12/08/2025
๐
Lagi akong tinatanong ng mga kritiko ko: โBakit ba galit na galit ka kay Duterte?โ O minsan mas bastos pa, โHindi ka ba talaga marunong tumanaw ng kabutihan?โ
Ang sagot ko: oo, marunong akong tumanaw ng kabutihan. Pero mas marunong akong tumanaw ng pananagutan. Kaya ito ang sagot ko. Hindi ito galit na walang basehan. Hindi ito inggit. Hindi ito opinyon lang. Ito ay paghuhusga batay sa batas, kasaysayan, datos, at karanasang personal kong nasaksihan.
1. Dahil ginawang normal ang patayan bilang polisiya
Hindi ito haka-haka. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, umabot sa 6,252 ang napatay sa official operations ng Oplan Tokhang mula 2016 hanggang 2022. Ngunit ayon sa Commission on Human Rights at iba pang human rights groups, ang kabuuang bilang ng nasawi ay puwedeng umabot sa 27,000, kasama ang mga vigilante-style killings. Karamihan sa mga biktima ay maralita, walang abogadong kasama, walang warrant, at madalas ang dahilan lang ay "drug suspect". Ito ang tinatawag na state-sanctioned killings.
Ang mas masakit: ayon sa Dangerous Drugs Board noong 2019, sa mahigit 4 milyon na tinarget ng war on drugs, wala pang 1 porsyento o 19,086 lang ang pumasok sa rehabilitation centers. At sa mga kulungan, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, umabot sa 612 percent congestion rate sa ilang pasilidad sa kasagsagan ng kampanya. Napuno ang kulungan ng mahihirap, hindi ng drug lord.
Bilang isang mamamayang personal na nakasalamuha sa mga ulila ng war on drugs, ramdam ko ang tahimik na kalbaryo ng mga batang nawalan ng magulang na hindi man lang nabigyan ng hustisya. Sila ang tunay na naiwan sa giyera. Walang counseling, walang ayuda, walang closure.
2. Dahil binastos ang Konstitusyon at pinahina ang mga institusyon
Ang Konstitusyon ng 1987 ay malinaw sa proseso ng pagtanggal sa isang Chief Justice. Dapat ito'y dumaan sa impeachment. Ngunit ginamit ang quo warranto laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, isang legal na shortcut na taliwas sa itinakdang proseso ng Saligang Batas. Hindi lang siya pinatalsik, kundi binastos, tinawag pang "enemy" ni Duterte. Isang lantarang pagyurak sa independence ng hudikatura.
Sa Ombudsman, sa COA, sa COMELEC, sa CHR, pinuwestuhan ng mga loyalista. Binura ang checks and balances at pinalitan ng blind loyalty.
3. Dahil binastos at siniraan ang CHR para takpan ang mga krimen nila
Ang Commission on Human Rights ay constitutional body na nilikha para bantayan ang pag-abuso ng estado sa karapatang pantao. Pero imbes na igalang, binansagan itong inutil ni Duterte at tinangka pang tapyasan ng P1,000 ang budget nito noong 2017. Sinadyang lituhin ang publiko, pinalabas na kakampi ito ng kriminal, kahit sa katotohanan, ito ay tagapagtanggol ng mamamayan laban sa abusadong pamahalaan. Nilason nila ang kolektibong pagtingin sa karapatang pantao.
4. Dahil winasak ang tiwala sa gobyerno sa pamamagitan ng Pharmally scandal
Ang Pharmally ay kumpanyang may P625,000 lang na capital ngunit pinaboran ng halos P11 bilyong kontrata para sa PPE procurement. Ayon sa Senate Blue Ribbon Committee, overpriced ang mga biniling medical supplies, at may direktang koneksyon si Michael Yang, dating economic adviser ni Duterte, sa mga sangkot. Hindi lang ito anomalya, ito ay malinaw na indikasyon na sa gitna ng pandemya, may namuhunan sa kapahamakan ng bayan.
