18/11/2022
2018 nung na-discover namin ang tungkol sa Philippine Loop.
Sumali kami sa FB group at na-inspire kami sa mga nagpo-post.
Sabi namin, "makakapag-Philippine loop din tayo balang araw."
At nitong 2022 nga, ay natapos na namin ang Philippine Loop namin! π€
Pero ang dami pa naming naging doubts bago kami nakapag-loop.
π€ Baka maubusan ng budget.
π€ Baka may madaanang hindi safe.
π€ Baka ma-aksidente.
π€ Baka hindi kayanin ng scooter.
π€ Baka magbago ang travel restrictions...
Baka ganito, ganyan.
Gusto pa sana namin i-postpone...
Tatlong oras lang or less ang tulog namin nung first day. Nun lang din kami nag-impake ng gamit. Kasi nga, atras-abante pa kami.
Pero, pinush na namin!
Naisip namin,
π may budget na kami, kailangan lang i-maximize
π malakas pa ang katawan namin (bihira lang sumakit ang tuhod at balakang π)
π kung hindi pa this year, kelan pa?
At we are so grateful na naka-survive kami at safe nakauwi. π
We're happy kasi this is a personal milestone for us.
At alam namin na kayo rin, goal niyo rin ang makapag-Philippine Loop.
Kung hindi mo pa nagagawa, ano'ng reason mo?
Or baka, ano'ng EXCUSE mo?
Pag-usapan natin sa comment section. π