17/08/2026
๐๐๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐: ๐๐ผ๐ป๐๐ฎ๐ด๐ฎ, ๐๐บ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ช๐
Sa bawat kumpas ng tambol at bawat indayog ng mga banderita, opisyal nang sumiklab ang diwa ng Patronal Town Fiesta ng Gonzaga!
Nitong Agosto 15, 2026, nagkulay, nag-ingay, at nagkaisa ang buong pamayanan sa makulay na Opening Parade, hudyat ng pagsisimula ng pagkakabuklod ng mga Gonzagueรฑo.
Mula sa unang hakbang hanggang sa huling kumpas ng parada, dama ang sigla ng isang bayan na sama-samang nagdiriwang. Sapagkat ang pista ay hindi lamang mga makukulay na palamuti at masasayang tugtugin, kundi ito ay pagpapatuloy ng tradisyong minana, pananampalataya, at pagkakaisang patuloy na nagbibigay-buhay sa Gonzaga.
Maligayang pagbubukas ng ating Patronal Town Fiesta!โ๏ธ๐