5. Dahil ginawang family business ang gobyerno
Mula Davao hanggang Malacaรฑang, kinontrol ng iisang pamilya ang kapangyarihan. Rodrigo Duterte bilang Pangulo, Paolo Duterte bilang Congressman, Sara Duterte bilang Mayor tapos naging Vice President, Baste Duterte bilang Mayor ng Davao. Isama pa sina B**g Go at Bato dela Rosa bilang mga loyalista. Sa Davao, 76 porsyento ng barangay captains ay may kamag-anak sa lokal na gobyerno. Ito ang mismong anyo ng political dynasty na nais wakasan ng Konstitusyon pero pinayaman pa sa panahon nila.
6. Dahil pinalakas ang kultura ng pambabastos, misogyny, at kawalang galang
Mula sa r**e jokes, pagmumura sa Santo Papa, panglalait sa kababaihan at sa mga madre, hanggang sa pambabastos sa international community, si Duterte ang naging sagisag ng bastos na pamumuno. Ayon sa leadership psychology, ang asal ng lider ay nagiging asal ng lipunan. Imbes na respeto at katwiran, ang naging uso ay mura at pananakot. Sa halip na vision, ang ibinenta ay galit.
7. Dahil nag-utang nang todo pero kulang sa tunay na reporma
Ayon sa Bureau of Treasury, ang total outstanding debt ng Pilipinas ay umakyat mula P6.09 trilyon noong 2016 papuntang P12.15 trilyon pagsapit ng 2022. Dobleng utang, pero walang dobleng reporma. Walang comprehensive tax reform para sa mahirap, walang major investment sa universal healthcare o free higher education expansion. Ang Build Build Build ay hindi sapat. Ayon sa COA, maraming infrastructure projects ang in-award sa contractors na may history ng corruption, may delay, o hindi pa tapos hanggang ngayon. Ang mga flood control projects ay naging pugad ng budget insertion, at ginagamit bilang pork barrel disguised as infrastructure.
8. Dahil tinanggal ang mga kritiko at sinupil ang malayang pamamahayag
Pinatigil ang prangkisa ng ABS-CBN kahit milyon-milyong Pilipino ang nawalan ng access sa impormasyon at libangan. Kinasuhan at tinarget si Maria Ressa ng Rappler gamit ang cyberlibel at tax cases. Ayon sa Reporters Without Borders, bumagsak tayo sa global press freedom index mula #133 noong 2016 sa #147 noong 2022. Wala tayong tunay na demokrasya kung ang mga lider ay hindi kayang tumanggap ng puna.
9. Dahil ginawang panakip ang confidential at intelligence funds para itago ang paggastos ng pera ng bayan
Sa panahon ni Rodrigo Duterte nauso ang bilyones na confidential at intellitence funds. Pati ang anak na si Sara Duterte, humiling ng P500 milyong confidential funds para sa DepEd, isang ahensyang hindi naman intelligence-gathering body. Sa 2022 alone, ang OVP ay nakatanggap ng P125 milyong confidential funds na pinagkagastusan sa loob lang ng 11 araw, na walang detalyeng inilabas. Confidential funds ay dapat ginagamit para sa national security, hindi para sa political maneuvering. Kapag walang audit trail, may ebidensyang nawala ang transparency. At kapag walang transparency, nawawala ang tiwala.
10. Dahil nilason ang pananaw ng masa gamit ang organisadong propaganda
Ayon sa pag-aaral ng Oxford University, ang Duterte campaign noong 2016 ay isa sa pinakamalaki ang ginastos sa organized social media manipulation. Mula YouTube hanggang Facebook, pinalaganap ang kasinungalingan, historical revisionism, red-tagging, at paninira sa mga kritiko. Ang epekto: ginawang biro ang karapatang pantao, at ginawang diyos ang politiko.
At hanggang ngayon, ang dami pa ring trolls na pinangangalagaan ang kanilang reputasyon online. Buo pa rin ang troll machinery. Kahit wala na sa puwesto si Duterte, patuloy pa rin ang sistematikong paninira sa mga kalaban, pagbaluktot sa kasaysayan, at pambubura sa mga kasalanan ng nakaraang administrasyon.
