The Guided Heart

The Guided Heart ���

30/10/2025

“Even Believers Need Healing”

Many people believe that choosing God means life will suddenly become easy — no pain, no tears, no struggles. But the truth is, following Christ doesn’t remove your humanity. Even Jesus Himself, the Son of God, experienced sorrow, loneliness, and anguish. In the Garden of Gethsemane, He said, “My soul is overwhelmed with sorrow to the point of death.” (Matthew 26:38)

Faith in God doesn’t mean you will never suffer; it means you will never suffer alone. God walks beside you through every valley, not to prevent the storm, but to give you peace and strength in the middle of it.

So if you are hurting right now, please don’t hide your pain thinking it makes you less spiritual. Depression doesn’t make you a weak Christian, it makes you a human who needs God’s healing. It’s okay to ask for help. It’s okay to rest. And it’s okay to cry out to God.

To those who have drifted away from Him because of the weight of life, let this be your sign to come home. God is not angry at your distance; He’s patiently waiting with open arms. You don’t need to force yourself back to Him, just take the first small step. Talk to Him again. Open your Bible again. Surround yourself with people who carry Christ’s love, not condemnation.

And to those who want to lead others back to the Lord. Remember, people are not drawn to God by pressure or guilt, but by love. Show them Jesus through your patience, your kindness, and your compassion. Be the reason someone remembers that God is still good.

—Ezekhiel

26/08/2025

May mga panahon na parang walang nangyayari kahit ang dami mong inaasam. Naghihintay ka ng mas maayos na trabaho, pero laging may kulang o hadlang. Naghihintay ka ng taong mahal mo na sana’y sabihin na handa na rin siya sa relasyon, pero tila wala pang malinaw na sagot. Naghihintay ka na matupad ang iyong mga goals, pero puro delay at pagsubok ang kaharap mo.

Pero tandaan, habang ikaw ay naghihintay, may ginagawa ang Diyos na hindi mo nakikita. Baka kaya hindi pa dumadating ang trabaho ay may mas mainam na oportunidad na inihahanda Niya. Baka kaya hindi pa nagsasabi ng “handa na siya” ang taong mahal mo ay dahil may panahon pa Siya para paghandaan ang puso ninyong dalawa. Baka kaya hindi pa natutupad ang mga pangarap mo ay dahil may mas maganda at mas ligtas na daan Siya para makamit mo ito.

Hindi sayang ang paghihintay kung sa Diyos ka umaasa. Sapagkat sa Kanya, laging sakto ang oras at laging higit sa inaasahan ang Kanyang ibinibigay.

“For the vision is yet for an appointed time... though it tarry, wait for it; because it will surely come.” —Habakkuk 2:3📖

07/08/2025

Kung minsan, pinapatigil ka ng Diyos hindi dahil sa galit Siya, kundi dahil gusto Niyang kausapin ka nang mas malinaw.

Katulad ng story sa Bible na si Jonas.

Si Jonas ay tumakas palayo sa kalooban ng Diyos. Dahil dito, siya’y nilamon ng isang malaking isda at tumigil ang lahat. Walang ingay, walang karera ng buhay at katahimikan lang. Doon sa loob ng kadiliman, nagsimulang manalangin si Jonas. At doon, sa tahimik at masikip na lugar, muling nagsalita ang Diyos sa kanya at pinakinggan niya ang Panginoon.

Marami sa atin, kailangan pang dumaan sa matitinding pagsubok para lang matahimik ang puso. Pero sa katahimikan ng problema, doon ka mas lalong magiging sensitibo sa tinig ng Diyos.

"Tumahimik kayo at kilalanin ninyong ako ang Diyos..."
—Awit 46:10📖

07/08/2025

Sa buhay, may mga pagkakataong pakiramdam natin ay hindi tayo karapat-dapat.
Minsan, nalulunod tayo sa sariling kahinaan, paulit-ulit na pagkakamali, o kaya naman ay bigong magbago kahit ilang beses nang nangakong magbabago. Pero sa gitna ng lahat ng ito, may isang hindi nagbabago, ito ay ang pagtawag sa atin ng Diyos bilang kaibigan.

Isipin mo ito...

Isang binatang Kristiyano ang matagal nang lumalaban sa tukso ng pornograpiya. Paulit-ulit na nananalangin at umiiyak sa gabi, nangangakong titigil, pero bumabalik pa rin. Dumating sa punto na nahihiya na siyang lumapit sa Diyos sa panalangin. Ngunit kahit sa kanyang kahinaan, may isang tinig pa rin sa puso niyang nagsasabing:
“Anak, kilala Kita. Hindi Ako sumusuko sa'yo. Kaibigan pa rin Kita.”

Kaibigan, ito ang katotohanan:

Hindi mo kailangang maging perpekto bago ka mahalin ng Diyos.
Hindi mo kailangang linisin ang sarili mo bago ka tanggapin.
Alam Niya ang lahat ng madilim mong bahagi—ang mga kahinaang ikinukubli mo sa ibang tao—at sa kabila ng lahat, hindi Kanyang binawi ang pagtawag Niya sa’yo bilang KAIBIGAN.

“Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, sapagkat ang alipin ay hindi alam ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan…”
— Juan 15:15📖

Address

Guagua

Telephone

+639923096839

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Guided Heart posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Guided Heart:

Share