04/05/2025
As usual wala namang ambag itong DUMPSTER PARTYLIST!
Malawakang Tanggalan ng Riders at Aksidente ng Bus sa SCTEX: Patunay ng Papalalang Krisis sa Transportasyon
Nakakabahala ang lumalalang krisis sa pampublikong transportasyon sa bansa. Kasalukuyang kinakaharap ng sektor ang tatlong malalaking usapin:
1. Planong tanggalin ng LTFRB ang 14,000 MoveIt riders
2. Nkakamatay na aksidente sa SCTEX noong Abril 30
3. Tikom pa rin ang bibig ng DOTr sa mga hinaing ng PUV operators na hindi pa rin maka-rehistro
Mistulang hindi na ito mga magkakahiwalay na insidente, kundi mga sintomas na ng sistemikong pagbulusok ng sistema ng pampublikong transportasyon na dapat ay nagsisilbi sa mamamayan.
Pilit inaalis ang mga manggagawang mismong nagpapaunlad ng sistema, habang pinapaboran ang malalaking kumpanya at korporasyon. Sa ilalim ng deregulasyon, pribatisasyon, at makadayuhang modernisasyon, pinagkakakitaan ang pampublikong serbisyo habang binabaon sa kahirapan ang mga drayber at maliliit na operator at pinapabayaan ang mga komyuter.
Ang aksidente ng bus sa SCTEX nitong Mayo 1 na umararo sa mga sasakyan at nakapatay sa ilan, kung saan napabiltang nakatulog ang drayber sa manibela, ay malinaw na bunga ng mapagsamantalang kalagayan sa trabaho ng mga manggagawa sa transportasyon. Mababa ang sahod, kulang ang pahinga, walang seguridad sa trabaho—kaya ang mga drayber na itinutulak na lumagpas sa kanilang pisikal at mental na limitasyon para lang kumita.
Ipaglaban natin ang agarang pagbasura sa mga polisiyang nagtataboy at nagpapahirap sa mga manggagawa sa pampublikong transportasyon, at igiit natin ang karapatan ng bawat Pilipino para sa isang progresibo, makabayan, at makamasang pampublikong transportasyon.
Ang pampublokong transportasyon ay hindi negosyo—ito ay isang karapatan. Hangga’t patuloy na itinuturing ito ng gobyerno bilang isang negosyo, patuloy itong magiging mapanganib, magulo, at hindi makatao.