
29/08/2025
“SARILI KONG PAMILYA HINDI IMBITADO SA BIRTHDAY NG ANAK KO KASI AYAW NG…”
Mas malaki ang kinikita ng asawa ko kasi manager na siya, kaya sa amin, siya rin yung mas malaki ang naibibigay pagdating sa gastusin. Nung binyag at first birthday ng anak namin (sabay na celebration), siya lahat ang gumastos. May naihanda naman akong pang-ambag, pero sabi niya itabi ko na lang daw para sa ibang bagay. Malaki talaga ang nilabas niyang pera noon, aaminin ko yun.
Ako naman, nakatoka sa kung sino mga iimbitahan. Habang chine-check niya, bigla niyang sinabi na wala daw akong pwedeng imbitahan kahit isa mula sa pamilya ko. Syempre, nagulat ako. Sabi ko, “Ok ka lang ba, anak ko din ‘yon, dapat nandun din pamilya ko.” Pero ang sagot niya, siya daw ang gumastos at siya ang nagbayad ng lahat, kaya wala akong karapatan mag-imbita. Dinagdagan pa niya, na kapag naginsist ako, pati ako raw hindi kasali.
Wala na akong nagawa kahit msama loob ko, kasi alam kong magtatampo talaga ang pamilya ko. Ang tagal ko ring inisip kung ano ba ang nagawa ko, o ng pamilya ko, para hindi niya gustong imbitahan. Doon ko naalala nung mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, nagkaroon sila ng prblema ng pamilya ko dahil sa pera. Mukhang yun nga ang dahilan.
Kaya pala, tuwing pupunta kami sa bahay namin, palagi siyang may dahilan para hindi sumama. At kapag nandun naman ang pamilya ko sa amin, halos hindi niya sila kinakausap. At doon lang talaga ako natauhan nung outright na sinabi niyang ayaw niyang imbitahan ang pamilya ko.
Pinagtapat naman niya nung tinanong ko, at wala rin akong nagawa. Ang ginawa ko na lang, pinakiusapan ko ang pamilya ko na babawi kami sa ibang araw. Ang nkakalungkot lang, yung mismong venue, walking distance lang mula sa bahay ng family ko.