25/06/2026
Lalaki patay sa Drugtrade
( Hideout ng mga suspek sinalakay mahigit P340k na shabu, baril at mga bala nasamsam)
CAVITE ---- Patay ang isang 32 anyos na lalaking biktima matapos itong pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin na posibleng may kinalaman sa Droga, kamakalawa sa Brgy San Francisco Gen Trias Cavite
Base sa ulat, alas 3:55 ng hapon ng maganap ang pamamaril habang ang biktima ay naglalakad sa Tropical Village nang nasabing lugar na kinilala sa alyas Jomarie, 32 anyos, residente ng Brgy San Simon Dasmarinas Dasmarinas City Cavite, nang pagbabarilin ng mga di nakilalang suspek.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay sangkot sa ilegal drug trade at posibleng ito ang motibo kung kaya ito pinaslang.
Kaugnay nito, sa isinagawang follow up operation ng Dasmarinas City Police, sa Westwood Heights Brgy langkaan 1 Dasmarinas City, dakong alas 9:45 ng gabi, sinalakay ng mga ito ang hide out ng mga suspek sa lugar.
Pagdating ng mga ito sa target na bahay sa Phase 1 Blk 3 lot 43 Westwood Heights, hindi nadatnan ng grupo ang target suspek subalit bumulaga sa mga ito
nagkalat na shabu sa ibabaw ng Camping tent sa loob ng bahay na umabot sa may 13 piraso ng plastic sachet na may timbang na 50 gramo at halagang P340,000.00.
Nasamsam din ang 1 coin pouch , 1 cal .45 pistol na may serial number na 2245337, magazine ng nasabing baril at mga bala.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag alaman sa ilang residente dito na may 2 buwan pa lamang umanong nakatira at nangungupahan ang 4 na suspek sa nasabing unit.
Sa nakalap na CCTV footage ng pulisya, alas 6:11 ng gabi nang araw ding iyon ng umalis ang 5 suspek sakay ng Silver na Toyota Innova.
Nakilala ang mga suspek sa alyas Papang Alex, 43 anyos, Norsia, babae, 38 anyos, Kano at 2 pang lalaki.
Kasama sa isinagawang operasyon ang hepe ng Gen Trias Police na si PCol Bismark S Mendoza, Intelligence Operatives/ Drug Enfrocement Unit ng Gen Trias at Dasmarinas City Police.
Sa isinagawang imbentaryo ng pulisya para sa mga nakumpiskang ebidensya, sinaksihan ito ng kinatawan ng Media, Brgy Official ng lugar, Home owners Association ng West Wood Subd.
Patuloy ang hot pursuit operation ng mga ito para sa mga nakatakas na suspek.( Cristina Go Timbang)
It Follows
The Following
Following
Cavite Police Provincial Office
PNP Police Regional Office 4A
PNP Dasmariñas Component City Police Station
PNP General Trias City Police Station
Bismark Mendoza
brgy langkaan 1 ,Dasmariñas