
29/05/2024
TITO MARS, FIRST TIME DAW SUMAKAY NG JEEP, NAIYAK!
“Isa ito sa pinakamahirap na challenge”, ganito inilarawan ng social media personality na si Tito Mars ang diumano’y first time niyang pagsakay sa jeep.
Sa mahigit 6 na minuto na video, ibinahagi ng vlogger ang kanyang naging karanasan simula sa pagpara ng jeep, pagbabayad ng pamasahe, pag-abot ng bayad ng ibang pasahero at maging ang pagbaba ng jeep na lahat daw ay hindi niya alam kung paano gawin dahil nga ito ang kanyang unang pagkakataon na sumakay dito.
Pinuna rin nito ang pagiging “shaky” at matagtag ng jeep pati ang kawalan ng air con.
Mapapanood ang kabuuan ng kanyang experience sa kanyang page na inuulan ngayon ng ‘hate reacts’ dahil sa mapang-asar nitong mga videos.
Courtesy: Tito Mars (Facebook)
Ctto