28/10/2025
แดแดษดแด
แดแดษด แดแด ษดแดแดษชษด:
Kahit kumpleto tayo sa lahat ng pagdalo at aktibo sa mga pagtutulungan at mga gawain,
kung hindi naman maganda ang pakikitungo natin sa mga kapatid โ
kung magaspang ang ating pag-uugali at nagiging sanhi tayo ng pagkatisod ng iba โ
hindi tayo kalulugdan ng Dios.
Kahit pa ikaw ang pinakamagaling,
kahit alam mo ang lahat ng hiwaga,
kahit mayroon kang buong pananampalataya โ
kung wala kang pag-ibig,
walang kabuluhan ang lahat ng iyan.
Kaya tumulad po tayo kay Cristo.
Nagbigay Siya ng halimbawa upang ating sundan.
Bagaman Siya ay Dios, nagpakababa Siya,
nag-anyong alipin at nakitulad sa mga tao.
Ang mga pinakamaliit na kapatid โ
yaong mga walang anuman sa buhay โ
itinuring Niyang tunay na mga kapatid.
Huwag tayong maging mapagmataas o mapagtangi, lalo na sa may mga katungkulan.
Kahit pa ang isang kapatid ay mahina, may kapansanan, o mahina ang pananampalataya โ
pagtiisan po natin, mga kapatid.
Maglaan po tayo lagi ng ngiti sa ating mga labi para sa mga kapatid upang maramdaman nila tayo.
Maging magiliw, palakaibigan, palangiti at pakisamahan po natin sila nang maayos, hindi iyong nagtatangi tayo.
Sa loob ng Tunay na Iglesia,
ituring po nating lahat bilang mga kapatid kay Cristo.
Kung may mga pasaway man o hindi sumusunod sa utos ng Dios,
ipagpasa-Dios na lamang po natin.
Ihahayag din naman iyon ng Dios sa takdang panahon.
Kaya sama-sama po tayong magpraktis at magsanay sa kabanalan,na may kapakumbabaan.
Mabuting kalooban at kababaang-loob sa kapatid โ na may pag-ibig.
Salamat po sa Dios.