18/08/2026
๐๐๐๐๐๐ | Kultura at sining, tampok sa Buwan ng Wika 2026
Ipinamalas ng mga estudyante ng Negros Oriental State UniversityโGuihulngan Campus ang kanilang husay sa kultura at sining sa pamamagitan ng ibaโt ibang patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pagkatuto at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ na ginanap sa campus gymnasium noong Agosto 17, 2026.
Matapos ang pitong taong pananahimik, muling isinagawa ang Patimpalak sa Lakan at Lakambini ng Wika kung saan tampok ang paghirang kina G. Ivan Alingasa mula sa Kolehiyo ng Pangangasiwa ng Negosyo bilang Lakan ng Wika at Bb. Sheena Recilla mula sa Kolehiyo ng Pagsasanay at Edukasyong Panturo bilang Lakambini ng Wika.
Naging mas makulay at makabuluhan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng ibaโt ibang patimpalak na itinampok sa entablado. Kabilang dito ang Patimpalak sa Katutubong Sayaw, kung saan muling nabuhay ang kultura sa bawat galaw, kumpas, at indak; sinundan ito ng Patimpalak sa Kundiman, na naghatid ng madamdaming awit sa bawat himig at tinig; at ang Patimpalak sa Doble-Kara, kung saan dalawang tinig ang nagsanib upang lumikha ng natatangi at makabuluhang pagtatanghal.
โGamitin ang AI bilang kasangkapan, hindi bilang kapalit ng ating sariling pag-iisip at kakayahan,โ pahayag ni Gng. Gima A. Yanoc, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng responsable at wastong paggamit ng artificial intelligence. Aniya, maaaring maging katuwang ang AI sa pagkatuto at pagbuo ng mga ideya, habang nananatiling mahalaga ang sariling pag-iisip, kritikal na pagsusuri, at kakayahan ng bawat isa.
Taun-taon, ipinagdiriwang ng NORSU-G ang Buwan ng Wika bilang pagpapakita ng pagmamahal sa wikang Filipino at kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng ibaโt ibang aktibidad, nagkakaisa ang mga estudyante sa pagbabahagi ng kanilang talento, kultura, at pagmamalaki bilang mga Pilipino.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, higit pa sa isang selebrasyon ang Buwan ng Wika, kundi isa itong paalala na ang kulturang Pilipino ay patuloy na nabubuhay kasabay ng pagbabago. Sa panahong mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, ang hamon ay hindi lamang kung paano sasabay dito, kundi kung paano ito gagamitin upang mapanatili at maipagpatuloy ang kuwentong Pilipino.
| Aira Bejano