14/09/2026
“I don’t hate artists who use AI in their art.
Kailangan talaga yan ng mga mahihina.”
- Nikko Pelaez
Ano daw ang opinion ko sa sinabi ni Nikko Pelaez?
First of all,
sino ba itong Nikko Pelaez?
Nikko Pelaez is a Filipino multidisciplinary visual artist
and filmmaker na kilala sa award-winning paintings,
illustrations, at design works,
including his 2018 Vans Asia Custom Culture championship.
Sino naman ba si Gharawi?
Medyo may iilang awards din lang naman sa mundo ng digital arts.
Ehem...
I-flex ko ba ulit? 😏
OA na...
kape-flex ko lang lately eh. 🤣
Pero for sure,
pag dating sa traditional visual arts,
mas established si Nikko kumpara sa akin.
May nagtatanong...
Ano daw bang masasabi ko sa post niya?
Ang masasabi ko lang ay…
TOTOO NAMAN ang sinabi n'ya.
Akala n’yo kokontra ako? 😁
YES.
Kailangan talaga ’yan ng mga MAHIHINA.
Pero hindi ibig sabihin na MAHINA ang gumagamit ng AI.
Magkaiba ’yon.
Kumbaga, kahit gaano kagaling ang isang public speaker,
kung mahina ang boses niya,
kailangan pa rin n'ya ng mikropono para madinig ang boses niya.
Bakit naman ako magagalit sa sinabi ni Nikko?
E nilinaw naman niya sa comment section ng mismong post niya
kung ano ang ibig niyang sabihin.
Sinabi niya:
“The whole point of my post is to call out visual artists IN MY FIELD and INDUSTRY
who simply PAINT OVER their AI generated studies.”
Kabilang ba ako doon?
Of course not.
Bakit ko sasaluhin ang bala na hindi naman sa akin ipinutok, diba? 😅
Una, magkaiba kami ng field and industry.
Nasa mundo ako ng digital arts,
and I DON’T simply take an AI-generated output
and call it my finished work. 😅
At nilinaw rin niya:
“But don’t rely on AI.”
Hindi ba dati ko na rin ’yang sinasabi?
Nakakab0b0 kung magiging DEPENDENT ka sa AI.
Totoong ginagamit ko ’to sa mga kahinaan ko.
Mahina ako sa spelling.
Aminado ako diyan.
Kaya pinapacheck ko sa AI ang mga post ko.
Pero hindi ako magpapagawa sa AI ng post from scratch.
Pang viral ang mga ideas ko.
Generic ang gawa ng AI.
Wala akong oras gumawa ng thumbnail sa mga post ko,
so AI na ang bahala.
Pero yung mensahe ng post ko,
may napupulot parati ang audience.
Pero ang mas mahalaga,
bukod sa natutulungan ako ng AI sa mga weakness ko,
INA-AMPLIFY din ng AI ang strengths ko.
Hindi nito pinapalitan ang skills ko.
Sa tingin n’yo ba pagkakatiwalaan ako ng EASY PC,
RDR Business Solutions,
at iba pang clients sa high-value projects kung ang ambag ko lang naman ay "marunong gumamit ng AI"?
Yes, AI can help me work faster.
Pero akin pa rin ang vision, judgment, taste, experience,
at kakayahang gumawa ng final output.
And just to be clear,
hindi rin ako galit sa mga ayaw mag-adapt sa AI.
Valid naman ang concerns ng iba.
Pero kung LULUSOB ka sa page ko para pagbawalan akong gumamit ng AI…
Utot mo po. 🤣
Tanggalan mo man ng AI ngayon si Gharawi,
isa pa rin akong Gharawi na may mga awards
BAGO PA NAG-EXIST ang generative AI.
Pero kung mahina ka na ngang nilalang,
hindi mo pa kayang mag adapt sa AI,
problema mo na yan.
Huwag mo akong pagbuntunan ng insecurities mo sa buhay. 😁
Adios!