St. Catherine of Alexandria Parish - Gerona, Tarlac

St. Catherine of Alexandria Parish - Gerona, Tarlac The official page of St. Catherine of Alexandria Parish, Poblacion 1, Gerona, Tarlac.

24/06/2025

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐔𝐓𝐈𝐒𝐓𝐀
𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝟓:𝟑𝟎 𝐧.𝐡.

Punong Tagapagdiwang ng Banal na Misa:
𝐑𝐝𝐨. 𝐌𝐨𝐧𝐬. 𝐀𝐝𝐚𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐆. 𝐕𝐞𝐫𝐠𝐚𝐫𝐚, 𝐏𝐂, 𝐄𝐕
Kura Paroko, Parokya ni San Isidro Labrador
Malinta, Valenzuela City
Episcopal Vicar, Southern District
kasama ang kaparian mula sa Parokya





09/06/2025
08/06/2025

KUMPILANG BAYAN
PRESIDED BY: Most Rev. Roberto C. Mallari, D.D.

TULOY PO KAYO SA SCAP BISHOP BOBET!Maligayang Pagdating po sa Parokya ni Sta. Catalina ng Alejandria Bishop Bobet! Tayo ...
08/06/2025

TULOY PO KAYO SA SCAP BISHOP BOBET!

Maligayang Pagdating po sa Parokya ni Sta. Catalina ng Alejandria Bishop Bobet! Tayo ay nagagalak na makasama ang ating minamahal na Obispo, Lub. Kgg. Roberto Calara Mallari D.D., ngayong Linggo ng Pentekostes at para manguna sa Banal na Misa na may paggagawad ng Sakramento ng Kumpil. Tayo ay mapalad na mapaunlakan ng ating mahak na Obispo at ito rin ang kanyang unang pagbisita sa ating Parokya kaya naman ito ay isang mabiyayang pagkakataon sa ating Parokya.
Welcome po muli sa SCAP Bishop Bobet!






MALIGAYANG PAGSILANG INANG SIMBAHAN!Ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes ang siyang araw ng kapanganakan ng ating Simb...
07/06/2025

MALIGAYANG PAGSILANG INANG SIMBAHAN!

Ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes ang siyang araw ng kapanganakan ng ating Simbahan kung saan bumaba sa mga Apostol ang kaloob na Espiritu Santo gaya ng nasasaad sa mga Gawa ng mga Apostol 2:2, "May nakita sila wari'y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila." Ngayon ang batong itinatag ni Krisyo kay Pedro ay nananatiling matatag hindi lamang sa pundasyon at estruktura kundi sa katawan nitong mga tao, na ang ulo ay walang di iba kundi si Kristo. Nawa ang Linggo ng Pentekostes ay magpaalala sa atin ng misyon ng Simbahan na di natapos sa mga alagad ni Kristo kundi nagpapatuloy sa ating paglalakbay sa buhay na ito upang ibahagi pa si Hesus sa iba.

Halina Espiritu Santo, sa sinag buhat sa Iyo, kami'y liwanagan mo!

Layout and Text | Bro. Ryan Christian G. Gamit






CHILDRENS' FEST 2025Bilang pagtatapos sa Childrens' Fest ay nagkaroon ng Awarding Ceremony sa mga nanalo sa iba't ibang ...
07/06/2025

CHILDRENS' FEST 2025

Bilang pagtatapos sa Childrens' Fest ay nagkaroon ng Awarding Ceremony sa mga nanalo sa iba't ibang palaro at patimpalak kung saan binigyan din ng school supplies at award ang mga batang nanalo.






CHILDRENS' FEST 2025Kaugnay ng pagtatapos ng Aral Dasal 2025 at ang Unang Pakikinabang ay ginanap din ang Childrens Fest...
07/06/2025

CHILDRENS' FEST 2025

Kaugnay ng pagtatapos ng Aral Dasal 2025 at ang Unang Pakikinabang ay ginanap din ang Childrens Fest sa ating Parokya nitong Hunyo 02 kung saan ang mga bata ay nakilahok sa iba't ibang aktibidad at laro na nagpalawak ng kanilang pananampalataya at pakikisalamuha.






FIRST HOLY COMMUNIONNitong nakaraang Lunes, Hunyo 02, ay ginanap ang Unang Pakikinabang ng mga bata na mula sa 15 Barang...
07/06/2025

FIRST HOLY COMMUNION

Nitong nakaraang Lunes, Hunyo 02, ay ginanap ang Unang Pakikinabang ng mga bata na mula sa 15 Barangay na nasasakupan ng ating Parokya, ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rdo. Padre Jonathan C. Ovivir kasama ang Team Ministry ng Parokya.





FLORES DE MARIA 20255:00 N.H. | Banal na Misa sa Kapistahan ng Pagbisita ng Mahal na Birheng Maria na pinangunahan ni Rd...
07/06/2025

FLORES DE MARIA 2025

5:00 N.H. | Banal na Misa sa Kapistahan ng Pagbisita ng Mahal na Birheng Maria na pinangunahan ni Rdo. Padre Joselito S. Herrera, kasama ang Team Ministry ng Parokya na sinundan ng Crowning Ceremony at Pag-aalay ng Bulaklak sa Mahal na Birhen

Text: Bro. Ryan Christian G. Gamit






KUMPILANG BAYANIsang mapalad na pagkakataon na sa Lingggo ng Pentekostes, Hunyo 8 ay gaganapin ng ating Parokya ang Kump...
01/06/2025

KUMPILANG BAYAN

Isang mapalad na pagkakataon na sa Lingggo ng Pentekostes, Hunyo 8 ay gaganapin ng ating Parokya ang Kumpilang Bayan na pangungunahan mismo ng ating Obispo, Lub. Kgg. Roberto Calara Mallari D.D. Ang deadline po ng requirements ay hanggang bukas at ang seminar at kumpisal naman ay gaganapin sa Hunyo 7, sa iba pang detalye magtungo lamang sa opisina ng ating Parokya.

Layout and Text: Bro. Ryan Christian Gamit


FLORES DE MARIA 2025Bahagi ng ating buong buwan ng Mayo na pagdiriwang kay Maria bilang Virgen delas Flores ang ating pa...
28/05/2025

FLORES DE MARIA 2025
Bahagi ng ating buong buwan ng Mayo na pagdiriwang kay Maria bilang Virgen delas Flores ang ating panapos na paggunita sa Flores de Mayo, narito ang talatakdaan ng aktibidad para sa triduo ng Kapistahan ng Pagbisita ng Mahal na Birheng Maria at ang Pamparokyang Pagdiriwang ng Flores de Maria at Sagalahan.

Layout and Text: Bro. Ryan Christian G. Gamit






Address

Gerona

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Catherine of Alexandria Parish - Gerona, Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share