04/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ ๐ค๐๐๐ข๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐
Bawat isa sa atiโy may pamilyang masasandalan,
Sa mga panahong tayoโy nanghihina at nangangailangan.
Ngunit kung kailan tayoโy marupok at sugatan,
Doon umaatake ang mga bulong na walang pinagmulan.
Isang tsismis na animoโy gumagapang sa paligid,
Tahimik ngunit kayang sumira ng pag-iisip.
Mga salitang tila hangin lamang sa pandinig,
Ngunit kapag tumimo, pusoโy unti-unting nagigipit.
Nakataas ang tingin sa bawat paglakad,
Ngiti sa harap, ngunit paninira ang hangad.
Mga taong hindi kontento kung walang naaapakan,
Mga matang mapanghusga na puno ng kayabangan.
Ako si Jojo, batang maaga paโy sinubok ng buhay,
May mga pangarap na ayaw kong hayaang mamatay.
Hindi lamang para sa sarili kundi para sa pamilya,
Na nagsilbing ilaw sa gitna ng dilim at problema.
Pakikipagkapwa-tao ang madalas ituro ni Tatang,
Aral na higit pa sa anumang kayamanang mahahawakan.
Hindi man sila nakapag-aral nang mataas,
Ngunit sa mabuting asal, silaโy tunay na mayaman.
Madalas kong ipangako sa sarili na gagalingan ko,
Na balang araw ay may maipagmamalaki rin ako.
Ipapakita kong mali ang pagmamaliit nila sa amin,
Na ang dangal ng taoโy hindi nasusukat sa yaman at tingin.
Maraming matang nakamasid sa bawat pagkilos,
Mga bungangang tila walang sawang nanunuligsa at nanunukso.
Ngunit bakit ako matitinag sa kanilang salita,
Kung alam kong may mas mahalagang laban kaysa sa kanila?
Sabi ng ilan, wala raw akong mararating,
Salitang hanggang ngayoโy baon ko pa rin.
Ngunit sa siyam na taong pagtatrabaho at pagpupunyagi,
Naisip kong balikan ang pangarap na minsang natabunan ng pighati.
Hindi naging madali ang lahat ng dinaanan,
May mga gabing halos gusto ko nang sukuan.
Ngunit bawat hakbang ay naging bahagi ng daan,
Patungo sa pangarap na noon pa man ay aking inaasam.
At matapos ang apat na taon ng pagsisikap,
Napatunayan kong hindi hadlang ang anumang hirap.
Ako si Jojo, ngayoโy isa nang kolehiyong nagtapos,
Ang batang minsan nilang tinukso at hinusgahan nang lubos.
Ngunit heto ako, nakatindig sa kanilang harapan,
Bitbit ang tagumpay na bunga ng tiyaga at paninindigan.
Hindi upang maghiganti o manumbat sa nakaraan,
Kundi upang patunayang kaya kong abutin ang aking pangarap.
Minsan ang buhay ay hindi natin alam kung saan tutungo,
Maraming unos ang maaaring humarang sa landas mo.
Ngunit isang bagay ang tiyak at dapat mong tandaan,
Huwag hayaang ang paghusga ng iba ang magtakda ng iyong kapalaran.
Sapagkat sa huli, hindi sila ang magsusulat ng iyong kwento,
Hindi sila ang magtatayo ng iyong pangarap at tagumpay sa mundo.
Tayo pa rin ang humuhubog sa landas na tatahakin,
At tayo rin ang lilikha ng kapalarang ating aangkin.
______
Mga salita at dibuho ni Ginoong R