Anne's TV

Anne's TV Hello I'm here for you for the tutorial
Please support me 🙂
SIPAG,TIYAGA,TIWALA AT DASAL is the KEY
(1)

22/02/2026

11th Years 🤵👰

10/02/2026

My flower bouquet of using fuzzywire. ゚

11/11/2025
Kung ayaw mong pasan mo pa rin ang mga anak mo pagtanda mo? Eto gawin mo ngayon.Maraming magulang ang buong buhay nagban...
15/10/2025

Kung ayaw mong pasan mo pa rin ang mga anak mo pagtanda mo? Eto gawin mo ngayon.
Maraming magulang ang buong buhay nagbanat ng buto, tapos sa huli sila pa rin ang inaasahan. Hindi dahil tamad ang anak kundi madalas kasi hindi sila naturuang maging independent. Kung ayaw mong mangyari yon, eto ang mga dapat mong simulan habang maaga:

1. Turuan silang kumayod, hindi lang mag-aral.
Grades are good, pero diskarte ang kailangan nila sa totoong buhay. Bigyan mo sila ng maliliit na responsibilidad like tumulong sa bahay, magbenta, mag-ipon ng sarili nilang pera. Diyan nabubuo ang tiwala sa sarili.

2. Huwag gawing safety net ang bahay.
Kapag kaya na nilang tumayo sa sarili, hayaan mo silang matuto. Tinuturuan mo lang silang maging matatag.

3. Huwag mo silang laging sagipin.
Kapag palaging may “Nanay o Tatay to the rescue,” hindi nila mararanasan kung paano bumangon mag-isa. Hayaan silang magk**ali, kasi doon sila matututo.

4. Pag-usapan nyo ang pera.
Hindi nakakahiya ang money talk. Ipakita mo kung paano ka nagba-budget at nag-iipon. Kapag alam nila kung gaano kahirap kitain ang pera, mas magiging responsable sila.

5. Ipakita mo sa gawa, hindi lang sa salita.
Kung ikaw ay disiplinado, marunong mag-ipon, at hindi umaasa sa iba, gagayahin ka nila. Dapat ikaw ang role model nila.

6. Palitan mo ang “utang na loob” ng “responsibilidad.”
Ang goal mo hindi yung magbayad sila sa’yo, kundi matuto silang tumayo sa sarili. Ang pinak**agandang regalo ng magulang? Anak na hindi mo kailangang alagaan habang buhay.

7. Ipakita ang tunay na adulting.
Wag mo itago ang stress, pagod, at responsibility. Kapag nakita nilang real talk ang pagiging magulang, mas rerespetuhin nila ang effort mo at matututo silang maghanda sa sarili nilang laban.

8. Turuan mo silang magsimba, obligasyon mong turuan din silang maging malapit sa Panginoon, kapag ang isang bata malapit kay Lord, magiging mabuti at mapagmahal sila sa magulang, at dahil mahal nila kanilang mga magulang matuto sila ng diskarte at talino sa buhay para ilaan nila sa mahal nilang magulang. At para mailapit mo sila sa Panginoon, ikaw na magulang ang unang lalapit sa Panginoon, Amen

Ang maramihang hyperdontia ay isang bihirang kondisyon kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng dagdag na ngipin nang h...
05/10/2025

Ang maramihang hyperdontia ay isang bihirang kondisyon kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng dagdag na ngipin nang higit pa sa nilalayon ng kalikasan.
Ang mga sobrang ngipin na ito ay maaaring humantong sa mga cavity, misalignment, at makagambala sa paglaki at paglabas ng normal na ngipin.
Isang maliit na glitch sa biology ngunit isa na makakapagpabago ng isang buong ngiti.

READ THIS!! DON’T POST GOLD INVESTMENT ON SOCIAL MEDIA‼️Hello, Ako po si Sarah  34 years old at isa akong online seller ...
05/10/2025

READ THIS!! DON’T POST GOLD INVESTMENT ON SOCIAL MEDIA‼️

Hello, Ako po si Sarah 34 years old at isa akong online seller dito sa Facebook, nagbebenta ako ng beauty products, clothes, actually lahat ng pwedeng ibenta ay binibenta ko. Saedad na 16 years old ay natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa at pag aralin ang sarili ko.

