
02/01/2025
SELF PROUD AKO SAYO🫂
nairaos mo yung 2024 kahit puro hirap, sakit, pagod, puyat, sakripisyo
may mga bagay man na hindi inaasahan, pero iyo parin itong nalalampasan
sa mga araw na sobrang down na down ka at wala kang karamay, ipinapakita mo na ok ka lang sa harap ng mga tao sa inyong bahay at trabaho
yung mga oras na gusto mo na lang mawala, hindi mo hinayaan na sa sarili mo isagawa
panahong wala kang kakampi, sinasabi mo sa mga tao na ayos ka lang at sayo'y walang umaapi
idol kita self, hindi ko alam kung paano ako sayo mag papasalamat
hindi ko alam kung paano kita susuklian,
dahil sa kakauna ko sa iba, napaka habang panahon na napabayaan kita
SORRY SELF kung dumarating tayo sa sitwasyon na pinaka ayaw mo, yung malungkot, walang kakampi, walang nakakaintindi
PANGAKO, itong darating na taon, ikaw na ang uunahin ko sa lahat ng pag kakataon
SELF UULITIN KO, PROUD NA PROUD AKO SAYO🫂