02/08/2025
"The Stranger's Wife"
"Chapter 23"
Pagsapit ng ala-sais ng gabi, umalis si Dustin. Naisip ko na excited siguro ito na makita si Agatha, kaya maagang umalis ng bahay. Malungkot akong humiga sa k**a, at kahit anong gawin ko, hindi ako dalawin ng antok.
Palagi kong tinitignan ang orasan, iniintay kung anong oras na ba uuwi si Dustin. Hanggang sa nakatulogan ko na lamang ang paghihintay sa kanya.
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagdating ng kotse niya. Mabilis akong bumangon at bumaba para salubungin siya, ngunit nagulat ako nang makita siyang lasing na lasing at halos hirap ng lumakad. Nilapitan ko siya at akmang aalalayan ko sana siya, ngunit tinabig lamang niya ang mga k**ay ko.
"Gusto lang kitang alalayan dahil hirap ka ng maglakad. Bakit kasi nagpakalasing ka? Hindi mo naman pala kaya," inis kong wika sa kanya. Ngunit tiningnan niya lamang ako ng masama.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Doon ka sa Jake mo!" galit niyang sabi.
"Huh? Bakit naman nasama sa usapan si Jake? Wala naman siya dito," naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Wala nga siya dito, pero siya naman lagi ang laman ng isip mo. Alam mo, ikaw, kung ganyan ka din lang naman, mas mabuti pa sigurong sa kanya ka na lang. Kaysa nandito ka nga at kasama kita, pero lumilipad naman ang isip mo sa kanya. At 'yang pasaway mong puso, pagsabihan mo nga 'yan na kalimutan na ang Jake na 'yon!"
"Anong pinagsasabi mo? Alam mo lasing ka lang kaya kung anu-ano na ang pumapasok d'yan sa isipan mo," pasuray-suray itong umakyat ng hagdanan, nakasunod lamang ako sa kanya.
Pagkapasok ng kwarto, kaagad itong bumagsak sa k**a at nang tingnan ko, nakapikit na ang mga mata nito. Maingat kong hinubad ang suot niyang sapatos at sinunod ko ang medyas. Pagkatapos, kumuha ako ng maligamgam na tubig at nilagay ko sa maliit na palanggana dahil 'yon ang ipapamunas ko sa kanya para marelax ang katawan niya.
Nang matapos ko siyang punasan, pinalitan ko na rin siya ng malinis niyang damit para masarap na ang tulog niya.
Kinabukasan, paggising ko, wala na sa tabi ko si Dustin. Nang bumaba ako, nasa kitchen na si mama.
"Good morning po, mama," nakangiti kong bati sa ginang.
"Good morning, hija. Mabuti at gising ka na. Mamaya pala, isasama kita sa mall para mag-shopping tayo," sabi ni Mama.
"Nako, 'wag na po, mama. Ang dami ng pinamili sa akin ni Dustin, at saka 'yong mga pinamili niyo sa akin noong nakaraan, hindi ko pa nga nagagamit," magalang kong pagtanggi sa ginang.
"Okay lang 'yon, hija. Alam mo ba na ang pagsha-shopping ay nakakarelax 'yon at nakakawala ng stress," giit ni mama.
Wala na nga akong nagawa kundi ang pumayag na lamang. Pasimple kong tinanong kung nasaan si Dustin dahil hindi ko ito makita sa buong kabahayan.
"Ahmmm, mama, si Dustin po? Nasaan siya?" tanong ko.
"Kanina pa pumasok sa opisina. May meeting sila mamaya sa Tagaytay. Sayang nga, ehh, sana isinama ka niya para makapasyal ka din doon. Pero 'wag kang mag-alala, sa weekend sasabihin ko sa kanya na ipasyal ka doon, okay?" paliwanag ni Mama.
Bigla akong nalungkot dahil hindi man lang ito nagpaalam sa akin. Noong mga nakaraang linggo, nagpapaalam na siya sa akin, pero ngayon, balik na naman sa dati. Simula nga ng bumalik si Agatha, siya namang pagbalik ng dating ugali at p**ikitungo sa akin ni Dustin.
Kahit magkasama at magkatabi kami sa iisang k**a, hindi ako nito kinakausap na labis kong kinalungkot. Muling naging malayo ang loob nito sa akin, at p**iramdam ko mas malala ngayon dahil hindi na niya ako kinakausap. Mas mabuti pa nga noon dahil kinakausap pa niya ako kahit papano.
Sa totoo lang, masakit sa akin itong ginagawa niya, pero wala akong karapatan na magreklamo dahil ginusto ko ito. Kaya kailangan kong magtiis. Mabilis na lumipas ang buwan, at kabuwanan ko na ngayon, ngunit wala si Dustin dahil nasa America ito para umattend ng seminar, at sa makalawa pa ang uwi nito. Malungkot ako dahil manganganak ako ng wala siya sa tabi ko.
Itutuloy...