
07/05/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Bayaning Binibini: Si Edrada at ang Kaniyang Pakikibaka para kay Maria Clara
Sa isang mundong binabalot ng katahimikan at mga limitasyon, may mga kaluluwang pinipiling bumangon โ dalisay ang layunin, matatag ang paninindigan. Ngayong taon, si Bea Elisa A. Edrada ng Junior Financial Executives (JFINEX) ay hindi lamang nagkamit ng titulong Binibining CBAPA 2025; higit sa lahat, siyaโy naging tinig ng mga Maria Clara ng makabagong panahon โ kababaihang matagal nang ipininta bilang mahina, mahinhin, at walang kapangyarihan.
Ang kanyang adbokasiya, "Empowering Women and Girls as a Catalyst for Community Leadership and Development," ay hindi isang hungkag na pangakoโito ay isang panata.
Isang panata na ang bawat batang babae ay dapat marinig.
Isang panata na ang bawat babae ay may karapatang mamuno.
Isang panata na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pagbibigay-lakas sa mga pinakadukha at pinakatahimik.
๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค๐๐ง
"Because I believe that when a girl is given a voice, she is given the power to change her world," saad ni Bea.
Hindi sapat ang mabuhay sa isang mundong kung saan ang tinig ng kababaihan ay nilulunod ng katahimikan. Para kay Bea, ang bawat batang babaeng natututo at pinapalakas ay isang binhi ng pag-asaโmay kakayahang pasibulin ang pagbabago, hindi lamang para sa sarili, kundi para sa buong lipunan.
Nakita niya ang kahalagahan ng mentoring: ang pag-abot ng kamay sa mga batang nangangarap ngunit hindi naririnig. Sa bawat pagsuporta sa kanilang pag-unlad, tayo rin ay nagtatayo ng matibay na tulay tungo sa kinabukasang pantay at makatarungan.
Hindi lamang niya ninanais ang oportunidad para sa kababaihan โ nais niyang hubugin sila bilang mga tagapagdala ng sariling adhikain.
Sapagkat sa bawat boses na binibigyang-lakas, isang bagong hinaharap ang isinisilang.
๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ค๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ข๐ค๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ-๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ
"It is not enough to teach women how to fit into the world โ we must also teach them how to change it," dagdag pa ni Bea.
Hindi sapat para kay Bea na ang kababaihan ay matutong "makibagay" sa baluktot na pamantayan ng lipunan. Pinapangarap niya ang pagguho ng mga lumang estrukturang pumipigil kung sino ang may karapatang mangarap at kung sino ang kailangang tumahimik.
Ipinaglalaban niya ang sistemikong pagbabago: edukasyong hindi pumipili ng kasarian, pamumunong hindi ikinakahon ng stereotype, at komunidad na kinikilala ang tunay na halaga ng kababaihan.
Ang kanyang paninindigan: hindi dapat hinuhubog ang kababaihan para lamang bumagay. Silaโy kailangang itaguyod โ upang sila mismo ang humubog ng bagong daigdig.
๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐
"Every empowered girl becomes a future leader, and every strong woman creates a ripple of hope, progress, and impact," wika pa ni Bea.
Para sa kanya, ang pagbabago ay hindi laging marahas o mapanghimagsik. Minsan, itoโy isang tahimik ngunit hindi mapipigilang alon.
Kapag pinalakas mo ang isang batang babae, nililikha mo ang posibilidad ng isang rebolusyon ng kabutihan โ dumarami, lumalawak, at sumasaklaw sa mga henerasyon.
Ang kanyang pangarap ay isang lipunang kung saan bawat babaeng pinaniniwalaang may kakayahan ay nagiging ilaw para sa iba.
Bawat pag-angat niya ay pag-angat ng sambayanan.
At sa puso ng bawat babae, ayon kay Bea, ay naglalagi ang kapangyarihang baguhin hindi lamang ang sariling kapalaran, kundi maging ang kinabukasan ng isang buong bayan.
๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐ ๐จ๐ฆ: ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐
Sa puso ng kanyang pagwawagi, isang napakalalim na katotohanan ang naipinta:
Ang tunay na reyna ay hindi lamang nagsusuot ng korona โ siya ang humahabi ng mga pangarap, bumubuo ng pag-asa, at nagpapasiklab ng pagbabago sa bawat yapak.
Si Bea ay hindi lamang binibini ng bagong henerasyon โ isa siyang bayani para kay Maria Clara, para sa lahat ng kababaihang matagal nang itinulak sa gilid ng lipunan.
Sa kanyang tinig, muling nabigyang lakas ang imaheng matagal nang pinatahimik.
At sa bawat paglakad niya bilang Binibining CBAPA 2025, isang malinaw at makapangyarihang panawagan ang iniiwan niya:
"๐ฒ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐."
____________________________
Isinulat ni Stetchie Joy Daniac
Inilapat ni Roi Andrew Umali