
06/10/2025
O wow
Binignit (Ginataang Halo-halo / Bilo-bilo)
Ingredients:
Ingredients
2 cups glutinous rice flour (malagkit rice powder)
3 cups coconut milk (2 cups coco milk at 1 cup coco cream)
3 to 4 cups water
Kamote
Saging na saba
1 1/2 cups cooked sago
Hinog na langka
Ube flavor
Sugar to taste
Pinch of salt
Procedure:
1. Sa isang bowl, mix ang 2 cups malagkit ppwder at kaunting tubig (around 3/4 cup) pakonti konti lang ang lagay. Mix mabuti hanggang makabuo ng dough (add water or flour as needed)
2. Pag okay na ang dough, hatiin ito sa dalawang part. Yung 1 part, lagyan ng ube flavor. Mix mabuti. Yung isang part, pwedeng wala ng flavor o kulay. Kung ayaw maglagay ng flavor, skip this part.
3. Kumuha ng kaunting dough at bilugin ito para maging bilo-bilo. Gawin ito sa lahat ng dough. Set aside
4. Sa isang pot, ilagay ang 2 cups coconut milk (gumamit ako dito ng 2 pouch ng 200ml coco mama) then add water (3 cups). Add more water kung gusto ng mas maraming sabaw. Pakuluin ito.
5. Kapag kumukulo na, ihulog paisa isa ang bilo- bilo. Lutuin ito sa medium heat hanggang magstart na itong lumutang.
6. Kapag lumutang na ang bilo-bilo, ilagay na ang kamote, saging na saba at dahon ng pandan (pwede ring vanilla essence) lutuin pa ito hanggang lumambot ang kamote.
7. After that, maglagay na ng asukal depende sa tamis na gusto mo. Maglagay rin ng kaunting asin, at ilagay na ang maliit na sago (cooked na ito, niluto ng separate) add langka kung meron at pang huli add yung 1 cup coconut milk or kakang gata. Lutuin sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sauce
And luto na! Enjoy!