Way back 2020 nag start ako mag invest ng gold, una kong nabili ay necklace kasi na atract ako at ang ganda nito, hanggang sa nasundan na ng mga rings, earrings at sobrang saya ng puso ko kasi halos napupuno ko iyong finger ko ng ring pati na din yung neck ko. Ang ganda kasi tignan talaga feeling ko ang yaman yaman ko, hanggang sa nakahiligan ko na talaga mag ipon ng alahas. Ito na din kasi nag papasurvive ng business ko everytime na kulang ako sa budget.

February 25, 2025 nag myday ako ng mga naipon kong gold, maraming natuwa kasi isipin mo umabot ng 1M ang halaga ng gold ko sa sobrang dami, wala akong pera sa bank halos lahat ng kita at ipon ko talagang sa gold ako nag invest.
After ko mag post ng mga gold ko, maraming nagulat kasi di raw biro ang halaga kapag pinagsama sama ito. Syempre ako natuwa naman kasi na inspire ko din sila na hanggang maaga mag invest sila ng gold.

February 27, 2025 nag live selling na ako nagtitinda ako damit dito sa facebook maraming nag mine at thankful ako kasi naubos yung paninda ko, hanggang sa may isang babae na nakapag mine sa akin at tinanong niya kung saan ang bahay ko at pick up na lang daw niya, actually sa tagal kong nag business online hindi na bago sa akin ang may mag pick up sa mismong house ko. Kaya ibinigay ko iyong address ko sa kanya, pagdating niya dito sa bahay kinuha niya yung item niya at nakipag usap siya sa akin mga 3 minutes lang naman, napansin ko sa mga mata niya na parang umiikot, tingin dito at tingin doon, tinanong niya kung nasaan yung asawa ko, sabi ko wala siya dahil umalis, sabi niya pa edi ikaw lang mag isa madam dito? Sagot ko naman hindi, marami kami dito mga 5 kami. Hanggat sa umalis na siya.

2 AM ng madaling araw, tulog na tulog ang mister ko at ang mga kasama ko sa bahay, bumangon ako para umihi, may narinig ako sa labas na may nahulog hindi ko agad pinansin at baka kako pusa lang namin, hanggang sa paglabas ko sa CR ay merong lalaki na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko, naka long sleeve na black at nakatakip ang mukha, may hawak na kutsilyo. Nandoon ang asawa ko sa kwarto kaya sobrang takot ko kaya napaatras ako at pumasok ulit sa cr, grabe nangininig na ako sa takot na baka saktan niya ang asawa ko sa kwarto, hanggang sa kumuha ako ng gamit panghampas at dahan dahan akong pumunta sa kwarto namin pero hindi ko inaasahan na meron pa pala siyang kasama, biglang tinakpan ang bibig ko at ang sabi sa akin na huwag daw akong lumaban at hindi naman daw nila kami sasaktan basta raw ibigay ko ang lahat ng gold alahas ko.

Ayoko ituro at ayoko ibigay, umiiyak ako sobrang takot na takot, hanggang sa tinakot nila ako na papatayin nila asawa ko kapag hindi ko ibinigay, kaya itinuro ko sa kanila kung nasaan yung mga alahas ko, at dali dali nila itong kinuha, halos walang natira sa lahat ng napundar kong alahas.
Pero nagpasalamat na din ako sa Panginoon dahil walang nangyaring masama sa aming mag asawa.

Kaya kayo huwag na huwag ninyo ipopost or ipapakita ang mga mahahalagang bagay katulad ng alahas at pera sa social media dahil hindi ninyo hawak ang pag iisip ng ibang tao.

Kung mag invest kayo ng gold, itago at huwag na lang ito ipakita sa social media.

Ako ngayon ay magsisimula ulit sa umpisa!!

