11/08/2024
"Mommy-gay" nIlagyan ko ito ng note kasi ihahatid ko ito sa simbahan ngayon kasi nagassite pa siya 😁😁😁
Tuwing umuuwi si Andy sa tanghali ito ang lagi kong tanong "Kamusta School? Namigay ka ng baon?"
Isang araw ganito ang sagot niya "Hindi, nagagalit nga sakin si at tyaka si.. kasi hindi daw ako namimigay damot na damot ko daw, ay alangan gutom kasi ako, sakto lang sakin yong baon ko" 🤣🤣🤣🤣
Akala ko kasi madami yon para sa kanya, akala ko kasi medyo busog siya kasi kung anong baon niya yun din yung breakfast niya may choco na gatas pa yon, akala ko kasi madami at kasya na para makapamigay siya kaso ay hindi pa pala 😅😁
Kaya nitong mga nakaraan dinadamihan ko na talaga, gusto ko kasing ituro sa Anak ko na parating mamigay, hindi sa specific na tao lang depende o sa estado ng buhay kundi mamigay sa nanghihingi may pera man o wala. Alam ko na hindi ganoon ka-positibong paguugali ang panghihingi, hindi din naman ganoon ka-negatibo, ito naman ay nababago pa. Ang gusto ko lang ay makapag-create ng bonding ang anak ko sa kapwa niya mga bata dahil likas sa bata ang madamot, palahingi at iba pang pangit na paguugali na hindi pa minsan ganoon ka-aware ang isang bata, kaya nga tayo ay magulang para hubugin ang mga batang ito na magkaroon ng wastong pangunawa ang mga bata sa mga tama at mali.
Ilang ulit na sinabi sa Bibliya na palaging maging bukas palad, sinabi din sa Bibiliya na pag humingi ka bibigyan ka, ang pagpapala ng Diyos ay pinadadaloy at dapat yoong itinuturo sa mga anak, hindi lahat ng bata may Nanay na tuwang tuwang magluto kagaya ko, hindi kasi ako busy pag umaga, pangalawa maaga talaga akong nagigising kaya masayaa akong nagawa ng baon niya, at higit sa lahat hindi lahat may sapat na budget.
Kung papabayaan ko na hindi siya marunong mamigay, lalaking madamot si Andy, at ayoko yon. Hindi ko nga tinuturuan na gumanti pag inaaway maging madamot pa kaya 😁😁
Pero laging tatandaan ang bata ay bata, hindi lahat ng tinuturo natin sa ngayon ay effective agad, makikita natin na mga magulang ang mga turo natin sa anak natin habang lumalaki sila at nagkakaisip na ❤️