22/07/2025
π§οΈ TAG-ULAN ALERT: Iwasan ang W.I.L.D Diseases! π¦
Ngayong panahon ng tag-ulan, mas tumataas ang panganib ng Leptospirosis, isa sa mga tinatawag na W.I.L.D. diseases (Water-borne, Influenza, Leptospirosis, Dengue).
π©ββοΈ Ang Hermosa Municipal Health Office ay laging handang tumugon upang maprotektahan ang bawat HermoseΓ±o laban sa mga sakit na dulot ng baha at maruming tubig.
π Good News! Mayroon tayong prophylaxis kontra Leptospirosis na maaari ninyong makuha sa inyong mga Barangay Health Stations.
π Paano makakakuha?
Makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Health Station o tumawag sa Hermosa Rural Health Unit para sa kaukulang impormasyon
π¦ Ano ang Leptospirosis?
Isa itong bacterial infection na nakukuha sa kontaminadong tubig-baha o lupa na may ihi ng daga.
Pwedeng pumasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat, gasgas, o kahit sa buong balat kung ito ay matagalang nakababad sa tubig.
Sintomas: Mataas na lagnat, pananakit ng ulo at katawan, paninilaw ng mata o balat, at minsan ay matinding komplikasyon sa atay at bato.
π Prophylaxis Dosing Guide para sa Doxycycline (Gamot na panlaban sa Leptospirosis) tingnan ang post sa ibaba
Buntis Hindi inirerekomenda ang doxycycline. Mangyaring kumonsulta sa RHU para sa mas ligtas na alternatibo.
π Paalala:
Ang prophylaxis ay hindi kapalit ng tamang pag-iingat.
β
Iwasan pa rin ang paglalakad sa baha
β
Gumamit ng protective gear (boots)
β
Panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran
π¬ Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
π Hermosa Rural Health Unit
O tumawag sa 09912619187
Hermosa Lying-In and Health Center