“💔 Sa isang iglap lang, gumuho ang malaking bahay na. ilang taon kong pinaghirapan abroad! 🏚️😢Ilang taon akong nagsakrip...
04/10/2025

“💔 Sa isang iglap lang, gumuho ang malaking bahay na. ilang taon kong pinaghirapan abroad! 🏚️😢

Ilang taon akong nagsakripisyo sa malayo—nagtrabaho, tiniis ang lungkot, pinasan ang pagod—para lang makapag-ipon at maipatayo ang bahay na pinapangarap ng pamilya ko. 🏠
Ang laki ng bahay, ang tibay ng pagkakagawa… pero isang lindol lang, parang wala na lahat. 😭

Nakakapanlumo isipin… lahat ng pawis, luha, at taon ng pagsusumikap sa abroad, isang iglap lang nawala. Hindi ko alam kung iiyak na lang ba ako o tatanggapin na may mga bagay talaga sa buhay na hindi hawak ng tao. 😔

👉 Kaya bago ka magplano o magpundar, basahin mo ’to… dahil baka ikaw na ang susunod na makaramdam ng sakit na ganito.
Dahil sa huli, lahat ng bagay—bahay, pera, ganda, kasikatan—mawawala rin. Ang tunay na kayamanan ay yung buhay na may pananampalataya at pagmamahal sa Diyos at kapwa. 🙏”
゚ ctto📷

Pagoda ang person 🥹🥴Open Gemini ai in Google Copy and paste the Prompt 👇Using my photo, copy face 100%, create a realist...
03/10/2025

Pagoda ang person 🥹🥴
Open Gemini ai in Google
Copy and paste the Prompt 👇
Using my photo, copy face 100%, create a realistic HD photo of a tired-looking woman with long, messy hair, wearing a distressed grey t-shirt and ripped denim shorts, walks on a city sidewalk carrying a large, overflowing sack of trash on her back. In the background, there's heavy traffic of cars and motorcycles on a bright, sunny day. A large orange trash bin is visible to her right. Hyper-realistic photography, street documentary style.

Hindi lahat ng kumikislap ay luho.Minsan, paalala ito.Minsan, panangga.At madalas, ito ang dahilan kung bakit hindi ko k...
27/09/2025

Hindi lahat ng kumikislap ay luho.
Minsan, paalala ito.
Minsan, panangga.
At madalas, ito ang dahilan kung bakit hindi ko kailangang manghiram o makiusap kanino man.

Kanina habang inaayos ko ang mga ginto ko, napaisip ako:
Hindi lang ito ginto.
Ito ay simbolo ng respeto ko sa sarili pagdating sa pera.

Kasi aminin natin…
Ang mangutang ay mabigat.
Ang makiusap ay mas mabigat.
Pero ang may drawer na puno ng assets?
Magaan. Mabilis. May laban.

Kaya sa lahat ng kasabay ko sa negosyo:
Walang nakakahiya sa dahan-dahang pagyaman basta matalino.
Ang tunay na yaman, tahimik.
At kapag dumating ang pangangailangan,
Hindi ito tumatawag ng tulong—binubuksan lang ang drawer na may ginto.

Ang ginto, hindi namimili.
Hindi ka iiwan.
Hindi nagpapabukas ng schedule.
Nandiyan agad kapag kailangan mo.

Hayaan mong iba ang mag-flex ng kanilang mga problema.
Tayo, patuloy sa pag-ipon ng GINTO, TUBO, at KAPAYAPAAN.

Ctto

Ang batang marunong magbigay-galang at tumulong sa bahay ay magiging matibay na haligi ng pamilya at lipunan.Sa panahon ...
23/09/2025

Ang batang marunong magbigay-galang at tumulong sa bahay ay magiging matibay na haligi ng pamilya at lipunan.

Sa panahon ngayon, napakahalaga na turuan natin ang ating mga anak hindi lamang ng kaalaman mula sa paaralan, kundi higit sa lahat ng magandang asal at pagpapahalaga sa gawain sa bahay. 💖
Ang isang batang marunong magmano, magpasalamat, humingi ng paumanhin kapag nagk**ali, at gumalang sa matatanda ay hindi lamang nagpapakita ng respeto sa iba kundi nagpapakita rin ng mabuting puso. Ang mga simpleng “po” at “opo,” ang pagbibigay-galang sa magulang, g**o, at kapwa, ay mga ugaling dadalhin nila habang lumalaki at magiging gabay sa mga desisyon nila sa hinaharap.

