06/09/2025
๐๐๐๐๐ง๐ l Atletang Hilongosnons: Bumida sa Town Meet 2025
Pinangunahan ng mga paaralan na mula sa Hilongos North District, Hilongos South, Hilongos East, Hilongos Public Secondary Schools Employees Association (HIPSSEA), Hilongos Private School Athletics Association (HIPSAA) at Hilongos National Vocational School ang Hilongos Athletic Town Meet nitong ika-5 ng Setyembre na may temang "Nurturing Leyteรฑo Athletes Towards Sports Excellence".
Binuksan ang aktibidad sa ganap na alas 7:30 ng umaga sa isang parada ng mga atleta sa lunsod ng Hilongos kung saan nanguna ang drum & lyre corps mula sa HNVS, Saint Theresa School of Hilongos (STSH) at Concepcion National High School (CNHS) na agad namang sinundan ng pambukas na programa.
Itinampok sa programa ang pormal na pagbubukas sa kompetisyon, kung saan nagkaroon ng Raising of Banners, Entrance of Friendship Flame & Lighting of Symbolic Urn na isinagawa ni Eamon Edcel Fidel, Palarong Pambansa Qualifier sa badminton, Oath of Amateurism at Oath of Officiating Officials.
Nagbahagi rin si Gng. Trinidad Zarate, chair person ng Sangguniang Bayan
committee for Education ng isang inspirasyonal na mensahe para sa mga batang atleta. Ayon sa kaniya, "This event is not only a showcase of talent but also a celebration of discipline, determination and unity. To our dear athletes, may you compete with courage, respect and sportsmanship. Remember that every race you at, every game you play and every effort you give is already a victory."
Sa pagtatapos ng programa ay sinimulan ang kompetisyon sa bawat isport sa iba't ibang venue sa loob at labas ng paaralan, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng pampalakasan.
โ๏ธ: Chariza L. Bejaron
๐ท: John Jonas Undras