22/07/2026
TINGNAN| Mga kandidata ng Reyna ng Bahaghari 2026, nagpasiklaban sa Sicmil Integrated School Pride Month Celebration
Sicmil Integrated School, Hulyo 21, 2026— Naging makulay at matagumpay ang ginanap na Reyna ng Bahaghari 2026, kung saan ipinamalas ng mga kontesera ang kanilang kagandahan, talino, talento, at tiwala sa sarili sa harap ng mga manonood na nilahukan ng mga estudyante, g**o, kawani sa paaralan at mga tao sa komunidad.
Layunin ng patimpalak na ito na hikayatin ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na maipakita ang kanilang mga talento, kaisipan, at kakayahan. Nais din nitong bigyang-diin ang kahalagahan ng paggalang, pagmamahal, at pantay na pagtrato sa bawat isa, anuman ang kanilang kasarian o pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng programang ito, nais nitong ipakita na ang tunay na kagandahan ay nagmumula sa mabuting puso, talento, at kakayahan.
Kinilala si Aldwin Camacho bilang 4th Runner-up, habang3rd Runner-up naman si Junrel Rubio, samantalang 2nd Runner-up naman ang persto ni Ronela Beatrice Mondragon at si Janna Marie Breguiles bilang 1st Runner-up. Samantala, itinanghal namang kauna-unahang Reyna ng Bahaghari 2026 si Agatha Recanreb Sorevetnom.
Ayon kay Agatha Recanreb, Reyna ng Bahaghari 2026, marami siyang paghahanda na ginawa kaya't labis ang kanyang saya nang siya ay manalo. Aniya, mas na-inspire pa siyang magpatuloy at mas paigtingin ang laban sa diskriminasyon. Isa rin sa kanyang naging motibasyon sa pagsali at pagpupursiging maiuwi ang korona ay ang kanyang kaibigan na si Renz Ivan S. Ogalesco, na nagtulak at nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang lumaban.
Nagtapos ang Reyna ng Bahaghari 2026 na puno ng inspirasyon at makabuluhang mensahe para sa bawat dumalo. Higit pa sa isang patimpalak, naging daan ito upang maipakita ng mga kontesera ang kanilang talento, husay at galing, at mabuting pagkatao habang isinusulong ang paggalang, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay sa lahat, anuman ang kanilang kasarian o sekswal na oryentasyon. Sa huli, muling pinatunayan ng programa na ang tunay na kagandahan ay hindi nasusukat sa panlabas na anyo, kundi sa karakter, kakayahan, at pusong handang maging inspirasyon sa iba.
Disclaimer: Ang aktibidad ay isinagawa pagkatapos ng instructional block upang matiyak ang pagsunod sa polisiya ng DepEd sa pangangalaga ng oras ng pagtuturo at pag-iwas sa anumang pagkaantala o pagkagambala ng klase.
📝 Laiza Kris Mae Monzon | Ang Lumina
📸 Janella Rose Soriao at Charlotte Pupa | Ang Lumina