30/09/2026
ππ ππππππ | Makuulay na Parada, Pormal na Binuksan ang 4th PRMSU Presidentβs Cup
IBA, Zambales β Masiglang tugtugin at nagkakaisang hakbang, pormal na sinalubong ng President Ramon Magsaysay State University (PRMSU) ang pagbubukas ng 4th Presidentβs Cup noong Martes, Setyembre 29, 2026 na may temang "One Campus, One Fight, One Future".
Maagang nagtipon ang mga estudyante mula sa ibaβt ibang cluster, kasama ang mga opisyal ng pamantasan, teaching at non-teaching personnel, sa PRMSU Boulevard at E-Library grounds bago nagsimula ang opening parade bandang 7:40 ng umaga.
Pinangunahan ng PRMSU Color Guards ang parada, na sinundan ng Junior High School Drum and Lyre Corps (JHS DLC), mga opisyal ng unibersidad, teaching at non-teaching personnel, at mga kalahok mula sa ibaβt ibang cluster.
Nagmartsa ang mga delegasyon sa kahabaan ng national road ng Iba bago bumalik sa pamantasan at tumungo sa Magsaysay Circle, kung saan isinagawa ang opening program.
Nagpakita ng kani-kanilang kulay ang bawat cluster bilang bahagi ng parada. Nakasuot ng p**a ang Cluster 1, berde ang Cluster 2, asul ang Cluster 3, at abo naman ang Cluster 4.
Binubuo ng College of Business Administration and Public Accountancy (CBAPA) at College of Tourism and Hospitality Management (CTHM) ang Cluster 1; College of Arts and Sciences (CAS), College of Engineering (COE), at College of Criminal Justice (CCJ) ang Cluster 2; habang kabilang naman sa Cluster 3 ang College of Computing and Information Technology (CCIT) at College of Information Technology (CIT).
Samantala, kabilang sa Cluster 4 ang College of Teachers Education (CTE), Junior High School (JHS), at College of Nursing (CON). Kinatawan naman ng Cluster 5 hanggang Cluster 10 ang Castillejos, San Marcelino, Botolan, Masinloc, Candelaria, at Santa Cruz Campuses, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Matapos ang parada, isinagawa ang opening program na pinangunahan ni Sports Director Allan L. Gabriel.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang lighting of the torch, na isinagawa nina Christopher Pagar, national SQUAA Gold Medalist sa Arnis, at mga Regional SQUAA Gold Medalists sa Futsal na sina Jazmeen Tadena, Rafhiel Krish Reyes, Evanjellyn Marie Balane, at Angela Gonzales.
Samantala, pinangunahan ni Jasmine Ragaza, Regional SQUAA Gold Medalist sa Futsal, ang Oath of Sportsmanship, na nagsilbing panata ng mga atleta sa patas at marangal na pakikipagkompetisyon.
Sa kanyang inspirational message, binigyang-diin ni University President Dr. Roy N. Villalobos ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Ramonian mula sa ibaβt ibang campus.
Ibinahagi rin ni Villalobos na kasabay ng Presidentβs Cup ngayong taon ang Culture and Arts Ramonian Showcase, na isinagawa bunsod ng magkakasunod na suspensyon ng klase noong nakaraang buwan.
Aniya, mahalagang mabigyan din ng pagkakataon ang mga performer at artist ng pamantasan na maipakita ang kanilang talento at pagpapahalaga sa wika at kultura.
βSa ating mga performers and artists, you too have hope to reach this moment. Every song, dance, performance, spoke art piece, and work of art carries a part of who we are. Sa inyong pagtatanghal, buhay ang ating wika at kultura.β
Ipinaliwanag din ng university president na isinagawa nang magkasabay ang dalawang aktibidad kasunod ng rekomendasyon at mungkahi ng mga opisyal ng pamantasan.
βAyon sa rekomendasyon at suggestion ng ating mga kasamang officials, ito ay ating tinapos ng magkasabay.β
Binigyang-diin din ni Villalobos ang layunin ng Presidentβs Cup na higit pang pagtibayin ang ugnayan ng mga Ramonian mula sa ibaβt ibang campus.
βMay the President's Cup strengthen our bonds across campuses. May the Ramonian showcase deepen our appreciation of language, culture, and arts. As we begin, let us carry both goals together. One campus, one fight, one future, and a Ramonian identity brought to life through action.β
Sa huli, pormal niyang idineklara ang pagbubukas ng dalawang pangunahing aktibidad ng pamantasan.
βAt ngayon bilang pang ulo ng pamantasan, with great pride and excitement, I officially declare 4th PRMSU President's Cup and the Culture and Arts Ramonian Showcase begin.β
Samantala, pinangunahan naman ni Dr. Lilian F. Uy, Vice President of Academic Affairs, ang closing remarks ng programa.
β
Isinulat ni Zinab Saik
Kuha nina Cassady Reyes, Kiara Balagtas at Zyrel Jarme