20/11/2023
Hakbang papalayo, hanggang sa dulo.
"TAKBO!"
Iba't ibang mukha 't sari-saring halakhak.
Malalakas na hiyawan, tilian 't padyak.
Isang malaking ngiti ang bungad,
Sa nag-daang mga araw 'y walang katulad.
Ang bawat isa 'y malayang lumakad o tumakbo,
Ipauubaya 't ikaw na ang bahalang lumayo.
H'wag ka lamang tumigil 't sumuko,
H'wag ka lamang mag-patinag sa layo ng lalakbayin mo.
Patuloy kang tumakbo kasabay ng mga nasa paligid mo.
Iwasan mo'ng mapatid 't mag-pahuli sa mga impakto.
Tandaan mong ayos na, ang sapat na pahinga.
Ngunit...ayos lang, kung pagod ng ihakbang ang mga paa.
Hindi man matagumpay na nakarating ang iba sa dulo,
Sulit naman ang araw na naging makulay ng ilang minuto.
Hindi man nasungkit ng iba ang panalo,
Napuno naman ng saya ang mga puso sa bawat segundo.
Hanggang sa muling pag-takbo, WORLD CITIZENS!
Mananatiling nag-kakaisa 't sama-sama tayo.🤍
—jm✍🏻
Captured by: Ivan lloyd Credo, Julieanne Oliva, Joseph Soria, Jomari Pagatpatan, Maria Lea Barbecho, and Mark Joseph Nugoy