05/08/2025
“Hindi ako papasa d'yan!”
Ganito ka rin ba minsan? Yung pagbasa mo pa lang ng job post, sasabihin mo na agad, “Ay, di ako papasa d’yan…”
Kasi hindi mo alam yung apps or software na gamit nila.
Kasi kulang ka sa experience, or wala pa talaga.
Kasi hindi ka magaling mag-English.
Ang dami mong dahilan.
Aminin!
Minsan ganyan din ako.
Kahit alam ko naman yung mga qualifications at responsibilities na hinahanap nila, hindi ko pa rin pinapasahan. Kasi iniisip ko, “Wala pa akong VA experience… baka bumagsak ako sa interview.”
Gets kita. Naranasan ko rin ‘yan.
Pero alam mo, wag nating i-disqualify ang sarili natin.
Wala namang mawawala kung susubukan natin, 'di ba?
Show up pa rin.
Doon tayo mas natututo.
Mas may chance tayong matanggap kapag nag-apply tayo....kesa sa hindi.
Siyempre, upskill pa rin, aral ng bagong tools, try ng iba't ibang tasks.
Mas okay kung may specialized niche ka, pero habang wala pa, pwede naman magsimula bilang General VA.
And most of all:
Pray. Pray. Pray.
Because Faith without action is dead.
Fighting, mga momshies! 🌸