22/10/2024
Patunay lang na Ang pagiging mabuting tao ay Hindi nkabase kung paano ka ipinalaki.Kahit naman Wala Kang gabay ng Ina kung pipiliin mo maging mabuti,lalaki Kang mabuti.
NAPANOOD ko iyong interview ni Jay Manalo.
NAPAKAKULAY pala ng kanyang naging buhay.
Katulad ng kanyang kapatid na si Julius, sa edad na 6 years old naghiwalay din ang mga magulang niya. Sa murang edad andami niyang pinasok na trabaho at diskarte upang kumita ng pera.
Naging:
*Takatak boy - nagtitinda Ng Y0si at dyaryo,
*Seaman - nangangapa ng mga nahulog na barya sa kanal.
*Namumulot ng plastic at ibenta sa junkshop.
*Batang Ararke - boy sa palengke, nagtinda din ng mga kalapati.
Naranasan din niya ang mamalimos sa mga jeep.
Sa kabila ng hirap ng buhay na dinanas niya ay di niya pinabayaan ang kanyang kapatid na si Julius Manalo. Sa Isang panayam sinabi ni Julius na nong lumaki ang talent fee ng kanyang kuya bilang artista ay agad siyang pinatigil sa pagtitinda ng basahan para hindi na sya mahirapan at tinulungan pa siya sa kanyang pag-aaral.
Nakakabilib naman ang magkapatid na Jay at Julius Manalo, sa kabila ng walang INANG nag-alaga, nagparamdam ng pagmamahal, at nagsakripisyo sa paglaki nila, mahal na mahal pa rin nila ang kanilang mga INA.
HINDI sila nagrebelde bagkus ay piniling maging MABUTING ANAK at TAO.
๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ผ๐ฟ๐ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐๐ก๐๐๐๐, ๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐ก, ๐๐ก๐๐ฅ๐จ๐๐,๐๐ง ๐๐ฅ๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐จ๐ช๐๐๐๐
.
๐ทTicTALK
๐ทToniTalks