Instructional Materials

Instructional Materials Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Instructional Materials, Digital creator, Guindulman.

25/10/2017

'Di lang laga or ensalada ang pwedeng gawin sa talbos ng kamote, ka-Cookmunity! Why not make it oystraspecial with this recipe?

Ingredients:
2 teaspoons Cooking oil
1/4 cup Liempo, thin strips
1 tablespoon Garlic, sliced
1/4 cup Tomato, big dice
1/2 cup Camote tops, stem, trimmed
2 cups Camote tops
1 tablespoon Water
1 pack (30g) SARSAYA®OYSTER SAUCE

Procedure:
1. SAUTE. In a hot wok or pan, add oil and saute liempo until brown then add garlic, tomato, and camote tops until vegetables soften.
2. STIR-FRY. Add camote tops leaves together with water and SARSAYA®OYSTER 30g SAUCE. Cook until desired consistency of sauce is achieved. Serve hot.

Makes 3-4
Size per serving: 1 cup
Calories per serving: 94 kcal
Carbohydrates (g):3
Proteins (g): 7
Fat (g): 3
Dietary Fiber (g): 0.99
Calcium (mg): 31.01
Iron (mg): 2.14
Sodium (mg): 40.26

Recipe Cost: 36.72
Cost per Serving: 9.18

Preparation and Cooking Time: 30 minutes

25/10/2017

Nahihilo: Mga Posibleng Dahilan
Ni Dr. Willie T. Ong

Maraming dahilan ang pagkahilo. Kadalasan ay hindi naman delikado ito. Pag-usapan natin ang mga pangkaraniwang sanhi ng pagkahilo.

1. Problema sa Mata – Kung malabo na ang iyong mata, puwede kang mahilo sa pagbabasa. Kung madalas mag-computer, nakahihilo din. Dapat ay ipahinga ang mata at tumingin sa malayo para ma-relaks ito. Magpagawa ng salamin o dili kaya’y baguhin na ang grado ng salamin.

2. Problema sa Tainga – Isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang sakit sa tainga. Nasa tainga kasi natin ang vestibular system kung saan nagmumula ang pakiramdam natin sa balanse at pag-galaw. Kung may dumi o impeksiyon sa tainga, puwede ito magdulot ng matinding pagkahilo (vertigo). Ang gamot dito ay ang meclizine 25 mg tablets (Dizitab, Bonamine). Ang ganitong hilo at tumatagal ng mga isang buwan bago humupa.

3. Presyon ng dugo – Kung ika’y may high blood, puwede kang mahilo at manakit ang iyong batok. Kung ikaw naman ay low blood, anemic at maputla, puwede ka rin mahilo. Dapat ang blood pressure natin ay nasa pagitan ng 140/90 ang pinakamataas at 90/60 ang pinakamababa.

4. Nerbiyos – Ang mga nerbiyosong tao ay madalas mahilo din. Kapag kinakabahan, natatakot o nakasaksi ng nakahihindik na bagay, puwede silang mahilo. Ang tawag dito ay panic attack o nerbiyos. Kailangan lang nila na magpahinga at uminom ng pampa-relax tulad ng Lexotan 1.5 mg tablet. Sa doktor lang makahihingi ng reseta nito.

5. Kulang sa oxygen – Minsan naman ay may nahihilo o nahihimatay sa isang mataong lugar tulad ng simbahan o rally. Dala ito ng matinding init at dami ng tao. Kailangan lang magpahinga, magpahangin at mawawala rin ang hilo.

Sa panghuli, mayroon ding mga pinangagalingan ang hilo na mas seryoso. Ito ay ang istrok at tumor sa utak. Ang istrok ay may matinding pagkahilo at may kasamang panghihina ng isang parte ng katawan. Ang tumor naman sa utak ay may kasamang matinding sakit ng ulo.
Subalit huwag matakot dahil bihira lang naman ito. Kung may karagdagang katanungan, magkonsulta sa inyong doktor.

Address

Guindulman

Telephone

+639216576482

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Instructional Materials posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share