At pinakamasama sa lahat, sinira nila ang diskurso. Sa halip na pagtalakay, ang pumalit ay insulto. Kapag pumupuna ka, agad kang tinatawag na NPA, adik, bayaran, o dilawan. Imbes na pakinggan ang hinaing, binabansagan ang mamamayan bilang kalaban. Pinatay ng kulturang ito ang rasyonal na usapan, ang makabuluhang debate, at ang mismong diwa ng demokrasya.
11. Dahil sa ilalim niya lumobo ang online gambling at hindi lang POGO ang nagdala ng krimen
Habang pinapalayas ang ilang POGO, lumaganap naman ang mas nakakalat at mas mapanganib na online gambling schemes. Mula sa scam hubs na may human trafficking hanggang sa mga app-based na sugal, kumalat ito sa buong bansa. Sa mga raid ng NBI at PNP mula 2021 hanggang 2023, may mga nahuling Chinese syndicates, s*x trafficking rings, at crypto scams na nakatali sa online casinos. Ang problema: sinadyang pabayaan o pasimplehin ng administrasyon. Ang Pilipinas ay naging gambling haven sa ilalim ng tahimik na pahintulot ng estado.
12. Dahil hindi sila nanagot kahit sa pinakamalinaw na pag-abuso
Kahit paulit-ulit na may ebidensya ng EJK, anomalya sa Pharmally, overpricing sa infrastructure, at bastos na pag-uugali, wala ni isang Duterte o kaalyado ang nakulong o nasuspinde. Kahit ang ICC investigation ay pilit tinatakasan gamit ang argumento na wala na tayo sa Rome Statute. Ngunit ayon sa Supreme Court decision noong 2021, may obligasyon pa rin ang Pilipinas na makipagtulungan sa ICC para sa mga kasong sinimulan bago ang withdrawal. Ibig sabihin, ayaw lang talaga nilang managot.
13. Dahil ramdam ko mismo ang epekto ng pamumunong mapanakit
Nakikita ko ang mga batang ulila, naiwan ng mga inakusahang drug suspect na walang nakuhang tulong o katarungan. Nakakwentuhan ko ang mga pamilyang takot magsalita, ang mga kabataang lumaking galit sa pulisya, ang mga nanay na di alam kung saan hahabol ng hustisya. Hindi ito istatistika para sa akin. Ito ay buhay, pangalan, at mukha. At hindi ito nakakalimutan.
14. Dahil pinatay nila ang rule of law
Ang batas dapat ay pantay sa lahat. Pero sa ilalim ni Duterte, lumaganap ang selective justice. Kung kaaway ka, kahit walang ebidensya, ipakukulong ka o irered-tag. Kung kaalyado ka, kahit may kaso o kontrobersya, ligtas ka. Sa halip na pairalin ang rule of law, pinalitan ito ng rule of men โ ng iilang makapangyarihan. Wala ring pagsisikap na itulak ang FOI Law. Wala ring sinserong pagre-respeto sa korte. Ginawang armas ang batas, hindi sandigan.
15. Dahil mapanlinlang sila at ginagamit ang imahe ng kahirapan bilang props
Si Duterte ay kilalang nagpapakita ng sirang sapatos, kulambo, at kanin na parang cake tuwing kaarawan. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya pumipirma ng bank waiver. Samantalang may dokumentado nang mga dokyumentadong ulat na pag-aari ng pamilya Duterte ang maraming properties sa Davao at sa ibaโt ibang lugar. Gamit nila ang imaheng mahirap para makaakit ng simpatya, pero sa likod nito, may yaman at kapangyarihang ayaw nilang ipaliwanag.
Hindi ito rant. Hindi ito tsismis. Hindi ito galit na walang hugot.
Ito ay pagkasuklam na may dahilan, may datos, at may dangal.
Ang galit ko ay righteous indignation.