20/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | โBicol University Hataw Nauwi sa Ambulansyang Umaalingawngaw
โ
โNgayong gabi, ika-20 ng Oktubre, binuksan ang Bicol University (BU) Olympics 2025 sa BU Sports Complex, kung saan binubuo ito ng tatlong pangunahing aktibidad: Parada, MM BU Olympics, at ang pinakaaabangang BU Hataw 2025.
โ
โNgunit ang BU Hataw 2025 na dapat sanaโy magbibigay saya at mga alaalang di malilimutan, ay siya ring aktibidad na muntikan nang bumawi ng mga hininga ng mga estudyanteโt dumalo upang makisaya.
โ
โNagsimula ang hindi inaasahang pangyayari nang magsimula ang sayawan. Ilang smoke bombs ang pinakawalan sa ibaโt ibang bahagi ng BU Sports Complexโang lugar ng sayawan. Binalot ng masangsang na amoy ng pulbura at makapal na usok ang lugar na hindi lamang nagpahirap huminga sa mga nasa lugar, kundi nagpahirap din sa ilan na makakita.
โ
โโAng alam ko po kasi, sabi po nila ay (first and) last lang yung smoke, at di ko po in-expect na sa una pa lang ng Hataw ay nag-smoke agad sila. Nag-zero visibility na talaga tapos ang daming nahimatay na hindi na alam kung saan pupunta,โ saad ng isang estudyante mula sa BU Guinobatan. โSabi din nung isang nagbitbit ng nahimatay, hindi rin nila alam kung saan pupunta kasi sa unahan yung medics, tapos puro smoke doon,โ dagdag pa nito.
โ
โPareho naman ang naranasan ng isa pang estudyante na mula rin sa BU Guinobatan. โHalos po karamihan sa mga students ay wala nang makita kasi sobrang usok na po talaga, tapos ang dami pong nahimatay,โ aniya. Ikinumpara rin niya ang BU Hataw noong nakaraang taon kung saan fireworks o paputok ang ginamit na palamuti. โMas better po yung last year kasi fireworks ang inano [ginamit] nila after, which is more safe kasi nasa sky. Mas safe po sana kung hindi naaapektuhan ang mga students,โ huling saad nito.
โ
โIlang estudyante ang isinugod para sa agarang atensyon at medikasyon sa BU Library, at ilang ambulansya rin ang kinailangan upang maidala sa mga pasilidad-medikal ang mga estudyanteng apektado.
โ
โNaiwasan sana ang nangyari kung ito'y hindi pinayagan at nasuri nang maigi. Hindi dapat sa mga estudyante ang sisi, kundi sa mga nagplano't nagsilbing programang tagapaghalili.
โ
โAng bawat kasiyahan ay hindi kailanman dapat lamangan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat taong kalahok sa anumang kaganapan. โ| Ulat ni Wenz Marvin Nabor, Punong Patnugot