bulong ni Francis. “Dito mo makikita ang tunay na liwanag.”
Pagpa*ok namin, bumungad ang amoy ng insenso na may halong parang amoy kalawang.
Para bang amoy dugo.
Ang sahig ay may nakaguhit na malaking pentagram na yari sa pinatuyong dugo, at sa gitna’y nakatayo ang isang altar na bato.
Sa ibabaw nito, may isang aklat na tila nakabalot ng balat at naglalaman ng mga makapanindig-balahibong simbolo.
Sa paligid ng altar, tantya ko ay may humigit kumulang dalawampung katao, lahat nakaitim at may talukbong.
Sabay-sabay silang bumubulong ng mga katagang hindi ko maunawaan:
“Ave Tenebris, veni Domine…”
Lumapit sa amin ang isang lalaking kalbo, matangkad, at may mahahabang sugat sa magkabilang bra*o.
Siya si Santi, ang pinuno.
“Maligayang pagdating,” sabi niya. Ang boses niya’y mababa, parang galing sa ilalim ng lupa. “Narito ka upang masaksihan ang tunay na Panginoon.”
Hindi ako nakapagsalita. Nanlamig ang mga k**ay ko.
Sinimulan ang seremonya. Itinaas ni Santi ang aklat at nagsalita ng wikang hindi ko maintindihan—parang pinaghalong Latin at ungol ng hayop.
Umalingawngaw iyon sa loob ng bodega, at sa bawat salitang binibitawan, parang may bigat na dumadagan sa dibdib ko.
Isa-isa, lumapit ang mga kasapi sa altar at uminom mula sa mangkok na pilak na puno ng pulang likido.
Sa lapit ko, naamoy ko ang malansang amoy nito—hindi alak, hindi tubig.
Dugo.
At siyang siya ang mga miyembro sa pag-inom noon.
Parang gustong bumaliktad ng aking sikmura.
Paglapit ko, hinawakan ni Francis ang balikat ko. “Subukan mo, Arnold. Dito ka makakatagpo ng kalayaan.”
Umiling ako, nanginginig. “Hindi ko kaya.”
Ngumiti si Santi, malamig, walang galak.
“Hindi pa ngayon. Ngunit ikaw ay pinili. Kagaya rin ng ating kapatid na Francis.” Tumingin ito sa kaibigan ko.
Tila naman nasisiyahang lumuhod si Francis at humalik pa sa k**ay ni Santi.
“Pinili siya ng panginoon sa kanyang pagbabalik.” Nakangiti itong nagbalik ng tingin sa akin. Nangilabot ako sa paraan ng kanyang pagngiti.
“Pinili siya!” Umaalingawngaw iyon sa isipan ko.
“Pinili para saan? Tsaka bakit pati ako?”
Biglang naglabas sila ng isang batang lalaki, mga dose anyos, nakagapos at umiiyak. Pinadapa nila sa altar.
Ang dalawang kasapi’y pinako ang mga k**ay nito gamit ang kalawangin na pako. Sa bawat hampas, sigaw ng bata ang umaalingawngaw.
Kinuha ni Santi ang patalim na mahaba, itim, at parang kumikislap sa dilim. Itinaas niya ito at sumigaw:
“Sa dugo ng inosente, Siya ay bababa!”
Sa isang mabilis na hiwa, binuksan niya ang tiyan ng bata. Bumulwak ang dugo.
Tila umagos na parang ilog, nilamon ang mga uka sa altar.
Tumalsik ang isang laman-loob—Dinampot iyon ni Santi.
Ang puso ng bata at ipinakita sa lahat.
Ang mga kasapi’y nagsisigawan sa tuwa, sumasayaw sa paligid ng altar, habang ang bata’y tuluyan ng binawian ng buhay.
Umuga ang lupa. Ang mga kandila’y nagliyab nang malaki.
Sa gitna ng usok, may lumitaw na nilalang.
Malaki ang katawan, balat na parang sunog, may dalawang sungay na baluktot, mata na pulang-pula, at bibig na puno ng matutulis na ngipin.
Ang hininga nito’y amoy asupre at nabubulok na laman.
Nagsigawan sa galak ang mga deboto.
