
31/08/2025
๐ต๐ญ Alamin: RA 8491 at ang Tamang Paggamit ng Watawat ๐ต๐ญ
Alam niyo ba na may batas na nagtatakda ng tamang paggamit ng ating Pambansang Watawat? Ito ay ang Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.
๐ Bawal ayon sa batas:
-Pagsusuot ng mismong disenyo ng watawat bilang damit, costume o uniporme.
-Paglalagay ng eksaktong watawat sa mga kalakal gaya ng t-shirt, jersey, sapatos, atbp.
-Paggamit ng watawat bilang dekorasyon, tablecloth, o pambalot.
๐ Pinapayagan:
-Gumamit ng kulay at simbolo ng watawat (p**a, puti, asul, dilaw, araw at bituin) sa mga disenyo, basta hindi eksaktong kopya ng mismong watawat.
-Mga stylized o modernong design na makabayan at may salitang โPilipinas.โ
โ
Halimbawa: Ang bike jersey na may kulay at stylized sun/stars ay pwede. Pero jersey na eksaktong kapareho ng watawat ay bawal.
๐ Layunin ng batas na ito ay hindi pigilan ang pagiging makabayan, kundi siguraduhin na nananatili ang respeto sa ating pambansang sagisag.
๐ต๐ญ Maging makabayan, pero laging may tamang paggalang sa ating Watawat!