Kapag tinuruan natin silang tumulong sa bahay, magligpit ng laruan, magwalis, mag-ayos ng k**a, maghugas ng Plato, magsaing o mag-abot ng tubig, hindi lang sila natututo ng praktikal na kasanayan. Natututo rin silang pahalagahan ang trabaho ng magulang, maging responsable, at magbahagi ng bigat ng gawaing-pambahay. Ang mga simpleng gawain na ito ay nagtuturo ng disiplina, pakikipagtulungan, at pagmamahal sa pamilya.

Minsan, mas madaling tayo na lang ang gumawa kaysa turuan sila. Pero tandaan, ang bawat oras na ginugol natin sa pagtuturo ay isang puhunan para sa kanilang kinabukasan. Balang araw, ang batang tinuruan nating magligpit ng pinggan at magbigay-galang ay magiging isang responsableng mamamayan at mapagmahal na tao.

Mga magulang, huwag tayong magsawa. Bawat “po” at “opo” na natututunan nila, bawat simpleng gawain na kanilang nagagampanan, ay maliliit na hakbang tungo sa pagiging mabubuting tao. Sa ganitong paraan, hindi lang natin sila inihahanda para sa buhay, kundi ginagawa natin silang liwanag sa susunod na henerasyon.

BAKIT NGA BA UMAALIS ANG ATING MGA ALAGANG PUSA KAPAG MALAPIT NA SILANG BAWIAN NG BUHAY? 😿Ang pahayag ko na ito ay tumut...
23/09/2025

BAKIT NGA BA UMAALIS ANG ATING MGA ALAGANG PUSA KAPAG MALAPIT NA SILANG BAWIAN NG BUHAY? 😿

Ang pahayag ko na ito ay tumutukoy sa isang likas na ugali ng mga pusa, lalo na kapag sila ay may karamdaman o nararamdaman nang mahina ang kanilang katawan.

Sa kalikasan, likas sa mga pusa ang magtago o lumayo kapag sila ay nasa bingit ng k**atayan dahil sa kanilang instinct na protektahan ang sarili laban sa posibleng panganib habang sila ay mahina.

Kapag sila ay nasa huling yugto ng kanilang buhay, kadalasan ay hindi na sila komportable na manatili sa mataong lugar o sa tabi ng kanilang mga amo, sa halip, naghahanap sila ng tahimik, ligtas, at malayong lugar kung saan hindi sila madaling makita.

Para sa atin bilang mga nagmamahal sa kanila, maaaring masakit isipin na tila iniwan nila tayo, pero sa katotohanan, isa itong paraan nila ng pagprotekta sa atin mula sa bigat ng makitang sila ay nahihirapan, at sa parehong panahon, ito rin ay bahagi ng kanilang likas na pag-uugali bilang hayop.

Kaya kapag napansin nating biglang nawawala o lumalayo ang ating alagang pusa, lalo na kung sila ay may edad na o may iniindang sakit, maaring ito ay tanda na malapit na silang mamaalam—hindi dahil hindi nila tayo mahal, kundi dahil ganoon nila ipinapahayag ang kanilang huling sandali nang tahimik at mag-isa.

Umaalis ang ating mga alagang pusa kapag malapit na silang bawian ng buhay dahil bahagi ito ng kanilang likas na instinct.

Sa kalikasan, kapag mahina o may sakit ang isang pusa, nagiging mas madaling target sila ng mga predator. Kaya’t natural na hinahanap nila ang isang tahimik, ligtas, at tagong lugar kung saan sila makakapahinga nang hindi nagagambala.

Sa ating pananaw bilang amo, parang iniwasan nila tayo o iniwan sa huling sandali, pero ang totoo, ito ay paraan nila para hindi tayo makakita ng kanilang paghihirap at para mapanatili ang dignidad nila hanggang sa huli.

Nakaugat din ito sa kanilang pagiging independent at solitaryong hayop — kahit na sanay silang kasama tayo, madalas pa rin nilang piliin na harapin ang pinak**ahirap na bahagi ng kanilang buhay nang mag-isa.

Sa madaling salita, hindi sila lumalayo dahil hindi nila tayo mahal, kundi dahil ganito sila ipinrograma ng kalikasan upang humarap sa kanilang huling paglalakbay sa katahimikan.

Alam nyo na ha 👍👌🏻

Address

Tropical Village Brgy. San Francisco
General Trias
4107

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anne's TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share