
27/06/2025
Mas masarap ang tapa kapag may kasamang kwento sa almusal at konting chismis sa kapitbahay.
๐ฅฉ Beef Tapa (Pampagana sa Umaga)
Mga Sangkap (na parang love life moโkailangan ng timpla):
500g baka na pinatapyas ng manipis (sirloin o kahit anong malambot, wag lang ex mo)
6 butil na bawang โ durog, parang puso mo kahapon
1/4 tasa toyo โ para sa alat ng buhay
2 kutsara s**a o calamansi โ para asim kilig
1 kutsara as**al โ pampatamis sa maasim mong umaga
1 kutsarita pamintang durog โ kasi minsan kailangan ng konting anghang
Mantika โ pangprito, wag isama 'yung init ng ulo mo
---
Paraan ng Pagluluto (O, tara naโt magluto!):
1. Marinate-marinate muna
Pagsama-samahin mo sa isang bowl ang lahat ng sangkap (beef, toyo, bawang, s**a o calamansi, as**al, paminta).
Ihalo ng maigi, parang feelings mo sa crush mo โ dapat buo ang loob!
Takpan at itago sa ref ng 4 hours o overnight (mas matagal, mas malasa โ parang pagmamahal na hinintay mo ng matagal).
2. Oras ng prito!
Painitin ang mantika sa kawali.
Ihulog ang beef (kasama na 'yung marinade kung gusto mo ng may sabaw-sabaw drama).
Lutuing parang pag-ibig โ dahan-dahan sa simula, pero laging mainit!
Kapag medyo tuyo na at nagsimulang mag-brown, okay na 'yan. Wag masyadong sunog, baka tulad ng feelings mo, 'di na maremedyuhan.
3. Ihain na!
Ihain na kasama ng sinangag na may bawang, itlog na sunny side-up, at atsara o kamatis.
Complete na ang TAPSILOG combo!
---
G na G ka na ba magluto? Kung gusto mo rin ng Tocilog o Longsilog, comment lang! ๐๐ณ๐