Lumapit ito sa bangkay ng bata, sinimot ang dugo.
Lahat ng kasapi’y nakaluhod, sumisigaw:
“Ave Tenebris! Ave Tenebris!”
Biglang lumapit si Francis sa nilalang, dilat na dilat ang mga mata at nakataas ang mga k**ay.
“Panginoon! Ako’y iyo!”
Ngunit sa halip na basbasan, dinakma siya ng halimaw.
Sa isang iglap, pinigtal ang ulo niya. Ang dugo’y sumirit na parang bukal. Ang katawan niya’y ginutay-gutay.
“Francis!” sigaw ko, nanginginig. Ngunit walang pumansin. Lahat ng tao’y masaya, parang alipin ng halimaw.
Para akong masisiraan ng bait. Naalala ko ang sinabi ni Santi.
Isa rin daw ako sa mga pinili!
Pinili para maging alay sa halimaw!
Napatakbo ako, naitulak ang dalawang kasapi, at nakahanap ng daan palabas.
Pero sa paglabas ko, hindi na iyon ang parehong mundo.
Ang paligid ay nagbago: wala nang mga bahay, wala nang kalsada.
Ang lupa’y itim, amoy asupre.
Ang langit ay kulay dugo, may naglalagablab na mga bituin. Ang mga puno’y parang bangkay na nakatirik, may mga palad na nakataas.
Takbo ako nang takbo, ngunit kahit saan ako lumiko, bumabalik ako sa parehong bodega.
Sa pintuan, naroon si Santi, nakangiti, basang-basa ng dugo.
“Walang kang takas kapatid na Arnold. Isa ka na sa amin.”
“Hindi!” Sigaw ko at muling tumakbo. Narinig ko pa ang nakangingilong halakhak ng lalaki na tila sinasabayan ng tila halakhak ng demonyo.
Doon ay naalala ko ang tunay na Diyos.
At sa unang pagkakataon. Nanalangin ako ng taimtim.
Alam ko, Siya lamang ang makapagliligtas sa akin.
Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo…
HIndi ako tumigil kahit magkandapatid patid ako sa pagtakbo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Narinig ko… sa mismong tenga ko ang makapanindig balahibong atungal ng tila nasaktang nilalang. Naririnig ko rin ang malulutong na mura ng deboto sa akin at pinapatigil ako.
Pero hindi ako nagpatinag.. Hindi rin ako dumilat.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
Bigla akong nadapa. Napadilat ako.
Nakita ko… malapit na ako sa entrance ng bakuran.
Pero hindi ako makakilos.
Parang may malakas na puwersang humihila sa akin pabalik.
Sa aking huling lakas… sumigaw ako at itinuloy ang pagdarasal habang gumagapang.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama
Amen
At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nasa labas na ako ng bakuran ng bodega.
biglang bumalik sa normal ang lahat—ang mga bahay, ilaw, a*o sa kalsada.
Maging ang mga sugat ko sa pagkadapa ay pawang nangawala.
Nang muli kong lingunin ang bodega, tahimik… tila walang anumang senyales na merong mga tao sa loob.
Pero si Francis, maging ang kotse niya ay nawala.
Para bang dumaan lamang ako sa isang bangungot at nagising.
Bumalik ako ng Maynila na puno ng kilabot at katanungan. Isang guni-guni lang ba ang lahat?
HIndi! Alam kong totoo ang lahat ng nakita at naranasan ko.
Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa simbahan ng Baclaran.
Umiiyak akong humingi ng tawad sa Kaniya. Nagpasalamat sa pagliligtas Niya sa akin sa kapahamakan.
Alam ko na… naniniwala na ako na may Diyos na sumusubaybay sa atin.
Ang nag-iisa at Pinak**akapangyarihan. Ang tunay na Diyos!
Mula noon, naging deboto na ako. Laging nagsisimba at nagpapasalamat.
Ang naranasan ko ang naging gabay ko upang aking matagpuan ang tunay na kapayapaan.
Wala na akong naging balita sa kulto iyon mula noon, pero sigurado ako. Nariyan lang sila.
Naghihintay ng kanilang susunod na biktima.
Arnold from QC.