08/08/2026
WHITE BEACH SA PUERTO GALERA, MULING NILUBOG NG BAHA DAHIL SA TULUY-TULOY NA ULAN
PUERTO GALERA, Oriental Mindoro — Muling nakaranas ng pagbaha ang bahagi ng White Beach sa Puerto Galera ngayong Sabado, Agosto 8, kasunod ng walang tigil na pag-ulan sa lugar.
Dahil sa patuloy na buhos ng ulan, naipon ang tubig sa ilang bahagi ng komunidad at muling nagdulot ng pagbaha sa kilalang tourist destination.
Pinapayuhan ang mga residente, motorista at mga turistang nasa lugar na mag-ingat sa mga bahaging binabaha, lalo na kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan.
Patuloy na bantayan ang mga abiso mula sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya hinggil sa lagay ng panahon at sitwasyon sa mga apektadong lugar.
📷 Hannah Eahm